Chapter 65- Alter’s Pain Split Intentions to Love Conflict “Ahhhhh! Putsa! Tangna tatlong araw na ako dito bakit ba ginalingan nila ang p*******i! Tangna ang sakit na ng braso ko!” angal na reklamo ni Maki habang kita sa mukha nito ang pagod sa tatlong araw na walang tulog at walang kain. Tatlong araw narin ang lumipas mula ng makuha siya ng hindi pa nagpapakilalang kalaban, walang tulog si Maki makaisip lang at makagawa ng paraan paano makakatakas. Pero dahil makapal at mahigpit ang pagkakatali na ginawa sa kaniya ay nahihirapan siyang makawala, namumula na ang parehas niyang palapulsuhan dahil sa pamimilit niyang matanggal ang pagkakatali niya dito. Namamalat narin ang kaniyang mga labi dahil kahit tubig ay hind sila binibigyan. Nakakaramdam na ng panghihina ng katawan si Maki pero

