Chapter 66- Sorrow and Tears Split Intention to Love Conflicts Tahimik lang sina Ruhk at Paxton sa mga kinauupuan nila sa sala habang may malalim na mga iniiisip samantalang si Trace ay nakatutok sa laptop ni Maki na nakuha niya sa kwarto nila ni Ruhk. Tatlong araw nang nahihirapan silang mahanap kung nasaan ang kinalalagyan ni Maki, walang makitang clue si Trace at kahit si Ruhk ay walang makitang makakapagturo kung nasaan si Maki dahil pakiramdam nila may humaharang. Lahat ay ginawa nila para mahanap ito pero kahit saang lugar na puntahan nila ay bigo lang silang makita ang kanilang kaibigan. “Masasabi kong magaling magtago ang kung sino mang kumuha kay Lachecko, tangna kung saan-saan na tayo naghanap hindi parin tayo makakuha ng kahit isang letseng lead kung nasaan siya. Sumasakit na

