Chapter 67- The Antagonist Split Intentions to Love Conflicts “Ano? May kondisyon din ang ama mo nang gaya ng sayo? You mean Dissociative Identity—whatsoever---may ikalawang persona din siya?” Hindi makapaniwala si Paxton sa ikinuwento ni Maki sa kanila sa tatlong araw na nawala ito at bihag siya ng kalaban niya, kahit si Nastia ay nagulat. Hindi nila inaasahan na ang ama ni Maki ay dumadanas din ng katulad niyang may kondisyon kung saan nakabuo sila ng ibang persona sa kanilang isipan. “Paano mo naman nasabi Laochecko na parehas kayo ng sitwasyon ng ama mo?”tanong ni Ruhk sa kaniya. Nakapag pahinga na naman ng ayos si Maki at mas nasuri na ang mga sugat nito dahil tumawag ng doctor si Paxton, kakatapos lang nilang kumain ng hapunan at sa sala nila tinuloy ang pagtatanong nila kay Mak

