Sa klinik dumiretso si Sandro. Nanatiling tulog si Jules kaya siya na ang nagbuhat ng bangkay ni Sheryl. Ipinasok niya ito sa loob, diretso sa kaniyang operating bed. Nakangiting pinagmasdan bago binalikan si Jules. Tulog pa rin ang lalaki na bahagya niyang niyugyog. Pupungas-pungas naman ito na tumingin sa kaniya. Bahagya pa itong nagulat nang mabungaran siyang nakangisi. "Nasaan... Nasaan ako? Si Sheryl?" Nilingon pa ni Jules ang backseat. Parang ngayon lang nag-sink-in sa kaniya ang mga nangyayari. Ang hindi sinasadyang pagkamatay ni Sheryl, na hindi niya alam kung siya nga ba ang pumatay? Ang lalaking nasa harapan na mukhang siya ang dahilan ng lahat! "Nasaan kami?!" Kinuwelyuhan ni Jules ang lalaki at galit na galit na isinalya ito sa kotse. "Woah, relax Jules. Nasa loob lang

