Naalimpungatan si Jules nang parang may naramdaman siyang kaluskos. Inaantok na bumitaw sa pagkakayakap kay Sheryl, bago humikab. Inilibot ang paningin sa may kadilimang kuwarto. Babalik na muli sana siya sa pagtulog ng may mapansin sa pintuan. Patay ang lahat ng ilaw kaya hindi niya maaninag maiigi kung ano ba iyon. Agad niyang hinagilap ang switch ng lampshade na nasa kaniyang kanan. Napapikit si Jules nang bumaha ang liwanag. Nang masanay na ay agad na dumilat at sinulyapan ang pinto, pero wala namang kahit anong naroon na kanina lang ay parang may gumagalaw. Saglit na inihiga ni Jules ang ulo sa unan at pumikit. Baka namalik-mata lang siya. Eksaktong iniangat niya ang ulo para patayin na ang lampshade nang mapatingin siyang muli sa pinto. At nanlaki ang mga mata niya sa nakita! Isa

