Pagkagaling nina Maro at Brent sa mamihan ni Aling Helen ay umuwi na rin kaagad sila sa kanya-kanyang bahay. Sa pagpasok ni Maro sa bahay, naabutan niyang nakatayo malapit sa hagdanan si Neo. Seryoso ang mukha nito at nakatingin sa kanya. Nakabihis na ng sando at short, senyales na kanina pa ito nakauwi. “Nandyan ka na pala,” sabi ni Maro. Umiwas ito nang tingin saka sinara nito ang pintuan. “Saan ka nanggaling?” seryosong tanong ni Neo. Muling tiningnan ni Maro si Neo. “Kumain lang kami ni Brent sa mamihan ni Aling Helen. Nag-aya kasi siya,” sabi ni Maro. Nangunot ng bahagya ang noo ni Neo. “Kasama mo si Brent?” tanong nito. Napatango-tango si Maro. “Ikaw ba? Kumain ka na ba? Kung gusto mo ipaghahanda kita,” sabi nito. “Sandali lang at magluluto lang ako saglit,” dugtong niya. H

