Nakatayo sa tapat ng bintana si Maro. Madilim na sa labas at nagbibigay liwanag ang sinag ng buwan. Madilim na rin sa loob ng kanyang kwarto dahil nakapatay na ang ilaw. Napabuntong-hininga nang malalim si Maro nang dumaloy na naman sa kanyang isipan ang napag-usapan nila kanina ni Neo. Nag-aalala rin siya dito dahil hindi nito kinain ang hinanda niyang pagkain kanina at nagkulong na lang sa kwarto. Sa kanyang tingin ay masyadong nagtampo si Neo dahil hindi niya napagbigyan ang kagustuhan nito. Para kay Maro, mahirap rin naman kasing pagbigyan ang kahilingan ni Neo sa kanya. Oo, mahal niya ito ngunit kaibigan na niya si Brent. Bihira na lang siya magkaroon ng kaibigan kaya ayaw niya rin itong mawala. Isa pa, wala namang siyang dahilan para layuan si Brent. Wala silang ginagawang masam

