Nasa kusina si Maro at abala sa pagluluto ng kakainin nila ni Neo ngayong tanghalian. Pa-hum-hum pa siya ng isang awitin habang hinahalo ang calderetang nakalagay sa kaldero at nakasalang sa kalan. Halata sa mukha at awra ni Maro ang saya. Sa mga nangyayari ngayon sa buhay niya, sino ba naman ang hindi magiging masaya? Pakiramdam din ni Maro, asawa na asawa ang dating niya ngayon. Siya ang nag-aasikaso sa bahay at siyempre, kay Neo na busog na busog sa kanyang pag-aalaga. Hindi naman namamalayan ni Maro na dahan-dahang pumasok si Neo sa kusina. Tiningnan nito si Maro na nakaharap sa kalan at nagluluto. Ngumiti ito. Nakaramdam na si Maro na may nakatingin sa kanya kaya napalingon ito. Bahagya siyang nagulat nang makitang nakatayo si Neo sa b****a ng kusina at nakatingin sa kanya habang

