Mag-isang nakaupo sa ikatlong baitang ng hagdanan na nasa harapan ng national library si Hyde. Tulala siyang nakatingin sa kawalan. Mababakas sa kanyang mukha ang kalungkutan. Nakakaramdam ngayon ng lungkot si Hyde dahil ‘yung taong kinahulugan niya ng loob, hulog na pala ang loob sa iba. Ngayon niya napagtanto na nahulog siya ng hindi sinasadya at hindi niya namamalayan. Nahulog siya sa isang taong maihahalintulad niya sa bangin, mapanganib kaya hindi dapat mahulog rito. ‘Bakit ba kasi nangyayari sa akin ito?’ sa isip-isip ni Hyde. Hindi niya akalain na mahuhulog ang loob niya sa iba. Hindi niya inaasahan na ang taong kahuhulugan niya ay isang kagaya ni Blue. Maraming katanungan ngayon sa utak ni Hyde kagaya na lamang ng bakit siya nahulog sa katulad ni Blue? Paanong nahulog siya sa b

