Natapos na ni Luis ang ginagawa niyang trabaho kaya naman ngayon ay naghahanap siya ng magagawa niya dito sa bahay. Nakatayo siya sa gitna ng living room at nililibot nang tingin ang paligid. Malalim na napabuntong-hininga si Luis. Gusto sana niyang puntahan ulit si Blue sa shop nito para dalawin pero naisip niya na baka maka-istorbo lamang siya dito kaya huwag na lang. Pamaya-maya ay itinigil ni Luis ang paglilibot nang tingin sa paligid. Sumilay ang maliit na ngiti sa labi niya. “Maglilinis na nga lang ako,” mahinang wika ni Luis. Nagkibit-balikat siya saka naglakad papunta sa kusina para kunin ang mga gagamitin niya sa paglilinis ng buong bahay. --- Abala si Luis sa paglilinis ng bahay. General cleaning ang kanyang ginagawa. Nagpupunas siya ngayon ng mga gamit at dahil mainit ang p

