Naka-angat ang ibabang labi habang nakahalukipkip ang mga braso ni Luis. Diretso ang tingin niya kay Blue na kasalukuyang nagluluto sa kusina. Nakaupo si Luis sa wheel chair na ibinili sa kanya ni Blue. Wala siyang nagawa kundi ang gamitin ito kahit na ayaw niya. Tinakpan ni Blue ang kalderong pinaglulutuan niya ng sinigang na hipon. Nilingon niya si Luis. Sumilay ang ngiti sa labi niya. “Kaunting hintay na lang at kakain na tayo,” nangingiting wika ni Blue. Mas lalong umangat ang ibabang labi ni Luis. “Huwag ka ngang sumimangot diyan,” nangingiting sermon ni Blue kay Luis. Napairap si Luis. Tumingin siya sa ibang direksyon. Mas lalo namang ngumiti si Blue. Iniwanan na muna niya ang kanyang niluluto saka nilapitan si Luis. “Para din naman sayo ‘yan,” saad ni Blue. “Mas mahihirapan

