Mabagal na naglalakad si Hyde sa loob ng mall. Wala siyang kasama pero hindi iyon problema sa kanya. Sanay na din naman siyang mag-isa dahil mas gusto niya ang walang kasama. Pinamulsa ni Hyde ang kanyang mga kamay sa bulsa ng suot niyang blue semi-fit jeans. Patingin-tingin siya sa paligid habang seryoso ang kanyang mukha. Hindi pinapansin ni Hyde ang mga tumitingin sa kanya at humahanga sa kagwapuhan niya. Kinikilig sa kanya ang mga babae at itinatago naman ng ilang kalalakihan ang kilig na nararamdaman habang tinitingnan din siya. Wala siyang pakiealam sa mga iyon katulad ng wala siyang pakiealam sa kung ano ang nangyayari sa mundo. Patuloy lamang sa paglalakad si Hyde. Wala naman siyang gustong bilhin dito sa mall. Nais lamang niyang maglibot dahil bored na siya sa bahay nila. Natap

