Klaire's POV. Nilapag ko na ang bulaklak na dala-dala ko sa himlayan nya. "Hi baby" bati ko sa anak ko. Sinindihan ko na ang kandila ng cake. "Happy 2nd birthday" sabi ko sa kanya. Naramdaman kong tumulo ang luha sa mga mata ko. "Walang araw na hindi kita namiss. Araw-araw kitang namimiss" sabi ko. Halos araw-araw akong nandito. Isang taon na naman ang nagdaan. Dalawang taon na rin pala ang nakalipas. Wala pa din sya. Wala pa ding Dwayne. Wala pa ding nakakaalam kung san sya nagpunta. 2 years na pero wala pa ding nangyayari sakin. Ito pa din ako. Hindi na naka move on. Masyado kasi akong padalos dalos sa desisyon e. Kaya yan. Pagdudusahan ko na to habang buhay. Saming magkakaibigan ako na lang ang alone. Walang asawa o pamilyang sarili ko. Nalulungkot lang ako ng todo. Ano ng nang

