Chapter 5: Stress and pregnant
“ILANG araw na ‘yan, hija. Nagpasuri ka na ba sa doctor?” tanong sa akin ni Nanay Carmen.
Ang nangangalaga sa akin simula ng bata pa lamang ako at kung palaging busy sa mga trabaho nila ang parents ko ay siya ang kasa-kasama ko. Naghahatid sa akin sa school at tumutulong sa mga school works ko. I treat her like my second mother. Ang bait niya kasi at maalaga. Hindi na siya nagkapamilya pa. Wala rin naman yata siyang balak, kaya hanggang ngayon ay nasa amin pa rin siya.
Isa na rin siya sa pinagkakatiwalaan ni Dad. Dahil sa matagal nitong pagtatrabaho sa family namin. Mahirap kunin ang tiwala ni Dad.
At ang tinutukoy niyang pagpapasuri ko ay ang madalas kong pagsusuka tuwing umaga o kahit araw-araw pa mismo. Minu-minuto akong nasa CR para lamang sumuka at lahat ng kinakain ko ay inilalabas ko lang.
Gusto kong kumain pero hindi ko rin matukoy kung ano ba ang nangyayari sa katawan ko. Kahit ang favorite foods ko ay inaayawan ko na.
Dalawang linggo na akong nagkakaganito at sa loob din ng mga araw na iyon ay hindi ko na nakita pa si Jai. Masakit para sa akin ang breakup namin pero wala akong magagawa kundi ang pagbigyan siya sa gusto niya. That's his decision.
Madalas ko rin siyang iniiyakan dahil sobra akong nasaktan. Nakadepende na talaga sa kanya ang kasiyahan ko at ang buhay ko. Kahit paulit-ulit kong tinatawag ang pangalan niya at nagmamakaawa na bumalik na siya ay wala pa rin namang nangyayari, of course sa room lang ako umiiyak.
Mahal niya ako. Pero bakit sinasaktan niya ako? Bakit iiwan pa rin niya ako? Bakit ipagpapalit pa rin niya ako sa best friend niya? Hindi pa rin ba ako enough para piliin niya? Ang mag-stay na lamang siya sa tabi ko?
“Anak,” tawag sa akin Nanay Carmen dahil nakikita na naman niyang tulala ako. Pagkatapos kong sumuka.
Inilabas ako mula sa banyo ni nanay at pinaupo ako sa kama. May dala na siyang tubig sa baso at ibinigay iyon sa akin. Hinagod pa niya ang likod ko para pakalmahin ako.
Masama talaga ang pakiramdam ko. Madalas ay nakararamdam ako ng pagkahilo at sakit sa puson. Hindi ko na nga rin alam kung ano na ba ang nangyayari sa akin.
“Kung magpapatuloy pa rin ‘yan ay sasabihin ko na ito sa Daddy mo. Hindi puwedeng magpatuloy kang ganyan,” sabi niya sa akin. Wala naman kasing alam si Dad sa nangyayari sa akin. Busy siya ngayon.
Bumukas naman ang pinto sa kuwarto ko at pumasok si Red. Akala ko ay siya lang pero kasunod niya si Daddy at may isa pa silang kasama. Sa hitsura at ayos pa lang ay nahuhulaan ko na kung ano ito. A doctor.
“How’s your feeling?” my father asked me. There's no emotion written on his face. Hindi ako nakasagot agad dahil nabigla ako sa pagdating nila. “The honest answer, Miamor,” he added.
“I’m not feeling well, Father. Masakit po ang ulo ko at nahihilo ako,” sagot ko pagkatapos kong bumuntonghininga.
Tumango siya at lumingon sa babaeng doctor. Lumapit naman ito sa akin at si Nanay Carmen ay umalis muna sa tabi ko.
“Kailan pa nagsimula ang sama ng pakiramdam mo?” marahan ang boses na tanong sa akin ng doctora at napatingin ako sa name plate niya. Dra. Ventura.
“Two weeks ago,” sagot ko at bahagya pang hiningal. Itinapat sa akin nito ang stethoscope, sinuri ang BP ko while touching my pulse.
“May mga katanungan ako sa ‘yo. Every morning, nagigising ka na lang na tila nasusuka?” unang tanong niya sa akin. Napatingin muna ako kay Dad na seryosong nanonood sa amin. Nakakrus ang mga braso niya sa kanyang dibdib.
“Opo. Parang may something sa sikmura ko kaya nasusuka ako,” sagot ko.
“Lumalakas ka rin bang kumain? May mga pagkain ka na gusto mong kainin na hindi mo naman gusto dati pa? May mga amoy na hindi mo nagugustuhan o masyado kang nandidiri?” sunod-sunod niyang tanong at napatango ako.
“Iyon ang nangyayari sa akin. I don't know, may mga favorite akong foods pero parang ayoko ng kainin pa,” nakangiwing sagot ko.
“Nahihilo ka rin ba? Tinatamad sa lahat ng bagay at inaantok?”
“Yeah,” I answered.
“Do you have a boyfriend?” Nagulat ako sa tanong niya kaya wala sa sariling napatingin ako kay Dad. Wala pa ring emosyon ang mukha niya at tutok na tutok talaga sa amin.
Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko dahil sa nararamdaman na kaba. Ano ang isasagot ko? Aaminin ko na ba? Pero break na kami ni Jai at wala na akong boyfriend ngayon. Pero ano ba ang isasagot ko?
“Honest answer, Miamor,” Dad warned me.
“I had,” tipid kong sagot at nag-iwas ng tingin kay Daddy. Mas lumamig kasi ang presensiya niya at nandidilim na ang mukha niya.
“Kailan ang huling i*********e mo with your boyfriend?” the doctor asked me.
“Three weeks ago pero wala na kami ngayon. He's my ex-boyfriend,” sagot ko pa at matapang na tiningnan ko rin ang aking ama.
“Okay, sapat na ang mga sagot mo sa mga katanungan ko. You can use this para sigurado tayong lahat.” Natulala ako nang makita ang bagay na iyon at ibinigay niya sa akin.
Nanginginig ang mga kamay ko na kinuha iyon at palipat-lipat na ang tingin ko kina Daddy, Red at Nanay Carmen. Nakahawak pa sa dibdib niya si nanay at si Red ay tumango lang sa akin.
Ngayon lang ako kinabahan sa buong buhay ko at expected ko na ang magiging reaction ng daddy ko kapag lumabas na positive ang resulta. Oh, God... It can't be... Mas lalo lang magiging komplikado ang lahat kapag... Bumuntonghininga ulit ako saka ako dahan-dahan na naglakad.
Muntik ko pang mabitawan ang pregnancy test habang hinihintay ko ang resulta nito at binabasa ang instructions. Kapag dalawa raw ang guhit ay positive na buntis ako. Darn it... Malalagot ako kay Dad nito, dahil alam ko na isa ito sa hindi niya pinakagusto na gagawin ko.
Ilang minuto ang hinintay ko at nang makita ko na iyon ay nag-init agad ang sulok ng mga mata ko. Napahawak ako sa sinapupunan ko at nag-uunahan na ulit sa pagbagsak ang mga luha ko. Naghalo-halo ang emosyon na nararamdaman ko.
Lumabas na ako para maipakita ko na sa kanila ang resulta ng pregnancy test ko. Nag-aabang talaga sila at hindi man lang umalis, ni gumalaw sa kinakatayuan niya ang aking ama.
“I’m p-pregant... I’m very sorry, Dad,” umiiyak kong sabi. Dahil na-disappoint ko si Dad, for the very first time. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa pagkirot nito. Nagsisimula nang nandidilim ang paningin ko at lahat ng bagay na nakikita ko ay gumagalaw na.
Pero bago pa man ako mabuwal sa kinakatayuan ko at mawalan ng malay ay nakita ko pa ang mabilis na paglapit sa akin ni Dad. Niyakap ako nito saka ako tuluyang kinain ng kadiliman.
Nagising ako sa marahan na paghaplos sa ulo ko at pababa sa pisngi ko. Hindi ako agad dumilat dahil alam kong iikot na naman ang paningin ko pero nagawa ko ring magmulat ng dahan-dahan. Si Dad ang unang bumungad sa akin at nakaupo siya sa kama na nasa gilid ko.
Nang mapansin niya na gising na ako ay mabilis siyang tumayo at nagtungo sa pinto. Ang akala ko ay nahihiya lang siya sa akin dahil nahuli ko siya sa loob ng silid ko at ginawa niya ang bagay na madalas naman niyang ginagawa noon nang bata pa lamang ako. Ngayon ko lang ulit naramdaman iyon.
Napabuga ako ng hangin sa bibig at bumangon. Humilig ako sa headboard ng kama ko.
Ang akala ko ay hindi na babalik si Dad pero muli siyang pumasok sa loob at kasama na niya ulit ang doctora. For the second time around ay sinuri na naman ako ng doctor.
“How is she?” tanong pa ni Dad.
“Normal naman ang lahat, mula sa blood pressure niya, her heart and breath. Pero iwasan mo lang ang mga bagay na puwede mong ika-stress, hindi ka puwedeng magtrabaho ng mabibigat at ang magpupuyat. Kailangan mong panatilihin na maayos ang kalagayan mo para hindi maaapektuhan ang sanggol na nasa sinapupunan mo. Tandaan mo na kung ano ang nararamdaman ng ina ay iyon din ang mararamdaman ng bata. Suhestiyon ko na bisitahin niyo ang hospital namin, Senator Ferrara para masubaybayan namin ang pagbubuntis ng iyong anak. Mabigyan siya ng reseta ng vitamins, kung ano rin ang bawal at tamang kakainin niya,” mahabang sabi nito.
“We will visit soon. But what about her lose conscious earlier? Was that just nothing? Baka hindi normal ang pagbubuntis niya,” sabi ni Dad na ikinagulat ko pa. Wala pa rin siyang emosyon pero parang iba na yata ang ipinapakita niya. Dahil lang sa pananalita niya.
“Her fainting had nothing to do with her pregnancy. It's normal to be shocked and that's how she feels, si she fainted. Masasagot pa ang iilan na mga tanong mo, Senator Ferrara kung sa madaling panahon ay maisusuri mo naman ang iyong anak sa oby” sabi pa niya.
After that ay nagpaalam na ang doctora at pumasok naman sa loob si Nanay Carmen na may dalang tray. Isang tasa ng gatas ang ibinigay niya sa akin.
“Can you go out, Carmen for awhile? I want to talk to my daughter alone,” seryosong sabi ni Dad. Alam ko na, pagagalitan na niya ako.
“Huwag mo na pagalitan ang anak mo, Mod,” ani Nanay at tinawag niya ito sa palayaw na siya lang din ang tumatawag no’n.
“Hindi ko ho pagagalitan,” sabi lang ni Daddy.
“Oh, ubusin mo ‘yan, anak. Sige na, lalabas na muna ako. Babalik din ako kapag may kailangan ka pa.” Tumango ako sa pagpapaalam ni Nanay Carmen.
Lumipat sa tabi ko si Daddy at hinihintay ko na lamang na pagagalitan niya ako pero iba ang nangyari.
Masuyo niyang hinaplos ulit ang ulo ko at marahan akong niyakap. “F-Father.”
“I’m so sorry for giving you a hard time, anak. I’m very sorry kung madalas kitang pinipilit sa isang bagay na pinakaayaw mo but I don't want you to do that thing. Hindi ka muna sasama sa akin at hindi ka muna papasok sa politika. Magpahinga ka na muna at bawal sa ‘yo ang ma-stress. Alagaan mo muna ang sarili mo para sa anak mo,” mahabang sabi niya and he lossen up.
Ipinakita na niya sa akin ang totoong emosyon niya na tila ba matagal na niyang itinatago sa akin. Ngayon lang...
“D-Dad?” gulat kong tawag sa kanya.
“Pupunta tayo agad sa hospital para masuri na kayong dalawa ng apo ko,” sabi niya at parang maiiyak na naman ako.
“H-Hindi ho kayo galit sa akin, Dad?” nauutal na tanong ko sa kanya. Umiling siya at kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata niya.
“Bakit ako magagalit, anak ko?” he asked me.
“D-Dahil buntis po ako,” umiiyak na sagot ko. Tumango siya.
“And I’m happy for that. Tanggap ko ang anak mo, Miamor. It's my grandchild, tatanggapin ko pa rin siya,” sabi niya na mas lalo kong ikinaiyak.
Natataranta na si Dad sa pagpapatahan sa akin at ilang beses niyang hinalikan ang noo ko.
“I miss you, Father...” I said. Ngayon ko lang ulit siya nayakap ng ganito katagal at kahigpit. Lumalambot ang puso ko.
“I miss you too, love... Stop crying now,” he said.
Nirespeto naman ni Dad ang pananahimik ko tungkol sa ama ng batang dinadala ko. Kahit nasasaktan ako dahil lalaki siya ng walang tatayong ama ay masaya pa rin naman ako na dumating siya. Dumating siya sa buhay ko at iniligtas niya ang Mommy niya.
Sinabi naman ni Dad kay Mommy ang kalagayan ko at napauwi ng wala sa oras ito. Akala ko ay hindi na siya pupunta pa sa mansion namin. Pero nagulat na lamang ako nang makita ko siya na papasok na sa kuwarto ko.
Hindi ko alam kung nagmamadali ba siya sa pagpunta rito dahil American blue coat, white plain shirt and black pants ang suot niya. Naka-ankle boots din siya. Wala siyang make up pero may suot siyang shades. Tinanggal niya iyon agad at mabilis na lumapit pa sa akin. She's beautiful without make up, to be honest. But this is new, she's very formal kung lumalabas siya. Never mo siyang makikita na ganito.
“Mother...” I called her. Ngumiti siya sa akin at umupo sa tabi ko.
Ibinaba niya sa kama ang dala niyang handbag and she sat down on my bed.
“Hey, love. Are you feeling better now?” malambing na tanong niya sa akin and she caressed my face.
“I’m good, Mother. Bakit umuwi pa po kayo?” I asked her.
“I’m just excited to see you again. Your father told me about your pregnancy that’s why hindi ako nagdalawang isip na umuwi rito. This is a surprise for me, love.” I smiled at her, base on her reaction. Just like my Dad, tanggap niya rin ang baby ko. Hindi niya rin ako pinagalitan at umuwi pa talaga siya.
“Thanks, Mom,” I said at niyakap naman niya ako. Ilang buwan kaming hindi nagkita ni Mommy at madalas ay umaabot pa ng isang taon. Ako pa nga ang bumibisita sa kanya.
“No worries, love. Where’s your father?” she asked me.
“Baka nasa work na po niya,” sagot ko.
“Your Dad, when he told me na magkakaroon na kami ng apo... I can't feel his happiness over the phone, Miamor. I can even heard him sniffing, na parang umiyak pa siya,” nakangiting kuwento niya.
“Matagal po kayong nag-usap?”
“Hindi,” she replied at hindi ko alam kung bakit nakararamdam ako ng lungkot sa boses niya.
“What happened, Mother?” I asked her, confused.
“I’m just gonna miss your Dad kung magtatagal pa ang conversation namin,” she said that shocked me, so hard. What was that mean?