CHAPTER 6

2495 คำ
Chapter 6: Reunited & accident IT’S been five years since naghiwalay na sila ni Dad officially. Hinintay lang nila siguro na handa na ako sa magiging desisyon nila na maghiwalay. Pero bakit iba pa rin ang nakikita ko ngayon sa aking ina? What just happened? “I expected na wala ka ng mararamdaman pa towards father, Mom. What was that mean? Why are you gonna miss my dad?” I asked her, confused are written on my face. Gusto kong malaman ang reasons niya kung bakit? Na kung bakit ganoon ang sinabi niya at mami-miss niya lang si Daddy? “Look, Miamor. May mga desisyon ako sa buhay na nauuwi pala sa regrets. Do you want me to continue my story, love?” tanong niya at tumango ako bilang tugon. Gusto kong malaman. “Go on, Mother,” tumatangong saad ko. “Hindi ka ba nagtataka kung bakit hindi ka na nasundan pa namin ng daddy mo?” tanong niya. Umiling ako dahil wala akong idea. Kasi baka parehong decision nila ang hindi na ako magkakaroon pa ng kapatid. Na baka gusto nila na isa lang o masyado silang busy para magkaroon pa ng quality time. Madalas namang ganoon. “Both decision?” patanong na sagot ko pero umiling siya. “Sa akin lang, anak. Sariling desisyon ko iyon at alam ko na gusto pa ng daddy mo na sundan ka but I refused. Masyado kong mahal ang trabaho ko noon at hindi ko maiwan-iwan. Actually, I'm two months pregnant at that time.” My lips parted because her confession. Hindi ko alam ang bagay na iyon o sadyang napakabata ko pa at hindi ko iyon napansin? “Mom? How come I didn’t know ‘bout that?” tanong ko. “I’m stress, I worked so hard because you know my dreams, right? To become a famous fashion designer of the country. So, I forgot to take care of myself at hindi ko rin naman alam noon na buntis na pala ako. Na dinadala ko na pala ang kapatid mo, love... Para akong mamamatay nang malaman ko iyon at nagulat na lang ako na nagising na ako sa hospital. Sinisisi ko ang sarili ko at nag-away kami noon ng Dad mo,” mahabang saad niya. “Dahil sinisisi ka rin ni Dad, Mother? He blame you because you lost my kapatid? Alam ko na simula pa lang ay busy na talaga si Daddy. Wala rin siyang time sa inyo, even me, Mom,” I blurted out and she nodded her head. “Your father is kind hearted, love. A loving father and a husband,” she said with a smile. I don't know kung totoo ba ang nakikita ko sa eyes niya. Sparkle? Wait... there's something. “But years had past, I didn't even see that,” I said. “That’s because of me, love. Kaya sa takot ko noon na baka mangyari na naman ang miscarriage ko, I tried to keep my distance away from your father. He didn't realize agad na unti-unting lumalayo ang loob ko sa kanya. Alam ko na napaka-selfish ko sa point na iyon but I feel like exhausted, sa family natin... Tumagal nang ganoon ang relationship namin. Walang problema sa Daddy mo, anak... Ramdam ko ang p-pagmamahal niya sa akin at kailanman ay hindi niya ako sinisisi... I'm just being immature... So, gumawa pa rin ako ng dahilan para i-let go niya ako,” kuwento pa niya. Sa paanong paraan? “You fell out of love, Mother? Kaya mo nagawa ang bagay na iyon?” tanong ko pero umiling na naman siya. “Nahiya lang ako, love. Nahihiya na ako sa daddy mo na palagi niya akong inuuna at iniintindi. I feel like that I don't deserve his love for me. He's good to be true,” natatawang sabi pa niya and a lone tears escape her eyes. Ganoon pala ang tingin niya sa aking ama. Eh, ako. Hindi ganoon. Iba ang nakikita ko. A strict father. “You still love him, Mother?” I asked and she slowly nodded her head. “H-Hindi naman iyon nawala anak... Ako man ang lumayo ay d-dala-dala ko pa rin ang pagmamahal niya sa akin at ganoon din ako,” she answered. “But why? Bakit hindi ka bumalik, Mom? Bakit mas pinili mo pa rin ang lumayo sa amin?” giit ko pa. I don't understand, why? “Natakot lang ako... Na baka... hindi na katulad ng dati ang daddy mo. Na na-realize niya rin na hindi nga ako ang tipong babae na dapat paglaanan pa ng buong oras at mahalin ng sobra-sobra,” she said bitterly at humihikbi na siya. She loves my father. Hindi raw iyon nawala at hanggang ngayon ay si Dad pa rin. But they have a same way feelings. I know... “Father is in love with you too, still Mom.” Pagkasabi ko no’n ay malakas na bumukas ang pintuan at pumasok ang umaalog na balikat ni Daddy. Napasinghap ako at napahawak ako sa tiyan ko dahil sa gulat. My father kneeled in front of my Mom then he rested his head on her lap and hugged her waist. Sinabayan niya sa pag-iyak si Mommy at pigil-pigil ko naman ang emosyon ko. I think, they need time to talk alone? “H-How many times do I have to tell you that I'm not blaming you for losing our unborn child, Amor... I l-love you and I can't do that...” umiiyak na sabi ni Dad. Basag na basag ang kanyang boses. Kung ganoon ay kanina pa siya sa pinto at tahimik na nakikinig lang sa amin? Eh, narinig niya ang lahat ng sinabi ni Mommy? “M-Mozer...” Dahan-dahan naman akong umalis sa kama at tahimik na lumabas ako mula sa aking silid. “Baby, may comeback yata ang Lolo and Lola mo,” I said as I touched my tummy. Naririnig ko pa rin ang mga boses nila at ang pag-iyak nila isa't isa. I decided to leave na muna. Nasalubong ko si Nanay Carmen at nagtataka niya akong tiningnan. “Nasaan na ang Mommy mo, hija? Hindi ba dumating siya kanina lang?” tanong niya at tumango ako. Inangkala ko ang braso ko sa kanya at iginiya ko siya pababa. Inalalayan naman niya ako sa hagdan. “Nasa loob ho ng kuwarto ko, Nanay,” sagot ko. “Bakit iniwan mo kung ganoon?” naguguluhan na tanong pa rin niya sa akin. “She’s not alone po. Kasama niya si Daddy at nag-uusap po sila.” “Ha? Ano naman ang pag-uusapan nila?” makulit na tanong pa ni Nanay Carmen. Alam naman niya ang status ng parents ko. “Basta po. Huwag na rin kayong magugulat kung hindi na aalis pa si Mommy sa mansion,” sabi ko na mas lalo siyang naguluhan. “Gutom po ako, gusto ko po ng maasin na foods,” request ko at napangiti na lamang siya. Dahil din sa katamaran ko ay sa living room ko pinili ang kumain. Katabi ko pa si Red at busy sa phone niya. Ham cutlet ang pinaluto ko kay Nanay Carmen at sinamahan pa niya ng mainit na soup. Masarap sa lalamunan at sikmura kaya hindi rin ako nasusuka. Nagustuhan din yata ng baby ko. A few minutes later ay namimilog ang mga mata na napatingin sa hagdanan ang dalawa at dahil nakatalikod ako ay hindi ko iyon agad nakita. Lumingon ako at hindi na ako nagulat pa nang makita ko ang parents ko na magkahawak kamay na bumaba mula sa hagdanan. Magkasiklop ang mga daliri nila. “Love, we have a good news to announce,” Mommy said at nasa boses ang kasiyahan. Siguro maayos ang pag-uusap nilang dalawa kahit pulang-pula pareho ang mga mata nila. Heart to heart talk, I guessed. Nahihiya pa ang kasama ko at hindi malaman ang gagawin pero in the end ay mas pinili pa rin nila ang manatili sa seats nila. Dahil hindi naman sila pinapaalis ni Dad. “What is it, Mother?” I asked her while eating my foods. “I will stay here for good na. To take care of you and our grandchild, and of course to your father too,” sagot niya at bumaba naman ang tingin ko sa kamay nila pareho. “Okay. What’s your status now?” makulit na tanong ko. Hinawakan ni Mommy ang kamay ko at iginiya niya ako para makatayo. Binitawan pa niya ang kamay ni Dad pero lumipat iyon sa baywang niya. Napanguso ako. My father is being clingy. “We are so thankful, love. You're the reason kung bakit magkakabalikan na kami ng Dad mo,” diretsong sabi niya at may tumulo pang luha sa kanyang pisngi. She's happy. “Ah, yeah?” hindi siguradong tugon ko. “I think both of them, our grandchild,” sabi ni Dad at pareho nila akong niyakap. “Thank you, anak...” Ang bilis nga nilang makipagbalikan dahil lang sa pregnancy ko. Natutuwa naman ako na ayos na sila. Mahal naman nila ang isa't isa pero nagagawa pa rin nilang tiisin na huwag magpakita pa. Wala namang kaso sa akin iyon kahit nararamdaman ko noon sa kanila na masyado silang selfish na parents dahil lang nagawa nilang iwanan ako sa ere, especially Mom. Pero heto, sila pa rin talaga. Muli nilang nahanap ang pagmamahal ng isa't isa. I wish I have that too. Pero asa pa ako. Inilihim ni Daddy ang tungkol sa pagbubuntis ko para na rin sa sarili kong kaligtasan. Naging madali rin ang pagsasama nina Dad and Mom, kahit limang taon o mahigit, na lumayo ang loob nila. *** “ARE you serious about this, Miamor?” tanong sa akin ni Red. I nodded. “This is not a good idea, you know...” “I will be fine. I just want to know,” I said. Pinasubaybayan ko kasi sa kanya ang whereabouts ni Jaickel. Alam kong isang katangahan ang gagawin ko pero gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyayari sa kanila. Gusto ko lang makita kung masaya ba siya na wala ako at hindi siya nagsisisi sa pinili niyang desisyon. Pero mas nasaktan ako nang makita ko na siya. Grabe iyong pag-aalalay niya kay Jillian at parang isang babasaging bagay ito sa takot na... Naiiling at mapakla akong napatawa. “Masaya naman pala siya, Red. Hindi pala siya nagsisisi sa desisyon niya. Hindi siya nagsisisi na bitawan ako kahit mahal pa niya ako. Baka...baka nagsisinungaling lang siya sa nararamdaman niya para sa akin. Baka matagal ng wala iyon,” mapait kong saad. “I don't know...” she said. “Look at his face, he seems so very happy at parang hindi rin talaga siya nasaktan,” sabi ko pa at narinig ko ang pagbuntonghininga niya. Nararamdaman ko pa rin ang kirot sa dibdib ko. Parang tinutusok ng libo-libong karayom at paulit-ulit na pinipiga ang puso ko. Naiiyak ako. “Ang sakit pala talaga niyang mahalin, Red.” “Let’s go home, Miamor. Hindi ito nakabubuti para sa inyo ng baby mo. Umalis na tayo,” sabi niya pero umiling ako. Hindi na ako pumapasok sa school at huminto na ako. Kung ganito rin naman kasi ang makikita ko ay hindi na ako magkakaroon pa ng inspiration para pumasok pa. Maaalala ko lang ang ginawa sa akin ni Jaickel. Babalik lang talaga sa akin ang mga katagang binitawan niya na hindi ko inaasahan na maririnig ko pa mula sa kanya. I thought he love me that much but I was wrong. Siya? Masaya pa rin siyang pumapasok sa school dahil kay Jillian. Sa bago niyang...ano ba ang dapat na itatawag sa kanila? Fiancé? Nasa labas sila ngayon ng university namin at nanatili sila sa waiting area. Hindi lang ako sigurado kung bakit nananatili pa sila roon, o baka dahil lang sa gusto nila? To date? Binuksan ko ang pinto ng kotse at bumaba. “Miamor, wait up!” Hindi ko pinansin si Red at nagtuloy-tuloy ako sa pagbaba. “Where the hell are you going?!” tanong niya. Nasa kabilang kalsadang naka-park ang kotse namin at kailangan ko pang tumawid para lang makapunta roon. “Miamor!” Dahil sa pagsigaw ni Red ay nakuha niya agad ang atensyon ng dalawa. Nagulat pa si Jai nang makita ako at napatayo siya. Nakita ko ang paglamlam ng mga mata niya habang nakatingin sa akin. Diretso lang ang tingin ko sa kanya at walang kahit na ano'ng emosyon sa mukha ko. Napahakbang siya palapit sa akin at napatingin sa paligid. “Mih!” sigaw niya sa pangalan ko at kinain nang malalaking hakbang niya ang pagitan naming dalawa. Isang nakabibinging busina ng sasakyan ang narinig ko at kasabay nang pagtulak niya sa akin. Natulala ako nang bumagsak ako sahig at nakita ko ang kotse na babangga na sa kanya. “Jaickel!” sigaw ni Jillian. Para akong mabibingi sa pagbilis nang t***k ng puso ko at mabilis akong kinain ng kaba sa dibdib nang makita ko na dahan-dahan na bumangga kay Jai ang puting sasakyan. “No, Jai!” umiiyak na sigaw ko at mabilis akong kinapos ng hininga. Nagsisimula na namang dumilim ang paningin ko. "J-Jai!” I called his name once again before I lose my conscious again. *** Punong-puno ng pagsisisi ang nararamdaman ko at sinabayan pa ito ng sobrang pag-aalala. Nang magising ako ay nasa hospital na ako at agad kong tinanong agad si Red kung ano na ang nangyari kay Jai. Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari. Kung hindi ako bumaba. Kung hindi ko sinubukan na puntahan sila ay hindi sana siya maaaksidente. Hindi sana siya madadala sa hospital. Ang takot ko, at parang paulit-ulit kong nakikita ang eksenang iyon. Sobrang sakit. He save me... He fvcking save me! “Don’t worry too much, Miamor. Minor injury lang naman iyon, iyon lang ang natamo niya. Hindi malala. Mabuti pa--” “G-Gusto ko siyang makita, Red,” putol ko sa sasabihin niya. Iyak ako nang iyak nang magising ako. “Miamor, hindi mo magugustuhan ang mangyayari. On the way na ang parents mo sa hospital. Kapag nilapitan mo pa si Jai ay baka...malalaman ni Senator Ferrara na si Dr. Jai ang ama ng dinadala mo ngayon. Alam mong magkakagulo lang,” mariin na sabi sa akin ni Red. Gusto ko talagang makita si Jai. Gusto ko siyang makita kung ayos lang ba talaga siya o kung minor injury lang ba ang natamo niya. “R-Red,” I uttered her name. “Hindi mo rin magugustuhan ang makikita mo kapag pumunta ka pa roon. Mas masasaktan ka lang...” “K-Kasalanan ko...” “Please, stop. Sapat na siguro sa ‘yo ang iligtas ka niya kahit hindi mo ramdam ang pagmamahal niya sa ‘yo. Kasi Miamor, he save you at isa lang ang ibig sabihin no’n... Mahalaga ka, mahalaga ka para sa kanya at mag-focus ka na lang sa baby mo... Forget him already, just move on...” Napahagulgol ako sa sinabi niya.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม