Chapter 7: Heartbreaks
“I-I JUST want to see him, Red... I-Iyon lang naman ang g-gusto ko... Ang bigat-bigat sa dibdib na ako ang dahilan kung bakit siya naaksidente,” umiiyak na saad ko. Nagsisisi ako sa ginawa ko. Kaya hindi mapapanatag ang kalooban ko hangga’t hindi ko siya nakikita.
“Miamor.”
“Please, Red... K-Kahit saglit lang, please...” nagmamakaawang sabi ko. Narinig ko ang pagbuntonghininga niya bago niya ako inalalayan na makatayo mula sa hospital bed ko.
Pinunasan ko ang mga luha ko at mahigpit kong hinawakan ang kamay niya. Ayos lang sa akin kahit masasaktan ako sa ano man ang makikita ko roon. Handa naman ako para sa bagay na iyon.
Patungo kami sa eight floor ng hospital dahil nandoon daw si Jaickel. Ang bilis lang dahil nasa private room agad siya. Eh, ako nasa ward pa.
Kumatok si Red sa pinto nang makita namin ang room at bumukas iyon. Ang Mama ni Jai ang bumungad sa amin at nagtaas agad ito ng kilay sa amin.
“Ckel, nandito ang kaibigan mo. Amor, right?” tanong niya sa akin at natural na sa boses siya ang may pagkaarte.
Kilala ko naman na siya. Dahil minsan na rin ako dinala sa mansion nina Jai at ipinakilala bilang kaibigan lang. Ayon din naman sa kagustuhan naming dalawa.
“Miamor po, Tita,” pagtatama ko sa kanya at tumango lang siya.
“It’s the same name, Amor,” she said at binuksan niya ang pintuan. Dahil sa ginawa niya ay nakita na namin si Jaickel na nakaupo sa hospital bed niya at nakahilig sa headrest nito.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko ang naka-cast niyang paa. Minor injury lang ba talaga ang natamo niya? Iyan lamang at hindi naman malala talaga?
“M-Mi...” gulat na sambit niya sa pangalan ko.
“Come on in.” Tinanguan ko lang ang mama ni Jaickel nang ayain niya kaming pumasok sa loob.
Hindi ko masasabi na close na kami ni Tita Sofiane dahil hindi naman kami madalas na nagkikita o hindi pa kami nakakapag-usap na kaming dalawa lamang. Parang wala rin naman sa kanya kung kasama ko ang kanyang anak. At natural na sa kanya ang magtaas ng kilay sa tuwing may nakikita siyang kakilala niya. Ang alam niya rin sa amin ay magkaibigan, hindi naman yata siya nagdududa tungkol sa bagay na iyon.
“Do you want to eat something, Ckel?” tanong niya kay Jai. Dati hindi naman daw Ckel ang tawag niya sa anak niya, iyon ang kuwento sa akin ni Jai pero nang ipakilala niya raw ako sa Mama niya ay naging Ckel na raw ang tawag sa kanya nito.
Hindi ko alam kung nang-aasar lang ba siya sa amin dahil sa akin ay Amor din talaga ang tawag niya. Sinabihan na nga ng siya anak na Miamor.
“I’m fine, Mama,” he replied.
“No, you need to eat something,” sabi ng kanyang ina at tiningnan naman niya ako. “Take care of my son, sandali lamang ako sa labas,” paalam pa niya. As if kaya ko pang alagaan ang anak niya kung pinagtatabuyan na ako nito. Para kay Jillian dapat ang mga salitang iyon.
“Sa labas lang ako, Miamor,” paalam naman sa akin ni Red.
“Pumasok ka,” sabi niya at dahan-dahan pa akong lumapit sa kanya. Umupo sa tabi ng chair ng hospital bed niya. Ramdam ko agad ang tingin niya sa akin.
Ako, parang wala nang lakas ng loob na tingnan siya. Nahihiya ako at nakararamdam ako ng guilt. Ako ang dahilan kung bakit siya nandito.
“I’m sorry...” hinging paumanhin ko sa kanya at bumuntonghininga.
“It’s not your fault,” tanggi niya agad. May diin pa ang boses niya.
“Kasalanan ko pa rin,” sabi ko at yumuko.
“No...”
“Huwag mo nang itanggi pa iyon, Jai. Kasalanan ko kung bakit ka nandito sa hospital... Kasalanan ko kung bakit...”
“Stop it. Ayoko nang marinig pa,” mariin na sabi niya.
“H-Hindi ko alam kung saan ako nagkulang, Jai...” malungkot na sabi ko at napatingala para lamang huwag tumulo ang mga luha ko na nagbabadya na namang mahulog.
“Don’t ever say that...”
“Siguro nagsawa ka lang talaga sa akin. O mas na-realize mo pala na mahal mo si Jillian,” sabi ko.
“Stop right there... I told you, na hindi ka nagkulang sa akin, at lalong-lalo na hindi ako nagsawa sa ‘yo. Ako...ako ang may kulang,” sabi niya. I looked at him.
“Wala ng maniniwala riyan, Jai. Huwag mo nang sabihin pa ‘yan. Dahil maski ako ay hindi na maniniwala pa sa ‘yo,” sabi ko. Nag-iwas siya nang tingin sa akin at parang ang hirap na rin akong titigan pa.
“Sorry...” Napangiti ako ng mapait.
“Gusto kong...magmakaawa sa ‘yo, gusto kong pigilan ka sa gusto mong makipaghiwalay sa akin. Gusto ko na ako na lang ang piliin mo, Jai. Na ako na lang talaga ang mahalin mo... Pero kung gagawin ko iyon ay magmumukha akong pathetic. Ako lang din ang talo dahil hindi mo naman ako pakikinggan pa. Kaya huwag na lang... Alam ko... hindi mo rin naman ako pipiliin kahit ano pa ang gawin ko. Sino ba naman ako, ‘di ba?” natatawang saad ko at sumikip ang dibdib ko.
“Mi...”
“Ayoko na ring marinig iyan at hindi ko na rin maririnig pa kahit hindi ko na iyon ipaalala pa sa ‘yo,” bitter na sabi ko.
“Kumusta ka? Sabi ni Jillian...nahimatay ka raw,” sabi niya na parang binabalewala na lamang niya ang sinasabi ko kanina. Gusto niyang mag-change topic na lamang kami.
“Wala ka na roon. Wala ka rin namang pakialam pa sa akin. Kaya bakit mo pa ako kukumustahin?” sarkastikong tanong ko sa kanya.
“I care... I cared for you, Mi...”
“Hindi na ako maniniwala pa riyan,” mabilis kong sabi. “Sana... hinayaan mo na lang din ako kanina... Sana ay hindi mo na ako tinulak pa... Sana ay hindi mo na lamang ako tinulak pa,” sabi ko nang paulit-ulit at umiling siya. Doon niya lang ako tiningnan ulit at namumula agad ang mga mata niya.
“I can’t... I can’t do that, Mi... Hindi ko kayang nakikita kang masaktan...”
“Liar. Sa tingin mo ba ay hindi ako nasaktan nang piliin mo ang pinakamamahal mong best friend, Jai? Sa tingin mo ba ay hindi na ako nasaktan nang sinabi mong makikipaghiwalay ka na sa akin at mas pinipili mo si Jillian? Kaysa sa akin na girlfriend mo? Tapos? Tapos sasabihan mo pa ako na mahal mo ako... Kaya mo rin naman akong iwanan sa ere at saktan nang paulit-ulit. Sana pala...ay hindi na lamang kita sinagot pa, sana pala ay hindi na lang kita hinayaan na makapasok pa sa buhay ko. Sana pala ay hindi na kita pinansin pa nang sinubukan mo akong lapitan... Kasi Jai... Nagsisisi ako na minahal ka, nagsisisi ako na nakilala pa kita. Sana hindi na lang,” matapang na sabi ko sa kanya at sa ibang direksyon na naman siya tumingin pero umangat ang isang kamay niya sa mukha niya.
Hindi na siya nakapagsalita pa. Hindi ko alam kung bakit. “Naalala mo ba ang sinabi ko sa ‘yo noon?” tanong ko at dumapo ang tingin sa akin. “Na gusto kong maging ama ka ng anak ko...” Napakurap-kurap siya sa sinabi ko at doon ko lang nakita ang mga luha niya.
“Miamor...”
“Kapag may nabuo tayo...”
“H-Huwag mong sabihin ‘yan...” Walang buhay na natawa ako. Hindi ko pa naman nasasabi sa kanya ay parang ayaw na niya sa anak namin. Parang hindi na rin niya matatanggap na magiging daddy na siya.
“Ayaw mo na talagang magkaanak pa sa akin, ‘no?” nang-aasar na tanong ko sa kanya.
“Hindi sa ganoon, Mi...”
“Kung mangyayari man iyon ay hindi mo deserve na ipakilala pa kita sa anak ko,” malamig na sabi ko at tumayo na ako.
“Miamor...” sambit niya sa pangalan ko kasabay na bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Jillian. Natigilan pa siya nang makita ako.
“N-Nandito ka pala, Miamor,” gulat na sabi niya. Ang bait niyang tingnan, napakainosente pero para sa akin? Ay isa lang siyang hampaslupa at mag-aagaw. I rolled my eyes.
I stared at him again. “You’re getting married, right? So, best wishes and Jaickel... Have a good life and I hope hindi na tayo magkikita pa ulit, and... Thank you for saving my life, dahil hindi lang ako ang nag-iisa mong iniligtas at that time. I guess, this is good bye, for real...” walang emosyon na sabi ko saka ko siya tinalikuran at lumabas.
Hindi naman ako pinigilan pa ni Jai. Hindi naman niya ako tinawag pa at sabihan na huwag umalis. Ni hindi niya ako sinundan kaya alam ko... Alam ko na ito na ang huling beses nang pagkikita namin.
And I was right. After niyang ma-discharge sa hospital ay umalis sila agad sa bansa ni Jillian at nagpakasal doon. Tanggap ko na ang katotohanan na iyon kahit masakit sa parte ko. Wala akong magagawa dahil sariling desisyon iyon ni Jai. Sino ba naman ako? Na naging ex-girlfriend na lamang niya.
Hindi ako maghahabol sa isang lalaki pero hindi ko pa rin siya natiis. Patuloy ko pa rin siyang pinasubaybayan.
Months later, sa pagbubuntis ko ay naging sekreto iyon sa lahat ng tao. Si Mommy lang ang alam nilang buntis kahit hindi naman totoo. Dahil inaasahan nila na maipakilala namin sa lahat ang baby ko. Ayokong maging magulo ang mundo ng anak ko pero wala akong magagawa. Dahil naging buhay ko na rin ito.
Idineklara rin sa bansa ang pagkapanalo ni Daddy bilang bagong presidente ng Pilipinas at kasa-kasama na niya si Mommy kahit saan man siya nagpunta. Hindi rin naman huminto si Mommy sa trabaho niya. Mas madalas pa rin na sumasama siya sa daddy ko.
Sa loob ng siyam na buwan, o kahit sa first three months na pagbubuntis ko sa baby ko ay sobra ang paghihirap ko. Maarte yata ang anak ko at pinapahirapan niya ang Mommy niya.
April 3, 20xx, ang araw na ipinanganak ko si Meriah Amor Ferrara and she's a very beautiful baby girl. Isa lang ang ipinagpasalamat ko. Hindi niya kamukha ang daddy niya. Iyong tangos lang ng ilong at mga labi siguro, pero mas kamukha ko siya.
“Welcome to the world, my lovely daughter, Meriah Amor...” nakangiting sabi ko at hinalikan ko ang noo niya.
Ang paghihirap ko kanina, ang sakit ay biglang napawi nang makita ko siya. Worth it ang lahat ng sakit na iyon at siya ang magiging inspiration ko. Gagawin ko ang lahat para sa kanya.