Chapter 1: Miamor's intro
MIAMOR FERRARA's POV
"WHERE the hell are you, boy?!" I asked my boyfriend from the other line in a loud voice. I held my phone tightly and I looked inside their classroom. Hindi ko siya mahanap!
He told me he was gonna pick me up earlier and we were going somewhere, and I'm too excited for that! Naghintay rin ako sa waiting shed kung saan na madalas akong nagpapalipas ng oras roon for him to pick me up nga and this is not a first time he has done it. Dahil nakailang ulit na niya itong ginawa sa akin, ha! Hindi na nagtanda ang lalaking iyon!
I've been waiting for him for over an hour at kanina ko pa rin siya sinusubukan na tawagan pero hindi niya sinasagot ang phone niya. Hindi ko alam if sinadya niya iyon! Ngayon lang din niya sinagot ang tawag kung saan pinuntahan ko siya sa department nila. This is his 6th year in college, he's a medical student. While me, I'm taking my two years of medicine too.
I'm done with my four years in college and I took a course in Political Science, according to what Dad wants me to do, dahil alam niya raw kung ano ang magiging future ko. I rolled my eyes.
He is like this most of the time. Nothing new, palaging siya ang nasusunod and he's always right, right and right. I'm not complaining because I also have no choice but to consistent with my father. `Cause I'm only his daughter and the pressure is on me. Kaya ginagawa ko rin ang lahat ng makakaya ko.
He also has no idea that I already have a boyfriend and God knows what he'll do if he finds out about Jaickel. I wouldn't let my dad do anything to that man I love the most, kahit na nakakainis ang ugali no'n kung minsan.
Hindi ko gusto ang unang kurso ko pero masuwerte pa rin ako kasi hinayaan niya ako na mag-aral ulit kahit dalawang taon lang. Iyon din ang gusto kong kurso, ang gumawa at mag-imbento ng sarili kong gamot. I would like to deal with medicine. But most of the time my dad is really the villain for the things I like!
"Mih, can we just go out next time, please?" sa halip ay iyon ang itinanong niya sa akin kaya mabilis na nag-init ang ulo ko. Kumuyom ang kamao ko dahil heto na naman siya. Heto na naman siya sa excuse niya.
"You made me wait for more than an hour and that's all you tell me?! Next time?! An excuse again?! Seriously, Jaickel?!" I asked him angrily. I heard him sigh as if na-stress na naman siya sa akin.
Malutong na napamura ako nang may sumagi sa balikat ko at hindi ko napigilan ang sarili ko na pagalitan ang babae.
"Are you blind, Miss? You could see naman na may tao rito, ha!" asik ko sa nakayukong babae at natakot siya sa pagsigaw ko. Mabilis na nanginig ang balikat niya at mukhang maiiyak pa ng wala sa oras. Sa dami ng estudyante na gagawa no'n sa akin ay bakit ang nerd pa na katulad niya?!
"Sorry po, h-hindi ko po kasi k-kayo nakita..." nauutal na sabi pa niya at nanginginig din talaga ang boses niya.
"Exactly!" I screamed and took a big steps to leave that place.
But I wasn't even far enough to remember what I said to the girl. Mariin na napapikit ako dahil sa iritasyon na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Bumalik ako sa puwesto ko kanina at hindi pa umaalis ang babae. Masyado ko yata siyang na-offend. Bullshet, Miamor!
Walang sabi-sabi na ibinigay ko sa kanya ang dala kong burger and drinks. Habang naghihintay kasi ako kanina ay nagpabili ako sa bodyguard ni Dad na bilhan nito at itinira ko talaga sa lalaking iyon ang isa pero hindi naman dumating.
Muntik pang hindi masalo ng babae ang puting supot at nagtataka na tiningnan niya ako. Peace offering ko `yan dahil nasigawan ko siya and I know may nakakita sa amin kanina. Napahiya ko siya. May mga narinig pa nga ako na 'stupid and clumsy.'
"I'm sorry kung nasigawan kita, okay? Mainit lang ang ulo and sadly you're the lucky one to face my--whatever," walang emosyon na sabi ko sa kanya saka ko siya tinalikuran.
"Miss--" pahabol na saad pa niya.
"Don't bother," sabi ko at tuluyan na akong umalis doon.
I'm always like this. Kapag mainit ang ulo ko ay madalas kong nasisigawan ang mga tao na malapit lang sa akin o kahit mismo ang kasambahay namin sa mansion.
Tinuruan ako ni Daddy na maging kalmado at pigilan ang emosyon ko, like kapag nagagalit ako o masaya. Dapat makikita akong mahinhin pero sa paraan na matatakot daw sa akin ang mga tao sa unang tingin pa lang. May ganoon ba iyong mahinhin pero nakaka-intimidate ang presence niya?! Parang wala! Of course ginawa ko naman iyon pero madalas ay lumalabas talaga ang totoong ugali ko.
Hindi naman ako suplada o isang kontrabida sa buhay ng mga tao. I'm just like this, okay?
"Mih," narinig ko pang sambit ni Jai sa pangalan ko. Nakalimutan ko na hindi pa pala napuputol ang tawag namin.
"Mih, Mih your face! Don't show me your ugly face if you don't have a valid excuse today! Hindi sa lahat ng oras ay iniintindi kitang lalaki ka!" asik ko pa sa kanya saka ko siya binabaan ng tawag. Humihingal pa ako dahil sa paglakas ng boses ko.
Nagpapadyak pa ako sa corridor habang naglalakad at kulang na lang ay sumigaw ako kaya ang schoolmates ko ay umiiwas sa akin kapag nakikita nila ako. Natakot siguro sa mabangis na looks ko ngayon.
Nag-ring naman ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag ng hindi ko tinitingnan kung sino ang caller.
"What?!" pasigaw na sagot ko.
"What's with the loud voice, Miamor?" Nahugot ko ang sarili kong hininga nang marinig ko ang boses ni Dad. Sobrang kalmado niya at ang akala mo ay sobrang bait din.
Father Mozer Ferrara, or I rather say Senator Ferrara. He's a strict father and he controls all the people around him, including me. There's no exception even though I'm his only daughter. So, we are like robots who only listen and obey him dahil nga kontrolado niya kaming lahat.
Kung titingnan siya ay parang ang bait niya, sobra, responsible, maalalahanin sa kapwa pero hindi. Ginagawa niya lang ang mga bagay na sa tingin niya ay gaganda ang pangalan niya ay dahil lang sa posisyon niya ngayon.
He is so thirsty for public attention for his next run as President of the country. He's capable naman, I mean... Kayang-kaya ni Dad na pamahalaan ang bansang Pilipinas. Even though he is strict person, I know he is not a corrupt senator. He doesn't care about the money and he's not after it. Because it's in our family and blood to enter the politics.
And also, galing sa mayaman na angkan si Daddy. May mga negosyo sila at lahat ng iyon ay mamanahin ko at ima-manage ko na balang araw. Oh, `di ba nasa akin ang 101 percent na pressure!
God knows kapag nanalo ang aking ama bilang pangulo ay kailangan kong sumunod sa kanya, sa kanyang yapak. Hindi puwedeng hindi dahil ako ang malalagot.
My mother Mary Amor? Matagal ng divorce ang parents ko, limang taon na ang nakararaan. Kasi ayaw ni Mommy sa magulong buhay ni Dad. Mas gusto niya ang payapa. Minsan na niyang pinapili ang daddy ko. Kung gusto ba nito ang mapayapang buhay at kasama siya o ang magulong buhay na wala siya sa aming mag-ama?
Yeah, kayang-kaya akong iwanan ni Mommy at isa lang din ang pinili ni Dad. Ang magulong buhay na kasama ako at wala si Mommy sa buhay namin. They are both funny, because instead giving me attention and care they put themselves first. What a selfish parents sila, `no? Hindi naman ako nasaktan sa desisyon na pinili nila. I can't blame them. May pare-pareho tayong desisyon sa buhay at tinanggap ko iyong parte nila.
All that matters to me ay parehong hindi na sila naghanap ng iba. Si Mommy ay nasa Paris sa mga oras na ito at hayon pinapatakbo niya ang negosyo niya, isang malaking Fashion Show and a boutique. Yeah, my Mom is a fashion designer. Dalaga pa lamang siya ay iyon na ang pangarap niya at sobrang husay niya sa trabaho niya.
While my Dad, hindi rin siya nag-asawa pa and I know the reason.
He still loves my mother. How did I know? Of course, palagi ko siyang nahuhuli na pinapanood si Mommy sa TV news or something kapag may interview ito at lahat ng magazine na may kinalaman ang Mommy ko at na-feature ito ay may collection si Dad no'n. Ang kuwarto niya, ang daming pictures ni Mommy. Madalas ay stolen shots pa ang mga iyon. He looks like a stalker but he's not a creepy. He just loves my Mom, too much.
And that's just what I admired about my dad. Ang totoong pagmamahal niya sa aking ina but it wasn't enough for him to choose her.
We're in good terms naman with Mom. Madalas niya akong kinakamusta at madalas din na tinatanong ako ni Daddy kung tumawag ba si Mommy sa akin. Kung tinatanong ba nito if kumusta ang buhay niya sa politika. Iyon lang at ang alam ng karamihan ay hindi divorce ang parents ko. Wala nga lang sa important events si Mommy pero hindi pinagdudahan ng media. I'm fine with that though.
"I'm sorry, father. I'm just stressed with my activities," mahinhin ang boses at punong-puno ng galang na sagot ko.
"Don't show that again if you are in a public place, my child. Did you finish your activities and class today?" When he asks about my classes I know what's he's going to do.
"Last subject po namin kanina. Why is that, father?" I asked him.
"Good. I will call your assistant at isasama kita sa lunch meeting ngayon. Ready yourself, okay?" Napahinto ako. Lunch meeting. Kapag may ganito siyang meeting ay never talaga akong um-absent. Kahit may klase ako ay palagi akong in-excuse ni Dad para lamang makapunta.
"Alright, Dad. But what about my outfit? I'm still wearing my white uniform," sabi ko at napatingin ako sa suot kong puting uniform. Inayos ko pa ang kaunting gusot nito sa dulo.
"You can drop by your mother's boutique. Don't take your time too much. Ayokong pinaghihintay ang ka-meeting natin, my child," he said calmly and my eyeballs rolled again.
Ayaw mong pinaghihintay ang ka-meeting mo, Dad? Excuse me? Tayo kaya ang naghihintay para sa kanila, duh!
"Yeah, sure father," I just said at nauna niyang ibinaba ang phone niya. Marahas na bumuntonghininga ako.
Half-day lang talaga ang klase ko kapag MWF lang kaya naisipan talaga namin ng boyfriend ko na lumabas after our class pero naudlot lang din.
Paglabas ko sa university ay naging alerto agad ang bodyguard ko. Dalawa lang naman sila kasi ayoko na maraming nakabuntot sa akin. Babae rin sila pareho ayon sa request ko.
Bumaba mula sa driver seat si Red at binuksan ang pinto sa may backseat. Red, she's my assistant and a close friend of mine. Nagkakilala lang kami since freshman kami both sa college.
Pabagsak na umupo ako at basta ko na lamang binitawan sa tabi ko ang leather backpack ko.
Inabot ko ang malaking duffel bag ko at sinadya ko na lagyan ito ng mga gamit ko roon. Lalo na sa ganitong sitwasyon talaga. Komportable naman akong magpalit ng damit ko here.
Hinubad ko ang white shoes ko at habang pinapausad ni Red ang kotse ay inayos ko naman ang sarili ko.
Hinubad ko ang suot kong uniform. Walang kaso sa akin kahit naka-undies lang ako. May sando and shorts ako at babae si Red, walang malisya.
Nakasunod sa likuran namin ang isang sasakyan na pagmamay-ari ng dalawang bodyguard ko. Oo, magkaiba pa rin kami ng kotse.
The dress I wore was silver bodycon that was above my knee. I also wore my black stockings ko and my extra strap heel sandal na may three inches lang ang taas.
"Huwag na tayong dumaan sa boutique ni Mommy, Red," sabi ko sa kasama ko at tiningnan niya ako mula sa review mirror niya.
"Okay," tipid na sagot lamang niya. Red personality is strong and palaging tahimik at seryoso. Tahimik din naman ako kaya naging close kami sa isa't isa.
I tied my hair in a high ponytail, so my jaw and cheeks got even more defined. I look like a maldita and kontrabida in my outfit.
Lagpas balikat ang buhok ko na kinulayan ko pa ng light brown at alam kong ayaw na ayaw ni Dad na may nilalagyan daw ako ng kung ano-ano sa aking buhok.
Kinuha ko ang make-up kit ko. Light lang ang paglalagay ko ng kolorete sa aking mukha and pitch lipstick. Small earings with a black diamond on it and a necklace.
And I'm Miamor Ferrara, 24 years age. I own the Amor Restaurant, an inventor someday and Dr. Jaickel Sanre Amero is my long time boyfriend.