CHAPTER 2

2249 คำ
Chapter 2: First argument AND about Mother's boutique. She already has a branch here in the Philippines pero never niyang nabisita ito, I don't know her reason o ayaw niya lang na ma-interview ng mga media and her trusted friend ang humahawak nito which is my Ninong Elcano, a gay. Kaya ayokong dumaan doon kasi ginagawa niya akong clown. Oh, don't get me wrong, he's good with make-up over pero gusto ko lang talaga iyong light lang. That's all. Malapit lang yata ang setting ng lunch meeting ni Dad kaya mabilis din kaming nakarating. Huminto ito sa fancy restaurant. Oh, speaking of the restaurant. I have one nga at pinangalanan ko iyon sa future baby ko. Just like I said kanina, Amor restaurant. Yeah, I'm weird, and too advanced and I want that guy to be the father of my first born. I'm referring to Dr. Jaickel the ugly. Okay, he's not ugly naman. He's just ugly in my eyes when he does something I don't like. Akma na akong baba mula sa kotse nang marinig ko ulit ang ringtone ng cellphone ko. I collected myself kasi baka si Dad na naman ito pero nang makuha ko ang phone ko ay malapad na agad ang aking ngisi. My boyfriend is calling... Kapag alam niyang may galit ako sa kanya ay hindi naman siya nakakatiis sa akin. Gumagawa naman siya ways na suyuin ako. At dahil wala ako sa mood na kausapin siya ngayon ay hindi ko sinagot ang kanyang tawag. I declined. Bahala kang lalaki ka. Galit na galit pa ako sa `yo. Kaya maghintay ka na kausapin kita. Bumaba na ako at sumunod din sa akin sina Red. Nang makapasok na kami sa loob ay hindi ko na madyadong binigyan pa ng pansin ang mga tao sa loob na halatang ako na naman ang tinitingnan ng mga ito. "Senator Ferrara is in a VIP room," sabi ni Red. I just flipped my hair then gave a nod at her and smiled sweetly. *** "Hi, father," I greeted my father when I entered the VIP room. Nanatili sa labas ang dalawang bodyguard ko at si Red lang ang pumasok sa loob. Humalik ako sa pisngi ni Dad at katulad ng nakagawian niya ay marahan niya lang tatapikin ang ulo ko. "Have a sit, Miamor and Red," pag-aaya niya sa amin na umupo. Umupo ako sa tabi ni Dad at nasa left side ko naman pumuwesto si Red. Napatingin si Daddy sa phone ko na kanina pang umiilaw. Naka-silent mode na ito at wala ring vibration pero paulit-ulit na umiilaw lang ito. Dahil makulit nga ang tumatawag sa akin. "Who is calling and why aren't you answering?" mahinahon na tanong niya sa akin. Tipid akong ngumiti sa kanya. "It's nothing, father," I replied at itinaob ko sa table ang cello ko. "Just turn off your phone if you're not going to answer the call, so the person behind that caller will stop pestering you, you won't bothered," he seriously said. The blankness of his emotions even gave me goosebumps. "Okay, father," I said at ibinigay ko kay Red ang phone ko. Siya na ang nagtago nito hindi lang ako sure kung pinatay na niya ang cellphone ko. 30 minutes ang nakalipas bago dumating ang ka-meeting ni Dad. Oo, halos kalahating oras kami naghintay. Hindi halatang excited si Dad sa lunch meeting namin. Early bird lang siya at mas okay na raw na siya ang maghihintay. Eh, paano naman ako? Kanina pa nga sumasakit ang puwit ko sa kauupo ko rito kahit malambot naman ang chair dahil may maliit na pillow ito. Pinakaayaw ko sa lahat ay ang paghihintay. Good thing ay um-order si Dad ng coffee para sa amin ni Red kaya kahit papaano ay nalilibang ko rin ang sarili ko sa paghihintay. May kumatok sa pinto kaya maingat na ibinaba ko ang cup ko at tumingin sa pinto at bumukas ito. A handsome man who is obviously also a politician dahil sa ayos at tindig pa lamang niya. A beautiful lady is holding on to his arms, no wonder she's his wife. She has a beautiful smile. Hinawakan pa ni Daddy ang siko ko para makatayo rin at sa ganoon na paraan kaming babati. "Good morning, Gov. Delos and Madame Delos," bati pa ng aking ama at agad naman siyang binati ng mga ito pabalik. Marahan na pinisil ng daddy ko ang siko ko. Senyales na turn ko na to greet them. Urgh, pressure. "Good morning po," magalang na bati ko lang at maliit na ngiti ang iginawad ko sa kanila. "Oh, kasama mo pala ang nag-iisa mong anak, Senator Ferrara," namamanghang sambit ng ginang at parang nagningning pa ang eyes niya nang makita ako. Pasimple ko lang pinasadahan ng tingin ang dress niya. It's good naman, but my Mom, she's a fashionista kaya hindi niya kayang sabayan ang aking ina. Poor Madame. That's why Daddy fell in love with her, eh. "Yeah. She often go with me to this kind of event. She actually volunteered to accompany me," Dad replied with a gentle chuckle. Really, father? "What's your name, darling? You're so beautiful. Kamukha mo ang iyong ina," malambing na tanong nito sa akin. Pero mas malambing ang Mommy ko at malamyos talaga ang boses niya. Yes, my Mom is beautiful kaya nagmana ako sa kanya. Bumalik na kami sa pagkakaupo. "I'm Miamor Ferrara, Madame," I said and also showed her how sophisticated of a woman I am. Well, must be because my mother has a good name in the fashion industry. But err--sometimes my outfit is weird, don't mind that. "You have a nice name, darling. You are not with your Mother? I want to meet her pa sana. She's very famous." Ang dami niyang tanong pero hindi na ako ang sumagot pa no'n at saka kung hindi ka naman po important person ay hindi ka bibigyan ng oras ng Mommy ko. Even me. "She's busy with her fashion event right now," mabilis na sagot ni Dad at alam kong updated siya sa life ni Mommy. "I heard na hindi siya madalas umuuwi rito," sabat naman ni Gov. Delos. As far as I remembered, he is one of those who will run as vice President, so he and Dad are really in good terms. "Masaya siya sa kung ano ang ginagawa niya ngayon kaya hinayaan namin," natatawang sabi ni Dad. "Oh, what a lovely husband you are, Senator Ferrara. Napakasuwerte niya palang asawa kung ganoon." You have no idea what is the status of my parents right now, Madame. Of course it's only a secret because my father doesn't want his reputation ruined being divorce with my Mom. "Yeah at masuwerte rin ako sa kanya. I have a lovely wife and my daughter," my father said and he even rubbed his face on my head. "What do you do for a living, hija? I've heard a lot about you. Of course it's your father who told all that," Gov. Delos blurted out. Maraming alam pero tinanong pa ako kung ano ang ginagawa ko sa buhay ko? "I own a fancy restaurant, Sir and one of my father's business ay ako po ang nagma-manage no'n. Pero nag-focus din po ako sa two years course ko sa medicine," nakangiting sagot ko at hayan na naman ang pagkamangha niya. Hindi na bago sa akin ang eksenang ito. Kaya proud na proud talaga si Daddy na ipakilala ako sa mga kaibigan niya sa politika. "Wow, that's awesome. Sobrang talino pala itong anak mo, Senator Ferrara," aniya. "Yes and soon siya na ang uupo sa puwesto mo ngayon, Gov. Delos," ani Dad at nawala ang ngiti ko sa labi. "She's serious for running a governor for this year?" he asked in surprise. "Of course, she will." Doon nagsimula ang pag-apak ko sa mundo ni Dad at ng pamilya ko. Nalaman ni Mommy ang pagtakbo ko bilang gobernador ng lugar namin at wala naman siyang naging komento para doon but not my boyfriend. "Mih!" tawag niya sa pangalan ko at diretso lang ako sa paglalakad ko nang hindi ko siya pinapansin. "Mih, wait up." I rolled my eyes dahil sa malambing na boses niya. Hindi mo ako makukuha sa malambing na boses mo, moron! Iisang department lang naman kami pero madalas ay sa laboratory lang kami nagkaklase at graduating na rin naman ako. Hinila niya ang braso ko at hindi na ako nakakilos pa nang mabilis niya akong niyakap. Sumiksik siya agad sa leeg ko at naramdaman ko pa ang mainit na hininga niya roon. Nakikiliti ako kaya nagpumiglas ako. "We're not bati pa for you na yakapin ako like this!" asik ko sa kanya at hindi niya ako pinakinggan. Mahigpit ang yakap niya sa akin, lalo na iyong braso niya sa baywang ko. Kaya ang ginawa ko ay hinampas nang paulit-ulit ang likod niya pero hindi naman niya ininda kahit halos kalmutin ko na siya. "I'm sorry, baby..." "Stop calling me like that!" sigaw ko pa at kahit ginawa ko na ang lahat makaalis lang mula sa pagkakayakap niya sa akin ay hindi pa rin ako nagwagi. "I'm sorry, Mih... Hindi na mauulit iyon," sabi niya na as if maniniwala na ako. "Oh, yeah. Hindi mo na nga uulitin pero ilang beses mo na itong ginawa sa akin!" sigaw ko pa sa kanya at napako ang tingin ko sa dalawang estudyante. Si Lervin at ang pinakamamahal nilang best friend na si Jillian. Oo, maganda siya at mukhang inosente pero hindi ganoon ang tingin ko sa kanya! Isa siyang kontrabida sa buhay namin ni Jaickel. Bigla ay kumalma ang sistema ko nang maramdaman ko ang paghagod ni Jai sa likod ko at ang mahihina niyang pagkanta, or should I say humming. Madalas niyang ginagawa ito sa akin para maging kalmado ako kung sa tingin niya na mainit ang ulo ko o masyado akong stress. "I love you. Babawi ako sa `yo, Mih. I promised you that," he said. Mih, that's my nickname, short for Miamor. At kapag ganito na siya ay madali akong suyuin! Marupok ako, eh. Masyado ko lang siya mahal kaya madalas ko siyang napapatawad agad. Tinaasan ko ng kilay ang dalawang matalik na kaibigan ng boyfriend ko and as usual ay walang emosyon ang mababakasan sa guwapong mukha ni Dr. Lervin. Pero ang isa, maaliwalas naman ang bakas ng mukha niya but her eyes. There's something on it that I can't point out. "Sorry pala kahapon, Miamor. Naabala ko masyado ang boyfriend mo," sabi niya at napakainosente ng kanyang boses. Parang cute niya, sa sobrang cute niya ay gusto ko siyang sampalin sa pisngi niya pero pinili ko na lamang ang maging kalmado. "Mabuti alam mo, ha. Ako ang girlfriend niya pero nasa sa `yo ang buo niyang atensyon. You look like a mistress of my boyfriend," malamig na sabi ko. Nagulat siya pero hindi katulad ng mga estudyante na nasisigawan ko ay napapayuko sila pero siya? Tipid na ngumiti at hindi talaga siya yumuko. Matapang na sinalubong pa niya ang nag-aalab kong mata. "Don't talk to her like that," malamig na saad ni Dr. Lervin. Napangusi ako. See? Kinakampihan din ng isang ito ang babaeng umaakto lang na inosente. "Lerv, stop it," agap na pigil naman ni Jai saka niya lang ako pinakawalan. "Sorry," she said and I rolled my eyes. "Sana magtanda ka na sa susunod. Ang laki-laki mo na pero umaasa ka sa dalawang lalaki na ito?" nanunuyang sabi ko at itinuro ko pa ang boyfriend ko at ang kaibigan niya. Nagtatagis ang bagang ni Lervin dahil sa aking sinabi kaya lumapad ang ngisi ko. "Tandaan niyo na ang babaeng ito ang sisira sa buhay niyo," matapang na sabi ko at tinulak ko pa si Jai para umalis sa daraanan ko. "Mih!" tawag niya sa akin pero mabilis na naglakad ako at dumiretso sa classroom namin. Pabagsak na sinara ko ang pinto at naramdaman ko na nagulat ang mga kaklase ko. Taas noong tumungo ako sa desk and chair ko at umupo. Nag-focus ako sa klase namin kaya hindi ko na rin napansin pa ang oras. "Class dismissed." Mabilis kong inayos ang mga gamit ko saka lumabas pero napahinto ako nang makita ko ang gago. "What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kanya. Lumamlam ang mata niya at tipid na ngumiti sa akin. "Let's have a lunch together, Mih," usal niya pero inirapan ko siya. "Ayaw kitang kasalo sa lunch time ko," supladang sabi ko at nilagpasan siya pero naramdaman ko pa rin ang pagsunod niya sa akin. "Something just happened yesterday Mih." Oo, madalas naman siyang nagpapaliwanag sa akin pero hindi ko pa rin talaga maiwasan ang masaktan at magselos. "`Sakto na may klase rin si Lervin kaya ako lang ang natawagan ni Jillian." "Kapag ako ba ang nangangailangan ay sigurado ka bang darating ka? Kasi sa ugali mong `yan ay parang uunahin mo pa ang mahal mong best friend. Kaya huwag ako ang lolokohin mo dahil kilalang-kilala na kita!" ani ko at napapikit ako dahil tumama ang mukha ko sa matigas na bagay. Muntik pa akong mawalan ng balanse kung hindi lang ako nasalo mula sa aking likuran. "Hey, slow down!" sigaw ni Jai at mahigpit na niyakap ako. Napatingin ako sa lalaking bumangga sa akin. Si...nakalimutan ko ang name niya pero alam ko na taga-HRM siya at madalas na nakikita ko na kasama si Jillian pero hindi ko sinasabi kay Jaickel. Baka kung ano pa ang gawin ng isang ito. He's overprotective pa namang best friend. Take note the sarcasm, please.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม