Chapter 9: Medicine
I’M PROUD that I have a daughter like her. I missed my baby already. “Where are the others, Red?” I asked her. Ang tinutukoy ko ay si Hersey at Xena. Palabas na kami mula sa hospital at didiretso kami agad sa mansion.
Hmm... Naalala ko ang ginawa ko noon sa kanya para lamang makuha ko siya at i-hired as my bodyguard. Kahit hindi naman na kailangan pa dahil maraming tauhan si father para bantayan ako.
Ano nga ulit ang ginawa ko kay Hersey? I poisoned her. Gamit ang medicine na pinag-aralan ko talaga nang mabuti.
(FLASHBACK)
“Para saan ‘yan? Ano’ng klaseng gamot ba iyan, Miamor? Saan mo gagamitin?” curious na tanong sa akin ni Red nang makita ang pulang likido na ako mismo ang gumawa nito.
Sariling imbento ko ito at wala pang pangalan. Nakakatuwa lang na sa pamamagitan nito ay kayang-kaya kong mang-blackmail ng isang tao. Gagamitin ko ito para makuha ang mga gusto ko.
“Kilala mo si Hersey J-nea Leogracia Montallana, ‘di ba?” sa halip ay tanong ko sa kanya.
Of course, sariling information ko iyon at ako ang nag-investigate kay Hersey. May asawa’t anak na iyon at alam ko rin kung ano ang mga naranasan niya ngayon. She was hurting na hindi man lang nalalaman ng asawa niya. Because of the tragic happens, her husband.
Nasa loob kami ng laboratory room ko rito sa mansion namin mismo. Oo may sarili akong lab. Alam naman ito ni father, nakapagtapos naman ako but through modular na lamang. Dahil nga sa pagbubuntis ko noon. Na ayaw rin namin malaman ng lahat especially ang mga kalaban ni Dad sa mundo ng politika.
And me, being the inventor of my medicine ay hindi naman siya against sa passion kong ito, basta sumusunod pa rin ako sa mga inuutos niya at susunod din ako sa yapak niya. That’s the code para hindi siya maging kontrabida sa mga gusto kong gawin. Walang kaso sa akin. Hindi na rin ako against sa bagay na iyon, dahil sariling kagustuhan ko na ang pumasok sa politika.
“The owner of L. Agency and Security Company?” patanong na sagot niya. I nodded. Makikilala niya talaga ang owner no’n dahil nanggaling sa agency nila ang ilan na mga tauhan ni father. “Ano naman ang connection niya sa imbento mong gamot na ito?” tanong niya at kinuha pa niya ang maliit na bote na naglalaman ng bagong imbentong gamot. Matiim na tiningnan niya ito.
“Alam ko na hindi iyon papayag kapag sinabi ko na gusto ko siyang i-hire as my bodyguard,” natatawang sabi ko.
“You’re crazy, then. Siya ang may-ari ng agency na iyon, siya mismo ang nagpo-provide ng empleyado sa mga client niya tapos gagawin mo lang siyang bodyguard mo? Ang dami mong ganoon, Miamor. Saka isa pa... Parang inapakan mo na rin ang pride ng tao,” sabi ni Red. Nagkibit-balikat ako. I don’t care about the pride. Hindi ko naman totally aapakan ang pride niya.
“Best friend niya kasi si Atty. Xena Carter, eh. Gusto ko rin silang maging kaibigan,” sabi ko. Kilala ko rin ang isang iyon.
“Sino naman si Atty. Xena Carter?” tanong niya.
“Mafia queen iyon at nakatakdang ikasal sa doctor ng de Cervantes hospital. Kaibigan no’n ang may-ari. Tapos... may connection din siya kay--” hindi natapos ang sasabihin ko nang mabilis niyang pinutol iyon.
“Alam ko na ang patutunguhan niyan,” sabi niya. “Kapag nai-mention mo na ang word na doctor ay alam ko na tungkol na naman iyon sa kanya. Seriously? Ang tagal na no’n. Bakit hindi mo pa kalimutan? At saka paano mo nalaman na isang mafia queen ang attorney na iyon?” interesadong tanong niya. Napangiti ako.
“Friends kami ng papa niya, oy,” sagot ko at umiling lamang siya. “Saka hindi ko na siya mahal, iba na ang mahal ko ngayon. Soon, kapag napanalo ko ang posisyon ni father ay saka kami ikakasal sa isa niyang inaanak.”
Napag-usapan na namin iyon kasama ang parents ng inaanak ni dad. Sumang-ayon ako kasi walang dahilan para tumanggi. Arrange marriage? I don’t care basta tanggap niya si Meriah Amor. Iyon lang ang importante sa akin.
“Si Gabril Santa Maria?”
“Tadtad na ako ng mga question mo, Red. Umalis ka na nga riyan at hindi pa ako tapos sa work ko,” pagtataboy ko sa kanya.
Isinalin ko pa sa isang maliit na bote ang pangalawang imbentong gamot. Antidote ang isang ito, kaya puting likido siya.
“Ipaliwanag mo muna sa akin ang dalawang gamot na iyan dahil parang may connection yata sa owner ng L’s.” Curious na curious talaga ang babaeng ito.
Humarap ako kay Red at sa magkabilang kamay ko naman ang magkaibang gamot.
“Ang pulang likido na ito, kapag pinainom ko ito sa ‘yo, Red ay tatlong minuto ang makakalipas ay saka siya magiging epektibo sa katawan mo. Kumbaga saka lang siya kakalat sa kaloob-looban mo. Huwag kang mag-alala, walang bad effect ito na maaring maging paralyzed ka pa forever. Ang gamot na ito kapag nainom mo ay mawawalan ka ng malay, siyempre matagal-tagal pa. Hindi mo lang kayang igalaw ang katawan mo, ang mga kamay at binti mo. Mawawalan ka nang pandinig at hindi ka makakapagsalita. In short ay pansamantala kang paralyzed,” mahabang paliwanag ko sa kanya at lumapad ang ngisi ko.
“Baliw ka na talaga. Bakit ka gumagawa ng mga ganyan? President candidate ka pa naman. Kapag nalaman iyan ng mga kalaban mo ay ewan ko na lang sa mangyayari sa ‘yo,” naiiling na sabi niya.
“Iyon ay kung malalaman ba nila,” matapang na sabi ko. “At ang isang ito ay antidote, ang kaso lang naman niya ay para mawala ang naunang gamot sa katawan mo ay kailangan mong sumuka ng dugo at manghihina ang t***k ng puso mo,” paliwanag ko pa.
“Saan mo ba iyan panggagamitan?” she asked me again.
“Kay Mrs. Montallana nga,” sagot ko.
“Paano mo naman malalaman na kung effective iyan? Malay mo ay hindi pala? At makakaepekto lang ng hindi maganda,” aniya.
“Gusto mo bang patunayan ko? Tapos ko na itong na-testing, eh. Of course never akong nagkamali pagdating sa mga gamot. Ako ito, Red,” sabi ko.
“Paano naman?”
Tinanggal ko ang white handgloves ko at inilagay iyon sa may table. “Ang antidote, Red,” sabi ko at binuksan ko ang takip ng maliit na bote. Hindi ako nagsayang nang oras at mabilis kong ininom at inubos ang laman.
“What the hell?!” sigaw niya at inagaw sa akin ang bote saka niya ito itinapon. Napangisi naman ako. Dinilaan ko pa ang gilid ng labi ko para simutin ang gamot. Hindi ko hinaluan iyon ng kahit ano'ng prutas kaya hindi siya matamis. Pero mukhang nasanay na nga ako sa lasa nito.
Oo, sarili ko mismo ang ginagawa kong testing body para malaman ko kung ano'ng klaseng gamot din ang ginawa ko o kung ano'ng klaseng epektibo ba ito. Wala namang nangyayari sa akin, maliban na lang na...ang lagnatin ako ng madalas.
“Iluwa mo iyon! Nahihibang ka na talaga!” sigaw niya sa akin but I shook my head. Nalunok ko na ang lahat ng iyon kaya ako pa ba ang iluluwa ko? Laway ko? Tsk.
“Wait in three minutes,” sabi ko at umupo sa highchair. Normal pa ang nararamdaman ko at parang wala rin akong ininom na ano.
“Paano kung hindi naman iyan effective at ang masama pa--” itinaas ko ang kamay ko para senyasan siya na manahimik.
“Chill ka lang, Red. Ihanda mo lang sa akin ang antidote ko,” saad ko at marahas na bumuntonghininga siya.
“Momma?” Napatayo ako nang marinig ko ang maliit na boses ng isang bata. Pareho pa kaming napalingon ni Red sa direksyon na iyon. “Momma?” tawag nito ulit sa kung sino man ang tinatawag nito. “Momma ko...” Napangiti dahil sa huling sinambit niya. No doubt na ako nga ang tinatawag nito.
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nakadapa lang siya sa floor ng laboratory room ko.
“Red!” sigaw ko sa pangalan ni Red at mabilis siyang lumapit kay Meriah Amor para kunin ito mula sa pagkakadapa sa floor.
“Ayaw!” sigaw nito nang akma siyang bubuhatin ni Red.
“Come on, little young miss. Play tayo sa labas,” pag-aaya ni Red sa baby ko pero nakaabang ang maliit at matambok nitong kamay para hindi siya mahawakan. I chuckled.
“Ayaw!” sigaw nito ulit at masama ang tingin kay Red. Tumingala siya at nagtama ang mga mata namin. Napangiti siya nang makita ako at naglahad ng kamay, sa paraan na iyon ay alam kong gusto niyang kunin ko siya. “Momma ko...” nakangusong sabi nito.
Lumapit ako sa sink para maghugas ng mga kamay at manghilamos na rin. Naglagay rin ako ng alcohol sa kamay ko para wala na talagang madidikit na kahit na ano'ng gamot na ginawa ko kanina.
Lalapit na sana ako sa side nila nang maramdaman ko na ang panghihina ng katawan ko. Unti-unti ko nang nararamdaman ang gamot na parang dumadaloy na sa laman at ugat ng katawan ko. Maging sa buto ko yata ay ganoon din.
Bumagsak ako sa sahig at wala man lang ako naramdaman na sakit, mas effective pala ang gamot na ininom ko at namamanhid na rin ang katawan ko. Wala akong nararamdaman na kahit ano.
“Momma!” umiiyak na sigaw ng baby ko nang makita ang pagkawalan ko ng balanse.
“I-Iyong...baby ko...” nahihirapang sabi ko at naninikip ng husto ang dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Dahil sa sakit na nararamdaman ay parang puputok ang ugat ko sa ulo.
Nawalan na nga ako nang pandinig dahil hindi ko na marinig ang pag-iyak ng anak ko at ang pagsigaw ni Red. Nagwawala si Amor at parang gusto niya ring lumapit sa akin.
I smiled when I saw her crying like that. Ang sabi ng mga babysitter ni Amor ay special kid daw ang aking baby. Dahil kahit two years old na siya ay hindi pa niya nagagawang maglakad nang maayos. Paika-ika pa at kailangan pa naming alalayan. Bihira lang siyang magsalita at iilan na words din ang alam niya.
Kaya nasasabi nilang special child si Meriah Amor, pero pinakonsulta na namin siya sa physician at normal lang daw iyon para sa mga bata. Kaya sa huli ay pinapatanggal sila ni dad sa mga trabaho nila.
Tanggap ko naman ang anak ko kahit ganoon siya. Mahal ko siya at siya ang buhay ko ngayon.
I lose my conscious. Nagising na lang ako nang makaramdam na tila nasusuka ako. Kaya Napabalikwas ako nang bangon at dumiretso sa banyo ko. Napasuka ko at napatitig sa dugong lumabas mula sa aking bibig. Napahilamos ako. Nawala na nga ang epekto ng gamot pero nananakit ang ulo ko.
Bumalik ako sa kama at nakita ko na nandoon pala si Amor. Mabilis akong lumapit sa kanya dahil sinubukan niya ang makababa mula roon.
“My Amor,” nakangiting sambit ko at binuhat ko siya nang patalikod. Hinalikan ko ang leeg niya at sunod ay ang tuktok ng ulo niya.
“Momma?”
“Yes, my Amor?” tugon ko at sumampa ako sa kama. Pinaupo ko siya sa lap ko at humarap naman siya sa akin. Mabilis siyang yumakap sa leeg ko at lumapad ang ngiti niya. I kissed her cheeks. She’s beautiful.
“Momma... Syeep...” sambit niya at itinuro ang unan. Na-gets ko agad ang gusto niyang sabihin sa akin.
“Fine na si Momma, here na ang baby niyang pretty,” sabi ko at pinugpog ng halik ang mukha niya kaya napabungisngis siya.
“Momma... Syeep... Down...” sambit niya at sumenyas pa siya sa akin kaya tumango ako. Humiga ako sa kama at ginawa kong unan ang braso ko para sa kanya. Pinahiga ko siya sa tabi ko.
“Oh, here na. Momma and her pretty baby Amor, syeep na and down,” sambit ko at napapalakpak siya. Ginagaya ko ang words niya at maging ang maliit niyang boses.
“Momma! Yay...” I kissed her forehead.
“Momma loves you so much, my Amor,” malambing na sabi ko sa kanya. Nagkukulitan kaming mag-ina nang pumasok sa loob ang mommy ko.
“Love, hindi ba magmi-milk ka pa? Kanina pa siya nagbabantay sa ‘yo, Miamor,” she said and I smiled at her.
“Ganoon po ba, Mother?” ani ko at ginaya pa ako ng baby ko.
“Mothey?” Pareho kaming natawa ni mommy sa sinambit ni Meriah Amor. Mahilig talaga siyang gumaya sa akin.
Habang wala naman ako sa mansion ay ang Mommy ko naman ang nag-aalaga sa kanya. Malapit naman siya sa Mommy Lola niya kaya okay lang. May mga pagkakataon din naman na ako ang hinahanap nito. Umiiyak siya kapag hindi ako nakikita.
“Milk ka na raw, my Amor,” sabi ko sa kanya pero umiling siya.
“Come here, love.”
“No...” umiiling na sabi niya at mahigpit na yumakap sa akin.
“Go na kay Mommy, my Amor...”
“No... Momma...”