Chapter 10: Blackmailing & condition
“SERVE this to number 8 table,” I ordered my waitress. Ito rin naman ang in-order ni Hersey Montallana. Kaya hindi naman iyon maghihinala pa, eh.
This is the right time na i-blackmail siya dahil ‘sakto na ang Amor restaurant ang napili nila na puntahan. Hindi naman ako nababahala na baka masira naman ang reputasyon ng resto ko. Sisiguraduhin ko naman na walang lalabas na balita sa mangyayari and my place ay safe naman siya. No need to be worry.
I settled on the vacant chair, tatlong table naman ang pagitan ng puwesto nila. Si Hersey Montallana and of course kilala ko rin ang ka-meeting niya ngayon. Makikilala ko talaga siya dahil schoolmate ko siya sa college.
Para hindi ako makilala ng mga customer namin ay nagsuot ako ng disguise outfit with my shades. Black dress and cardigan, boots and even my sumbrero ay black din. Oo na, weird na talaga akong tingnan.
Hinihintay ko lang din ang eksenang mawawalan siya nang malay pero ‘sakto na nandito rin ang asawa niya. Timing na timing. Ano kaya ang magiging reaction nito kung makikita niya si Hersey na sa ganoong kalagayan?
“Sarina!” sigaw ni Dr. Jinsen nang makita na nabangga ito ni Hersey. Tingnan mo nga naman, oh.
Sinadya kaya ng girlfriend niya kuno ang nangyari pero pa-victim pa yata ang gaga. Gusto lang talagang magpapansin at para ipagtanggol naman siya sa boyfriend niya kuno.
Hersey on the other hand ay wala naman siyang pakialam kay Sarina Alfred kahit bumagsak pa ito sa floor. Sadyang weak lang itong tingnan dahil sa drama niya. She was about to leave na sana pero nag-intro ang doctor.
“Whoa...” I uttered dahil pinigilan siya nito na umalis. Hinawakan ang braso niya. Napangiwi pa siya dahil siguro mahigpit ang hawak sa kanya nito.
“Where the hell are you going? Aren’t you saying sorry to my girlfriend?” narinig kong tanong ng doctor. Wala talaga siyang naaalala? Hindi ba niya alam na nasasaktan ang wife niya? Dahil lang sa mga kinikilos niya. Hindi ba ito pamilyar sa kanya or something? “Say sorry to her and look at me,” Dr. Jinsen said, ang lamig din ng boses niya. Yeah, naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila.
“Here’s your order, Ma’am.” Tumango ako sa waitress ko nang ilapag na niya ang iced coffee ko sa table.
Parang nanonood lang ako sa sine nito. Mag-e-enjoy pa yata ako sa mapapanood ko ngayon, ah.
“Jinsen, okay lang ako. Let her go, babe,” sabi ng isang babae na kontrabida sa buhay ni Hersey. Marunong pala siyang umarte, eh at nagbait-baitan sa harapan ng mag-asawa. Dr. Jinsen such a jerk husband. Ewan ko na lang sa ‘yo kapag nakaalala ka na. Baka maiiyak ka pa kasi mare-realize mo ang mga ginawa mo sa kanya.
Ang sakit kaya sa feelings ang makakalimutan ka na lamang bigla ng taong mahal mo. Siyempre, para sa akin ay walang-wala na iyon.
“No. Kailangan niyang mag-sorry sa ‘yo,” mariin na sabi nito. May galit yata siya sa wife niya nang hindi niya alam. Grabe, parang iyon lang talaga ang nangyari ay ginagawa niyang big deal.
“Are you blind? Or you’re just stupid?” Ouch, doctor... Ang sakit naman iyon, ah.
“Don’t you ever touch me, fvcking idiot!” I sipped my coffee. Isa talaga iyan sa nagustuhan kong pag-uugali niya. Masyado siyang matapang kaya bagay na bagay siyang maging bodyguard ko. Matagal ko na siyang inoobserbahan kaya alam ko ang isa sa side niya.
“Are you stalking me?” tanong pa ng doctor. Hmm, yes. Kung alam mo lang din but iba kaya ang purpose niya kung bakit nandito siya ngayon sa Amor restaurant. May ka-meeting siya at hindi ikaw ang dahilan, doctor. Mas nauna rin siya kaysa sa inyo.
“Ha! Ha! Excuse me? Mukha ba akong stalker? Seriously? I’m not stalking you, Mr-who-ever-you-are. You’re so fvcking assuming. Baka ikaw mismo ang sumusunod sa akin,” she fired back and looked at the other girl. “Kagabi nga ay sinundan mo pa ako kasi nag-aalala ka sa akin. Because you thought I'm not a sobber.” Such a brave girl.
“J-Jinsen...” So dramatic person naman ang isa.
“Baka nagugustuhan na rin ako ng boyfriend mo, Miss. Sabi nga niya sa akin, 'But I have this feeling... Maybe, maybe, I'll stop bothering you. Kakikilala ko lang sa 'yo pero ganito na ako agad kung... Ayokong saktan ang girlfriend ko. I'm sorry... I just hope na ito na ang huli nating pagkikita.”
“What the fvck?!” malutong na mura ni Dr. Jinsen. Ang suwerte mo na may asawa kang matapang. Jerk ka lang talaga kapag hindi mo sinubukan na maalala ang asawa mo.
“Babe, that’s not true!”
“What... What was that, J-Jinsen? Hindi iyon totoo, ‘di ba?”
Napalingon naman ako sa lalaking tumatakbo at nagawa pa niyang sagiin ang table ko kaya natapon ang kaunti ng laman ng cup ko. That idiot. Walang pinagbago ang gunggong na iyon. Wala pa rin siyang pakialam sa mga taong nababangga niya. Grr.
“Are you okay? Hersey, you look pale. What happened?” tanong niya kay Hersey. Eh, saan ka ba kasi kanina?
“Mukha ba akong natakot sa dalawang taong ‘yan?”
“Dr. Jinsen?”
“Kasama mo siya? Please, tell your girlfriend to stop stalking me.” Ay?
“Hey, I’m not stalking you!” sigaw niya.
“Napaka-assuming mong tarantado--” I smirked nang makita ko ang pagbagsak niya sa floor ng resto. Kumalat na nga ang gamot ko sa katawan niya. Sobrang tagal iyon kung tutuusin. Akala ko ay hindi na.
“Hersey! Are you okay?! W-What happened?” natatarantang tanong ni Los Diaz at mabilis siya nitong nilapitan. “Hersey!”
“Fvck! Call the ambulance! Call the ambulance!” Tumayo ako para silipin ang nangyayari. Pero napaatras ako nang makita na parang iba yata ang naging reaction ng katawan niya. Mukhang hindi siya nahihirapan maliban sa paninigas ng katawan niya?
Tama naman ang nailagay ko na gamot sa in-order niyang pagkain kanina, ah. Kaya bakit at paano na ganyan lang siya?
“Let me!” sigaw ng katabi ko at nagawa pa niya akong itulak kaya malutong na napamura ako. I glared at him.
May galit siya rito pero susuriin niya rin pala si Hersey. Mukhang wala na rin naman kasi siyang pakialam dito, eh. Tsk.
“No! Don’t come near her! Stay away!” Tama iyan, huwag mo siyang palapitin sa asawa nito.
“Fvck, let me! I’m a doctor! I know this kind of situation! Go, move!” malakas ang boses na saad nito. “Hey, open your eyes. Can you hear me? Can you hear my voice? She was poisoned! She needs to be taken to the hospital, ASAP! Call the ambulance, now! Hurry up!” I heard him shouted, he’s genius at nalaman niya agad. He’s a doctor after all. Malamang na malalaman niya iyon agad.
“B-But...she’s okay? She will be fine? What kind of that poisoned?”
“She’s still awake. She just can’t move her body and she doesn’t feel anything either. But her heartbeat stops every second. She needs to take an antidote of whatever kind of poison she-- fvck! The antiodote, she needs to drink that fvcking antiodote!” Ayay, he looks pissed off. Baka naman worried na siya? Kahit hindi pa niya ito naaalala ay alam ko naman na ang puso niya mismo. Pero grabe, nalaman niya talaga ang lahat ng iyon?
“Poisoned?! She was poisoned?! Who will poison her, anyway?! She’s with-- Del Castillo, what have you done?! Did you put poison in her food? Do you?!”
“What, what?! I didn’t do anything! Nag-usap lang kami tungkol sa empleyadong kukunin ng hotel ko and I’m just her client! I am not a killer! Seriously! I can’t do that! I never be!” Siya, si Del Castillo nga ang ka-meeting niya at si Los Diaz naman ay client niya lang dati.
Mabilis akong sumunod sa kanila pero kinindatan ko pa si Red. Kitang-kita ko ang pag-iling niya. Lahat ng mga tao sa loob ay hindi talaga na isang customer lang. Mga tauhan namin iyon para wala ng makalabas na tsismis sa nangyari kanina. Oh, mautak pa rin naman ako.
Nagmamadali akong sumakay sa kotse ko para makasunod talaga ako sa kanila. Wala na akong pakialam pa sa weird outfit ko ngayon. Basta malaman ko lang kung saan nila dadalhin si Hersey, kung saang hospital ba nila ito isusugod.
And I’m thankful, sa hospital mismo ni Dr. Jinsen. Malapit naman kasi rito ang hospital niya sa resto ko.
Inasikaso nila agad ang pasyente nila at alam ko na wala silang magagawa ngayon kay Hersey. Iisipin nila na wala na silang oras pa para gamutin ito at kailangan na niyang makainom ng antidote.
Ilang oras ang nakalipas at nakasunod na agad sa akin si Red. Hindi ko siya pinansin. Nang makita na lumabas na ang doctor na iyon ay sumenyas ako kay Red.
“Bantayan mo ang pinto, sabihan mo agad kapag may taong papasok dito, okay?” ani ko. Bumuntonghininga muna siya saka siya marahan na tumango. “Good girl, Red,” nakangising sabi ko at umikot lang ang eyeballs niya.
Pinagmamasdan ko pa siya. Ganyan kaya ang mukha ko noong ako naman ang kusang uminom ng gamot ko? Putlang-putla? Pero iba talaga ang effective no’n sa kanya.
Lumapit ako sa hospital bed niya nang mahinang gumalaw ang talukap ng mga mata niya. Magkakamalay na pala siya.
“Hersey J-nea Leogracia-Montallana, right?” I uttered her name. She opened her eyes and seems fine na rin. Ang kaso lang ay naguguluhan na tumitig siya sa akin.
Baka nakilala na niya ako. Baka nasa isip na nito na kung ano ang ginagawa ng senator sa private room niya mismo?
“You okay, Ma’am? I am sorry if I did this to you, dear. I just need you,” I said. Mas lalo lang lumalim ang gatla sa noo niya. “I have my antiodote here, because I planned to poison you, honestly speaking. You’re just in time on my restaurant. Lucky me, I just want to have your help. Are you in? Then, I’ll give you the antiodote, so you won’t be paralyzed there. Hmm, you can’t feel anything in your body. Apparently you’re stiff and you can’t move either. Even speak, you can’t. But your spirit is so alive even if you feel dizzy. It was shocking, right? I’m a great inventor, then!” mahaba at masayang sabi ko pa. Though wala talaga akong naaalala na binigyan ako ng gamot ni Red. Siguro ni-inject na lang iyon sa akin.
Hindi siya umimik, of course she can’t speak for now. “If you don’t want to cooperate with me. Your heart, it can stop functioning, I mean, it will stop completely if you can’t take my medicine for 48 hours. That’s why your heart will be stop every seconds. Don’t worry, CEO Hersey. It’s just a small thing you can help me with. Be my bodyguard and I want your friend, too. I heard that she will go home here and stay for good. I just want your team, pretty cool!” walang ganoon pero tinatakot ko lang talaga siya para sumang-ayon na siya sa akin. Blackmailing na ito kaya lubos-lubusin ko na, aba.
Bumukas nang bahagya ang pinto at nakadungaw roon si Red. She gave me a sign. May parating ulit. I just nodded.
“Don’t worry, you have your own time to decide. I’ll be back, pretty. Hoping your answer is a yes, next time I’ll visit you. All right?” ani ko saka ako nagmamadaling lumabas mula sa kuwartong iyon.
Lumihis ako sa ibang direksyon nang makita ko ang doctor niya na asawa rin niya. Inayos ko ang buhok ko at muling isinuot ang shades ko.
Sa parking lot lang kami tumambay ni Red dahil hindi naman kami puwedeng umuwi pa sa ngayon. Kailangan din makainom ng CEO na iyon ng antidote ko. Hindi puwede magtagal pa iyon ng 48 hours.
“Ano ba ang tawag sa gamot na iyon? Paano kung kakasuhan ka niya?” tanong ni Red.
Alam kong hindi iyon gagawin ni Hersey. Mas pipiliin pa rin no’n ang magtrabaho sa akin kaya wala akong magiging problema roon.
“Basta, manood ka na lamang, Red. Ang dami mo talagang tanong, eh.” She remained silent naman after that.
***
Hinintay lang namin na gumabi saka kami bumalik sa loob.
“Bakit kailangan mo pa siyang bantayan roon?” narinig kong naiinis na tanong ni Sarina Alfred kay Dr. Jinsen. Nasalubong namin sila sa hallway ng hospital.
“Nasa critical ang kondisyon niya at kailangan siyang ma-monitor kada-oras,” ang sagot nito sa kanya.
“Ang daming doctor sa hospital niyo, may mga nurse rin at eh ‘di sana ay ipinasok niyo na lamang siya sa ICU kung kailangan mo pa siyang i-monitor every minuten.” Nagpatuloy ang argumento nilang dalawa habang naglalakad na sila palayo.
Seriously? Paano kaya natatagalan ng lalaking iyon ang attitude ni Sarina Alfred? Masyado siyang maarte at ako na walang pasensiya sa mga ganoong pag-uugali ay baka masapak ko pa.
Pagpasok ko sa loob ay nadatnan ko na gising na gising na siya. Kahit halatang nanghihina pa siya.
“I’ll change my mind. I’m not here para makuha ang sagot mo. But I’ll give you my antiodote but a new poison. This thing can help you,” sabi ko at inilabas ko ang injection. Sa dextrose ko iyon paggagamitan. But of course, hindi na iyon new poison pa. It was the antidote! Saka gamot ang tawag ko at hindi isang lason lang. Hindi ko naman igagamit ang pinag-aralan ko at alam ko sa masama.
“I’m not your enemy, dear. I’m an ally, you’ll be okay after this,” I told her and I even tapped her cheek before I left.
“Who are you?” Los Diaz asked me. Nagulat pa ako dahil nasa likod ko agad siya. I ignored him. He didn’t follow naman.
Ano naman kaya ang reason ng isang iyon at nilalapitan na naman niya si Hersey? Sa pagkakaalala ko rin ay hindi naman sila magkakilala noon pa man, naging client lang siya nito.