Chapter 11: Hired bodyguards
WE DECIDED to go home muna ni Red at alam kong disappointed siya sa nangyari. Nag-aalala lang siya. Alam ko naman. Kaya ayaw niyang gawin ko ang mga bagay na ito.
Hindi naman ganoon ka-strict ang daddy ko nang nagkabalikan na sila ni mommy. Pero kapag nalaman niya ang kalokohan na ginawa ko ngayong araw na ito ay alam kong pagagalitan na naman niya ako. Knowing my father.
We reached the mansion a few minutes later. “Babalik tayo bukas, Red,” ani ko and I got out from our car.
“Miamor...”
“Come on, sumabay ka na lang sa kalokohan ko today. Hmm?” I closed the door at pumasok na ako sa loob ng mansion namin.
Dumiretso ako sa kuwarto ko para makapagpalit na ako ng damit ko. Nagmamadali pa akong mag-shower dahil gusto ko nang makita ang baby ko. I already missed her.
Dumiretso ako sa room nina Mom and Dad. Kumatok muna ako bago ko ito binuksan. Sumilip lang ako para tingnan si Meriah Amor.
“Love?” I waved my hand to my Mom and smiled at her.
“Where’s my Amor, Mother?” tanong ko at ininguso niya si Daddy. Nakakandong pala sa kanya ang kanyang apo. Nakasuot na siya cute pink pajamas niya.
“Pasok ka, love.” I get in and sumilip na sa akin ang baby ko. Lumapad ang ngiti ko at kinawayan ko siya.
“Momma!” masayang tawag niya sa akin at nagawa pa niyang pumalakpak. She’s happy when she saw me.
Umalis siya mula sa pagkakaupo niya sa lap ng Lolo niya. She spread her both arms towards me. She wants me to carry her.
Kinuha ko naman siya at binuhat. Yumakap sa akin ang maliliit niyang mga braso and she even rested her head on my shoulder.
“Hello, my daughter. Momma miss you,” I told her and I kissed her head.
“Yah, Momma...”
“Lalabas na po kami,” paalam ko sa parents ko.
“Sige, love. Patulugin mo na rin pagkatapos,” Mom said and I just nodded. Sila talaga ang nag-aalaga sa baby ko sa tuwing wala ako.
Nang makapasok kami sa kuwarto namin ay ibinaba ko siya agad sa kama at tumabi sa kanya.
“You sleep na, my Amor?” malambing na tanong ko sa kanya.
“Momma syeep?” nakangiting tanong naman niya sa akin na tinanguan ko. Humiga ako sa bed namin at mabilis naman siyang lumapit sa akin para tabihan ako. “Momma?”
“Hmm? Amor sleep na rin,” ani ko. Ginawa kong unan ang braso ko at doon ko naman siya pinahiga. Mabilis naman niyang idinantay sa aking tiyan ang kamay at paa niya. Yeah, she’d clingy. Masuyong hinalikan ko ang noo niya na ikinapikit ng mga mata niya.
“Momma?”
“Momma loves you, so much my dear...” I said.
“Amoy yove...yove...Momma too...” I love you more, baby...
***
The next day I decided to visit Hersey again. That was a secret actually, even Red ay hindi ko siya sinabihan kaya wala siya pero nahuli ako ng asawa ni Hersey.
“Who are you? Bakit nandito ka sa loob ng kuwarto ng pasyente ko?” he asked me right away. I waved my hand pero nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya. Sino nga ba naman ang hindi magtataka kapag may nakita kang isang tao na hindi mo naman kilala at wala kang Idea kung relatives ba ito ng patient niya? I understand naman.
“I’m Miamor Ferrara, the owner of Amor restaurant. Nang malaman ko ang nangyari sa kanya ay agad akong bumisita. Because it’s my responsibility, I want to pay her bills dahil ang restaurant ko ang dahilan kaya siya na-food poison,” pagdahilan ko, na sana ay huwag na lamang niya paghinalaan pa iyon.
“Miamor Ferrara... You’re the Senator Ferrara, the president’s daughter,” he said and I just nodded. Magagawa ko pa bang magsinungaling? Eh, nakilala na niya ako agad kahit naka-black and weird outfit naman ako.
“But still... Hindi ka dapat pumasok dito sa private room niya hangga’t wala rito ang guardian niya.” Napangisi ako sa sinabi niya.
“I know her husband,” I said factly at nabasa ko ang emosyon sa mga mata niya na tila interested siyang malaman iyon.
“Sino siya? Tell me where I find him.”
“Hmm, why?” I asked him. Visible talaga sa boses niya ang curiosity na kung sino nga ba ang asawa ng pasyente niya. He’s just a doctor kaya bakit kailangan pa niyang kausapin ang asawa nito or bakit siya interesado?
“I want to talk to her husband,” he replied. Mabuti na lamang ay napipigilan ko pa ang emosyon ko kaya hindi niya ako mapapatawa ngayon. Tama nga ang hula ko na gusto niya itong makilala, hindi lang kakausapin.
“Talk to yourself, then,” nagsusungit na sagot ko. He’s a doctor at alam kong mabilis naman niyang maintindihan iyon kahit nagkaroon pa siya ng amnesia pero...hindi niya ‘yon iisipin na siya nga ang asawa ni Hersey. Dahil nga na wala siyang naaalala sa nakaraan nila.
“Seriously? Hindi ako nakikipagbiruan sa ‘yo, Senator Ferrara,” naiinis na sabi niya.
“Me too, Dr. Jinsen. Okay, fine. Bibigyan kita ng clue kung sino ang asawa niya. Start with J,” sabi ko.
“What the hell ever.” Hindi na mapinta pa ang mukha niya kaya mas lalo akong naaaliw sa kanya. Ganito pala talaga ang may amnesia na kahit ang sarili niyang asawa ay nakalilimutan niya.
“G,” dugtong ko pa. Ang sarap niya talagang asarin, ‘no?
“Shut up,” masungit na sita pa niya sa akin.
“M.”
“Stop right there at puwede bang umalis ka na rito? Hindi mo naman kamag-anak ang pasyente ko,” supladong sabi pa niya.
“You’re just a doctor, too. Lumabas ka na rin sa hospital room ng kaibigan ko at hindi ka naman niya asawa.”
Nagsalubong naman ang kilay niya sa narinig na sinabi ko sa kanya. Bubuka pa sana ang bibig niya para magsalita nang marinig namin ang mahihinang daing ni Hersey.
“You’re awake,” sabi niya at napataas ang kilay ko dahil mabilis niyang nalapitan si Hersey. Tingnan mo nga naman, wala ng maalala, lahat-lahat pero makikitaan pa rin siya ng pag-aalala sa pasyente niya at excited pa siya nang makita na gising na ito.
“Mataas pa rin ang lagnat mo. Kumusta ang pakiramdam mo? Wala na bang masakit sa ‘yo?” sunod-sunod niyang tanong kaya hindi ko maiwasan ang mapangisi. ‘Saktong napatingin din sa akin si Hersey Montallana at mahina na siya sa lagay na ‘yan pero nagawa pa niya akong samaan ng tingin.
“And what are you doing here?” tanong ni Hersey sa asawa niyang doctor. Alam kong hindi pa maayos ang lagay niya pero nagawa pa niyang maging matapang at masungit sa harapan nito.
“Kamukha mo ang anak ko,” Dr. Jinsen uttered. Dude, of course she’s the biological mother. Sobrang tanga mo kapag hindi mo na nalaman ‘yan.
Hindi nakasagot si Hersey dahil siguro nabigla rin siya pero hindi naman siya napilit pa ng asawa niya na sagutin niya ang tanong na ito dahil sa pagri-ring ng cellphone nito. He answered the call at saka siya lumabas.
Nang makita ko naman si Hersey ay tinatanggal na niya ang IV niya kaya mabilis na lumapit naman ako sa kanya.
“Hey, huwag mong tanggalin ang dextrose mo!” I shouted but it’s too late to stop her dahil nakababa na rin siya from her hospital bed and she started to chase me.
Nanlaki pa ang mga mata ko nang balak pa niya akong sugurin kaya mabilis akong nakailag.
“Isang sampal lang, puwede ba?!” nagagalit na bulalas niya. “Just a one slap and I will fvcking stop!” she said at umikot ako sa kabila para hindi na niya ako mahabol pa. Ayoko ngang masampal, ah. Sobrang sakit kaya iyon. Wew.
Natatawa na lamang ako dahil kahit ang hina-hina na niya ay desidido talaga siyang habulin ako. Nagawa pa niyang ibato sa akin ang mga gamit sa loob. Mayaman naman siya at kayang-kaya niyang bayaran ‘yan. Na isa pa asawa niya rin ang may-ari ng hospital. Hindi ko lang sure kung pagbabayarin ba siya nito pero baka nga.
“Tell me what do you want ba?!” naiinis at may galit na tanong pa niya. I smirked. Isa lang naman ang gusto ko, eh. Ang sumang-ayon na siya na maging bodyguard ko. Sila ni Xena.
“I already told you na kaya! Take my offer, dear,” I replied. Bakit kaya ang hirap kunin ng loob niya, ‘no?
She took an apple inside the basket at hinanda ko na ang lahat para maiwasan iyon. Ayokong dumugo ang ilong ko o magkaroon pa ng pasa sa mukha. Kaya nang ibato na niya iyon sa akin ay mabilis akong nakailag pero si Dr. Jinsen ang natamaan. ‘Saktong papasok na kasi siya sa private hospital ni Hersey. I feel sorry for him. Iniwasan ko iyon para hindi ako matamaan pero dahil nasa likod siya kaya diretso sa kanya ang prutas na binato mismo sa kanya ng wife niya. Poor him.
“The hell!” Gumulong ang mansanas sa sahig nang mahulog na nga iyon. Malakas na dumaing ito at napaluhod. Natamaan yata sa ulo, eh.
Akmang lalapit pa siya rito pero napahawak siya sa dibdib niya at biglang namutla.
“Mrs. Montallana!” tawag ko sa pangalan ng asawa niya na dala-dala niya ngayon. Pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay mabilis na kumilos si Dr. Jinsen. Nagulat pa ako dahil iniinda pa niya ang nasaktan niyang noo pero nagawa pa rin niyang alalahanin ang pasyente niya.
“Shet. Here you are again. Ang tigas ng ulo mo,” sabi niya at maingat na ibinaba niya ito sa kama.
“M-May...Dugo," she uttered. Nanatiling nakatingin lamang ako sa kanila sa malayo.
Kakaiba nga talaga ang pag-ibig. Nakalimutan ka man ng isip niya ay naaalala ka pa rin ng puso niya. Nakamamangha nga naman.
“I’m fine,” Hersey answered at napatitig pa ako sa kamay niyang hinawakan nito nang mahigpit.
“You’re confusing me.” Yeah, right. Dapat lang ma-confuse ka, doc.
“W-What?”
“When I woke up from a dark place, you were the first one who came to my front. You were the first one I saw... Who are you? Who are you, really in my life? Why am I just like this when I worry about you? Who are you and why do I find it harder to see your situation? Who are you for me to spend more time with you? When in fact, I don't even know you? You're just a stranger.” Wow, may ganito na pala siyang nararamdaman? “Gusto pa kitang makilala but I can't. I don’t want to cheat on my girlfriend. I don’t want to hurt her just because of you. But... One thing I am sure ay alam mo nga ang nangyari sa akin. Dahil noong nagising ako sa hospital ay nandoon ka... You even cried in front of me. You called me... Honey... But I want to know you, more... Before I marry my girlfriend.”
Mahinang napasinghap ako sa narinig. May girlfriend nga siya ngayon tapos balak pa niyang pakasalan ito?!
“Go away! I’m not interested in you!” asik niya at tinulak niya ito sa dibdib. Ganyan nga, Hersey. Dapat labanan mo siya. Haha.