CHAPTER 12

1670 คำ
Chapter 12: Hersey’s agony “NAGAWA mo akong lasunin at i-blackmail para lamang talaga maging bodyguard mo ako, tama?” tanong niya sa akin. Tumango ako at ngumisi sa kanya. May hawak akong ballpen na pinaglalaruan lamang ng mga daliri ko. Natutuwa talaga akong kausapin si Hersey. “You got it, dear,” I told her at tiningnan na naman niya ako ng masama. Kulang na lang ay ipatapon niya ako sa labas ng opisina ko. “What kind of that poison? Saan mo nakuha ‘yon? Kapag nalaman talaga ng ibang tao ang ginawa mo ay alam kong isusuplong kanila at masisira ang reputasyon mo sa madla. Sa tingin mo ba ay iboboto ka pa nila nilang presidente ng bansa?” nanghahamon na tanong niya sa akin. Hindi ako natatakot sa bagay na ‘yon. Dahil wala namang makakaalam tungkol doon. Bago pa man ako gagawa ng mga bagay na maaari ngang makasira sa imahe ko at reputasyon ay may plano namana ako agad. Hindi ka naman sumusugod sa isang laban kapag wala kang plano, ‘di ba? “Ibang tao ka naman. Pero hindi mo pa rin ako sinuplong. Bakit kaya?” ani ko pa kaya umirap na naman siya sa akin. Dahil hindi niya kayang isumbong ako sa mga pulis? Alam ko rin na may connection siya sa nakatataas. Dear, siya lang naman ang owner ng security agent and even employee. Ang kompanya niya ang nilalapitan ng mga taong makapangyarihan. Pero heto siya. Walang ginawa at sumama lang sa akin para takasan ang asawa niya sa hospital. “Dahil... Dahil...basta!” sigaw niya lang at natawa na ako dahil wala naman siyang masasabi pa. “At paano mo nalaman na asawa ko ang doctor na ‘yon, ha Senator Ferrara?” curious na tanong niya sa akin. Nagsalubong pa ang may kanipisan pa niyang kilay. “Ang doctor na ‘yon? Bago pa kasi kita nilapitan--” “Nilason,” sabat niya sa sasabihin ko sana. “Okay, nilason. Pina-investigate na kita bago ko pa lamang gawin ‘yon sa ‘yo. Pinipili ko lang naman ang mga taong makalalapit sa akin at isa ka sa masuwerteng tao na iyon,” paliwanag ko sa kanya. Humilig naman siya sa headrest ng inuupuan niya ngayon. “At ako? Isa na ba ako roon? At paano na ako pa ang napili mo? ‘Yan ang hindi ko maintindihan. Tapos masuwerte? Eh, nilason mo kaya ako! Saang banda ang masuwerte roon, ha?!” naiiritang saad niya. Napangisi ulit ako. “Kilala ko kasi ang Papa ng best friend mo. Si Lord Mori, the Mafia boss, who ruled the Zeus empire, may I right?” I said factly. “I know nothing,” pagtanggi niya at inikutan ako ng mga mata. Alam ko naman na may alam na siya sa bagay na iyon. Kilala na niya ang kaibigan niya at alam na alam na niya na isang mafia queen si Atty. Xena Carter ng Zeus. Naiintindihan ko naman kung bakit niya ito itinatanggi sa akin dahil ayaw rin siyang madamay ni Xena Carter. Masyado kasing magulo ang buhay no’n at maraming kalaban na palaging nakapaligid sa kanya. Well, dahil nga gusto ko rin siyang idawit ay alam kong pati siya ay madadamay na rin sa komplikadong buhay ko. Saka isa pa, hindi lang ako ang makikinabang dito. Maski siya, puwede pa niyang mabawi ang asawa niya mula sa mga kamay ng Sarina Alfred na iyon. “Alam kong may alam ka tungkol sa pamamalakad ng pamilya niya,” giit ko sa kanya. “Whatever. Hindi mo pa pala sinasagot ang tanong ko. Paano ka nakakuha ng ganoong klaseng gamot? Or rather say, a poison?” she asked in confused. “I invented that medicine,” I replied. Parang nagdududa pa siya at ayaw maniwala sa akin. Kaya nagkibit balikat na lamang ako. Hersey J-nea, isa siya sa matapang at matatag na babae. Kahit alam niyang nasasaktan na siya ay patuloy pa rin niyang ginagawa ang mga bagay na puwedeng ikalungkot niya lalo. Palagi niyang binabantayan ang bawat kilos ng babaeng kinikilalang girlfriend ng asawa niya. Masasabi ko ngang matapang siya at walang kinakatakutan dahil nagagawa niyang harapin at pagbantaan pa ang babaeng iyon. Ang isa lang sa kahinaan niya ay ang kanyang anak. “As far a I know ay isa ka lang senator ng bansang ito. Papaano kang nakapag-imbento ng ganoong klaseng lason--” “Dear! I called that my own medicine! Hindi ‘yon lason!” hysterical na sigaw ko at napatayo pa ako. Medicine lang naman iyon, ah. Hindi ako gumagawa ng lason, ever. Ayokong kilalanin nila iyon as a poison na gusto ko lang din na gamitin sa pansariling kagustuhan ko rin. “Talaga lang, ah... Medicine...” *** Katulad nga nang sinabi ko na masyadong matapang si Hersey. Naabutan ko na naman siya na nakabantay sa mag-ama niya kasama ang girlfriend kuno nito. I feel for her son. Dahil nagagawa siyang tiisin ng Mommy niya kaya nang hindi na niya napigilan pa ang sarili niya ay kusa siyang lumapit sa kanyang ina. Pero...mas pinili pa rin nito ang daddy niya, ang kalagayan mismo ng kanyang ama. “Damn it!” nanggigigil na mura niya at paulit-ulit pa niyang hinampas ang manibela ng sasakyan niya. Hindi naman ako naaawa sa kalagayan niya dahil alam kong makakaya pa rin niya itong lampasan. Pero para sa bata, nahahabag na ako. Kitang-kita ko mismo ang sakit at lungkot sa mga mata nito. Ang pagmamakaawa niya sa Mommy niya, ang boses niya na umiiyak. “You can make it, dear. Pagsubok lang ‘yan for you at makaaahon ka pa rin. Iyang sakit na ‘yan at paghihirap mo? Isa lang ‘yan sa mga pagsubok na kailangan mong maging matatag and I know someday, magiging malaya ka na. Save yourself,” sabi ko sa kanya para lamang aluhin siya. Pareho silang nasasaktan ng kanyang anak. Hindi lang talaga aware ang doctor na iyon. “B-Bakit pati ang anak ko ay nadadamay rito? Ako lang ang lumayo, ako lang ang dumistansya at ang daddy niya lang ang inalala ko pero ngayon... Na-realized ko na naging mali rin ako. I choose to distance m-myself from them because of my h-husband without knowing na nandiyan pala ang anak ko. N-Na nandiyan pala siya at nasasaktan din. Nasasaktan din siya para sa amin. W-Worth it pa ba itong paglayo ko sa kanila? Hindi lang ako ang nasasaktan dito, hindi lang ako... H-Hindi ko... Hindi ko man lang naisip ang anak ko na puwede rin pala siyang masaktan. Bakit ang unfair... Ang unfair niya para gawin ito sa amin,” malungkot na sabi niya. *** “Nasa Italy si Dr. Jaickel. You know what, Miamor... Ilang taon na ang nakalipas ay bakit pinapasubaybayan mo pa rin siya? May asawa na ang lalaking ‘yon at masaya na siya sa buhay niya kasama ang asawa niya. Kaya bakit hindi mo pa siya tinitigilan hanggang ngayon?” pangangaral sa akin ni Red. I shrugged my shoulder. “Actually ay wala na rin talaga akong pakialam sa kanya. Ang gusto ko lang ay makita siya na kung masaya ba siya sa buhay na pinili niya noon. Na kung hindi ba siya nagsisisi sa maling desisyon niya na makasama si Jillian na asawa niya ngayon,” nakangising sabi ko at napabuga pa siya ng hangin sa bibig. “He’s happy with his wife, Miamor,” mariin na sabi niya at napatingin ako sa kisame. “Mahigit dalawang taon ang nakararaan. Kung masaya nga siya sa asawa niya ay bakit wala pa silang anak ni Jillian? Samantalang ako ay naanakan niya?” tanong ko. Nahihimigan sa boses ko ang interest na malaman ang katotohanan. “Miamor...” “At hindi lingid sa kaalaman mo na may ginagawa rin ang owner ng L.D’s restaurant sa wife ni Jaickel, hindi ba?” “Si Aizen Zhaicker Los Diaz ba ang tinutukoy mo?” she asked me and I nodded. “What do you think about him?” I asked her back. “That...he’s interested with Jillian?” I smirked. “Let’s go to Italy,” wika ko and I stood up from my chair. “Seriously?” “Hindi ko kikitain ang lalaking ‘yon, Red. Excuse me, may ka-meeting ako there,” sabi ko at inirapan ko pa siya. *** “ANO’NG gagawin natin sa Italy?” Hersey asked me. I remained silent. Inabala ko lang ang sarili ko sa pagbabasa ng nakuha kong info about Jaickel. Bakit kaya nasa Italy siya, ‘no? Kasi bago ko pa man malaman kay Red na nandoon ang doctor na iyon ay ‘saktong may business trip din ako roon. Kasama niya kaya si Jillian? Dahil ayokong ma-meet sila roon, ‘no. Isa pa malaki naman ang Italy kaya imposible rin na magkikita kami roon. Kumislot pa ang puso ko nang makita ko ang picture niyang naka-side view. Damn his handsome face. Bakit hindi man lang siya nag-fade, eh? Tsk. “Magtatagal ba tayo roon? Kailangan kong makabalik agad dahil mamimiss ako ng anak ko,” Hersey blurted out. Well, same naman kami. Pareho kaming may anak at ako ang mas nakami-miss sa baby ko. Hahanapin din naman ako no’n pero alam kong sanay na ‘yon na palagi akong wala sa mansion. Kaya nasa tabi niya palagi ang grandparents niya. Saka isa pa, months old pa lamang ang baby ko. “May gusto lang akong makita roon. So, shut up,” supladang sabi ko. “Sino naman ang gusto mong makita, monster?” she asked me, at tinawag pa akong monster. Pambihira naman, oh. “Nobody,” tipid na sagot ko lang. Nakatulog sa biyahe si Hersey. Siya sana ang gusto kong magpalipad ng eroplano pero kagagaling niya lang sa pag-iyak. Baka depress siya at pareho pa kaming mapapahamak. Pagdating namin sa Italy ay inasikaso agad ni Red ang pag-check in namin sa hotel. Inayos ko ang papers and contract. Gusto kong matapos ito agad at nang hindi na kami magtatagal pa rito.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม