CHAPTER 13: Postponed
ILANG oras lang kaming nakapagpahinga at nagtungo na kami sa restaurant. Kung saan kami mag-uusap ng ka-meeting ko.
Ako lang ang humarap kay Mr. Lim at pumuwesto sa kabilang table ang dalawa. Hindi naman sila nagtanong pa at saka safe ang lugar na ito kaya hindi na nila ako kailangan pang bantayan. Manatili na lamang sila sa kinauupuan niya.
“Mr. Lim, just sign these contract para matapos na tayo agad,” sabi ko at pagkaupo ko pa lamang ay nag-open topic agad ako. Nagulat pa siya sa arrival ko.
“Senator Ferrara, siguro ka bang hindi kami malulugi kapag binenta namin ang farm sa San Francisco?” Iyon na kaya ang napili niya?
“Binigyan na kita ng dalawang option, ‘di ba? Dobleng halaga ang ibibigay ko sa ‘yo kapag ibinenta mo ito ng buo sa akin at pangalawa ay ang maging isa sa marketing ng company namin pero hindi ko tataasan ang ratings or tamang presyo lang ayon sa mga naging kasunduan mo sa ibang oil factory pero tatagal ng ten years ang contract mo sa amin. Iyon ang pinagkaiba namin sa mga factory na dating supplier naman ang farm niyo,” mahabang paliwanag ko sa kanya.
He came from Philippines. May mga tauhan lang siyang pinagkakatiwalaan na pamahalaan ang farm nila sa Philippines. Siya talaga na owner nito ang gusto kong makausap tungkol sa negosyo namin. At nandito lang siya dahil sa pamilya niya.
“Pero pinapili mo ako sa first option,” sabi niya at umiling.
“Dahil ayoko ng may kasosyo, eh. Sakit sa ulo kapag may ka-business partner ka. Hindi mo alam kung totoo ba sila sa ‘yo o hindi. Magkaiba kami ng gusto ng Daddy ko. So...”
“Mahalaga sa akin ang farm namin. Ang second option na la--”
“Fine, Mr. Lim. Just sign these contract and we’re done,” putol ko sa kanya. Bumuntonghininga pa siya at dumukot ng ballpen niya sa suot niyang coat. Nagbago agad ang isip niya.
Nanatiling walang imik ang attorney niya. Hindi na rin naman ako nag-aksaya pa na palapitin si Red. Kaya niyang i-review ang contract. Tss.
“Well done. Thank you, Mr. Lim. I’m happy to be part of your farm,” I said at naglahad ako ng kamay sa kanya. Tumayo naman siya at tinanggap ang pakikipagkamay ko sa kanya.
“Likewise, Senator Ferrara.”
“I did this because your farm is always rejected by some oil manufactury. Lacking to meet your standards and ratings. But I’ll be kind kaya may magagawa ako para sa standard ng farm niyo.” Pagkatapos nang pag-uusap namin ay nagpaalam na rin ako.
I approached Red and Hersey. “Let’s go,” I told them at diretso ang tingin ko sa entrance nang may mahagip ang mga mata ko. Shet! Hindi ako dapat magkamali!
“Ay wait. Comfort room lang ako,” sabi ko at hindi ko pinahalata ang pagmamadali kong makaalis doon. Paano kasi nakita ko ang lalaking iyon. Sigurado akong siya iyon.
Pumasok ako sa comfort room at pinalipas ko muna ang ilang sandali bago ako lumabas. Hindi na ako nag-abala pa sa sarili ko na hanapin siya. Ayos sana kung hindi siya ang nakita ko.
“Let's go.” Alam kong nawerduhan na sa akin si Hersey.
Habang naglalakad na palabas ng resto ay parang gusto pang manatili rito ng kasama ko, probably Hersey. May tinitingnan yata siya rito, eh.
“What are you looking at, dear?” I asked her confusedly at sinundan ko ang kanyang tiningnan kanina pero wala naman akong nakikitang kahina-hinala.
“You’re weird,” usal ko at nauna nang sumakay sa kotseng ni-rent lang namin sa hotel.
And I’m weird too. Tiningnan ko ulit ang direction na iyon dahil nararamdaman ko rin ang dalawang pares ng mata ng isang tao.
“HERSEY, have you meet our president already?” I asked my bodyguard, Hersey. Well, hindi siya literal na bodyguard ko lang dahil I consider her my friend na kaya.
“No. Sa mga TV news lang. Why did you asked me that?” she asked me, confusedly.
I looked at Red, sa ibang direction siya nakatingin pero nang mapansin ang titig ko sa kanya ay ibinaling din sa amin.
“What?” nagtataka ring tanong niya sa akin.
“Punta tayo sa palasyo,” nakangiting sabi ko.
Alam kong nasa palasyo niya si Dad ngayon kaya dadalhin ko roon si Hersey para makilala niya ang presidente ng aming bansa at nang makilala rin siya nito bilang bodyguard ko.
“This is my first time, ang makapunta sa palasyo kung saan naninirahan ngayon si President Ferrara. Are you sure na hindi tayo magiging abala sa pagpunta rito? Look at them. Sa atin agad ang kanilang tingin.” I shrugged my shoulder. She’s so scared na baka makaistorbo nga talaga kami.
“Good morning, Senator Ferrara,” sabay-sabay na bati nila sa akin. Tumango lang ako bilang tugon at pumasok na sa loob. Nagpaiwan na si Red sa labas kaya kaming dalawa lang ni Hersey ang pumasok sa loob.
Malaki at malawak ang palasyo kaya tinatamad na rin akong i-describe ito isa-isa. Nagtungo ako sa office ni Dad. Nadatnan naman namin siya roon na simisimsim pa ng kape niya.
“Good morning, President Ferrara,” I greeted my father at mabilis naman siyang sumenyas sa amin upang makaupo na. Kaya hinila ko ang kasama ko at umupo na kami sa couch.
“No need to be formal, Miamor,” he said and stood up from his chair. He approached us too. He even stared at my bodyguard.
“Good morning, Sir President,” Hersey greeted him.
“Good morning and who...”
“She’s my new personal bodyguard, Father,” I said bago pa man niya maituloy ang sasabihin.
“Red is exempted. Dahil alam kong bata pa lamang kayong dalawa ay malapit na sa isa’t isa. You made her your secretary and driver at the same time. But she’s also your bodyguard and now...”
“Para po maiba,” sabi ko lang sa kanya.
“You hired a bodyguard and she’s a girl?” seryosong tanong nito sa akin. Isn’t it obvious?
“What’d wrong with that, Dad?” walang ganang tanong ko sa aking ama.
“There’s nothing wrong with that, honey,” he replied. Nakita ko ang gulat na gumuhit sa magandang mukha ni Hersey, dahil sa paglapit sa kanya ni Daddy. “You know me, already child, right? But I would like to introduce myself to my daughter’s bodyguard. I’m Mozer Ferrara. Nice meeting you,” Dad introduction.
“Hersey J-nea po, Sir President. Nice to meet you too,” Hersey politely said.
“You can go home now, Miamor,” aniya. Kung ganyan siya at maaga akong pinapauwi ay baka masyado rin siyang abala rito.
“Alright,” tipid na tugon ko lamang and I pulled Hersey’s arm again.
“Mauuna na po kami, Sir President!” paalam pa niya sa daddy ko. Hindi ko na rin naman na ginawa pa iyon dahil sanay naman si daddy sa ugali ko.
“Your father,” she suddenly uttered.
“Oh, dear. Stop, he’s a monster too,” I said with a laugh. Monster naman talaga ang aking ama.
Nasabi ko naman dati, hindi ba? Na isa siyang manipulator person at mahilig mangontrol ng buhay ng ibang tao. Kahit nga sarili nitong anak ay iyon din ang ginagawa pero dahil bumalik sa bansa si Mommy at nakipagbalikan ito sa kanya ay nabawasan naman ang pagiging monster niya kahit papaano.
At saka hindi ko lang sinadya na dahil doon si Hersey para makilala niya ang presidente namin. Kasi tumawag ito sa akin kanina. Na dumaan muna sa palasyo bago ako uuwi sa mansion.
“I’m hungry, Rosseane,” sabi ko at sinadya kong sambitin ang pangalawang pangalan ni Red. Nanlaki pa ang kanyang mga mata. Ngumisi lang ako sa kanya at pasimple naman siyang umirap.
“I need to go home, wala pa akong pahinga. Seriously,” aniya.
“Oh, okay. But after the lunch time, dear,” ani ko. We went to Amor restaurant.
“Ate Hersey!” tawag naman sa kanya ng isang... Oh, ang kanyang nag-iisang kapatid.
“What are you doing here, Jerhen?” tanong niya rito at lihim akong napangiti nang yumakap ito sa kanya. Masasabi ko na close silang magkapatid.
“May field trip kami, ate. Dumaan ako sa mansion--”
“P-Pumunta ka sa bahay namin, Jerhen? Alam mo ba ang pinagsasabi mo?” malamig na tanong niya at nahihiyang napakamot na lamang ito sa batok nito. Malaki ang pagkakahawig nilang dalawa kaya walang duda na magkapatid nga talaga silang dalawa.
“Okay, dear. Mag-usap na lang kayo ng brother mo,” ani ko para mabigyan ko na sila ng oras na makipag-bonding naman sa isa’t isa.
Ayon din sa mga nakalap kong information ay bihira lang silang nagkikita at nagkakasama-samang magkapatid.
“Miamor, pinapabalik ka ni President Ferrara sa palasyo,” pahayag naman sa akin ni Red at nagsalubong ang kilay ko sa narinig.
“Doon na tayo kanina at ano na naman kaya ang kailangan niya?”
***
“WHAT Dad? Ipagpapaliban mo muna ang botohan? Malapit na po ‘yon, ‘di ba? Why po?” nagtatakang tanong ko sa aking ama. Gusto niyang i-postpone ang voting at gagawin iyon one or two years from now.
“Hindi ba masyado pang maaga para pamunuan mo ang bansang ito, Miamor?” balik na tanong niya sa akin. Hindi ko siya maintindihan. Bakit naman niya sinasabi ito sa akin?
Bata pa lamang ako ay sinanay na niya ako sa ganitong uri ng trabaho. Tinuruan na niya ako agad kung paano pamunuan ang isang bansa. Kaya bakit tila wala na siyang tiwala ngayon sa akin? Nasaan na ang buong suporta niya para palitan ko na ang posisyon niya? Kahit may 50-50 percent pa iyon, ah.
Hindi pa naman kami nakasisiguro kung mananalo ba ako at ako naman ang uupo sa trono niya. Bakit biglang nagbago ang isip ko Dad ngayon? Ano ba ang nangyari?
“Father, kayo po ang nagtulak nito sa akin. Kayo po ang isa sa dahilan kung bakit sumunod ako sa yapak ninyo. Nagdududa na po ba kayo sa kakayahan ko, Dad?” seryosong tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at pinagsiklop ang mga daliri niya. Ipinatong niya roon ang kanyang baba.
“You’re my daughter, Miamor. Hindi ko pagdududahan ang kakayahan mo sa pamamalakad ng posisyon ko ngayon. Kilala kita at alam ko na ang isa sa mga katangian mo na hindi mo namana sa akin, na hindi mo nakuha maski sa iyong ina. Dahil natural na mayroon ka no’n,” umiiling na sabi niya.
“Kaya bakit po ninyo ipo-postpone, Dad? Nakahanda naman po ang lahat, ‘di ba? O baka natatakot lang kayo na baka hindi ako mananalo sa botohan? Father, marami na po akong nagawa ng mga bagay na tiyak mong makatutulong iyon sa akin in the near future. Nakuha ko na po ang loob ng mga taong iyon at alam ko...”
“Ang gusto ko lang ay maging mas matatag ka, to be stronger and if only possible to show yourself as a woman without weakness. Do it, para hindi ka nila husgahan na kung kaya mo ba ito. My daughter, it’s not easy to be the leader of this country, kung alam mo na maraming tao ang gustong ipabagsak ka at lalabanan ka pa ng hindi patas. I want you to be prepared at all times and aware of your surroundings. Don’t be careless and don’t give your trust to any man for nothing. Remember that you are the only hope of the nation. Hindi puwedeng mapunta sa isang sakim at korakot na tao ang posisyon ko. Kapag nangyari ang bagay na iyon ay alam mong pareho tayong mapapahamak.”
***
Napaisip pa rin ako sa mga sinabi sa akin ni Dad. Tila may mali. Parang may kinakatakutan siya pero hindi ko naman iyon mawari kung ano ba talaga.
(PRESENT)
Kaya nasunod ang postponed at dumating lang ang takdang oras ay ang handang-handa na rin siya na bitawan ang posisyon niya.
Umaasa pa rin naman siya na ako ang mananalo sa labanang ito at iyon din naman ang gusto kong mangyari. Bilang isang senator din ng bansa ay hindi ko naman maaatim na pamunuan kami ng isang korapsyon na tao at ang mamamayang Pilipino ang masasaktan at magdurusa.
“I wonder kung sino ang biological father ni Amor." Boses iyon ni Xena kaya napatingin ako sa gawi niya. Pinagtaasan niya ako ng kilay kaya umirap lang ako sa huli.
“Hindi mo na iyon problema pa, Atty. Xena,” sabi ko.
“Hindi ako attorney ngayon. Isa lang naman akong bodyguard ng senator at nag-iisang anak ni President Ferrara,” maarteng sambit niya.
Hindi ko rin naman gusto na ilihim sa kanila ang anak ko at isa pa... Hays, alam kong gumaya rin sila sa akin! Nagpaimbestiga rin sila tungkol sa akin kaya nalaman nila na hindi ko lang kapatid si Meriah Amor. Na anak ko talaga iyon and I’m proud of it.
No wonder din na gagawin iyon ng attorney na ito. Ang alam ko rin ay kagustuhan ng Papa niya na bantayan ako all the time.