CHAPTER 14

2113 คำ
Chapter 14: Doctor’s help “GO BACK to the hospital, Miamor,” utos sa akin ng Daddy ko. Napamasahe ako sa aking ilong. Iyon lang ang dahilan kaya niya ako pinatawag? Para lamang doon? Pero bakit pa ako babalik doon? “Father, nakabisita na po ako kahapon sa kanila. I even bought them a grocery right? Ano pa ho ba ang gagawin ko roon?” nagtatakang tanong ko. “Just do what I have told you, Miamor. Kailangan mo ‘yon,” giit niya sa akin. Napabuntonghininga na lamang ako. Alam ko na ang gusto niyang mangyari o ang kanyang tinutukoy. Utos na niya iyon kaya wala na akong magagawa pa kundi ang sumang-ayon na lang din sa gusto niyang gawin ko. Wala namang kaso ‘yon sa akin pero...nandoon mismo si Dr. Jaickel and one hundred percent na magtatagpo na naman ang landas namin. Posible pa rin ang bagay na iyon dahil mukhang sa section or ward ng mga biktima ng sunog siya naka-assigned. Kung sana ay hindi na lang niya ako naalala pa, ‘no? That’s good...but... “Okay po, Dad. I’ll go there,” I said and I turned my back from him when I heard my daughter’s voice. “Momma!” Mabilis akong lumapit sa kanya nang makitang may balak pa siyang lapitan ako. Hindi pa nga siya nakapaglalakad na mag-isa at walang umaalalay sa kanya. Pinangko ko siya at hinalikan sa pisngi. “What are you doing here, my Amor?” malambing na tanong ko sa kanya. Mahinang bumungisngis siya at yumakap sa leeg ko. She’s now three years old and I don’t think so kung paniniwalaan ko pa ba ang mga dating babysitter ng baby ko. Dahil sa hindi maayos niyang paglalakad pero nakikita ko pa rin sa kanya ang determinasyon na mas matuto pa kung paanong maglakad ng walang tulong ng iba. Sinusubukan naman niya iyon. Minsan nga ay kapag pinipigilan siya ay naiirita siya. Iiyak siya ng sobrang lakas at magdadabog. Mahirap siyang aluin na maski si Mommy ay hindi siya kayang patahanin. Kung wala lang ako sa tabi niya. Honestly speaking, mas madalas niyang kasama ang lola niya kaysa sa akin na Mommy niya. Pero parang alam niya rin na kung sino ang totoo niyang ina. “Wala ka naman sigurong gagawin ngayon, love?” “Uhm, why Mother?” tanong ko. “Tinawagan ko kanina si Red, na nandito ka sa palasyo kaya dumiretso na kami rito ni Meriah. May dadaluhan akong lunch meeting later with your Dad,” she said at mabilis na tiningnan ko si Daddy. “Father, hindi ko po puwedeng isama si Meriah sa hospital,” seryosong sabi ko at napatitig naman siya sa kanyang apo. Na tuwang-tuwa talaga ito nang makita ako at nakahilig na ang kanyang ulo sa balikat ko. “Dad...” “Alam mong hindi na namin makukuha pa si Meriah kapag nakita ka na niya,” sabi niya na ikinabahala ko lalo. “Daddy, isama niyo na lang po sa inyo si Amor. Mapipilit ko po siya na sumama siya sa inyo,” giit ko at hinawakan ko ang balikat ng anak ko pero nagprotesta siya at umungot. “Naiingayan din siya kapag isasama namin siya somewhere, love,” ani Mommy. Pero desperado rin ako na huwag siyang isama sa akin ngayon. Hindi puwede. “Mom...” “Meyiah...wiyy come to Momma...” mahinang sambit ni Amor malapit sa tainga ko at inilapit niya talaga roon ang kanyang bibig para mas marinig ko siya. Na magbago na ang isip ko. Alam kong naiintindihan niya ang pinagsasabi ko na huwag siyang isama sa akin. “Baby...” “Meyiah come, Momma! I wiyy come with you!” I sighed. Alam na alam talaga niya kapag pinipilit ko siyang isama sa grandparents niya. “Hindi naman magiging abala sa ‘yo ang apo namin, anak. Kilala ng lahat na kapatid mo siya kaya wala tayong magiging problema tungkol doon,” paliwanag sa akin ni Mommy. Hindi naman iyon ang mas inaalala ko. Kasi ang pupuntahan ko ay hospital iyon, kung saan nandoon ang kanyang -- umiling ako at muling bumuntonghininga. “I’m just worried, Mother,” I just said. Nag-aalala ako na baka magtagpo ang kanilang landas. Iyon ang dapat kong hadlangan at hindi hahayaan... *** “Momma?” “Hmm?” tugon ko sa kanya nang inaayos ko ang suot niyang pink na jacket. Umaambon at hindi maganda ang panahon kaya alam kong malamig sa labas. “Pyetty Momma.” Napangiti ako sa sinabi niya at inabot pa ng maliliit niyang mga kamay ang aking pisngi. Matiim niya akong tinitigan. “And my Amor is cute,” I told her and kissed her head, lovingly. Pinasuot ko sa kanya ang pink na sumbrero niya at hinawi ko sa unahan ang kanyang buhok na lagpas balikat niya ang haba. “Amoy pyette...” She means to say, Amor pretty. “Of course, Amor is pretty,” sabi ko at napalakpak pa siya. “Sigurado kang hindi ka magpapasama sa amin, Senator? Ano pala ang silbi namin na bilang bodyguard mo?” seryosong tanong sa akin ni Xena. “Walang mangyayaring masama, Xena. Sa hospital lang kami magtutungo at kasama ko naman si Red. Kayong dalawa, lalo ka na, Xena ay alam kong ayaw mong magpunta roon, ‘di ba?” ani ko at bumuntonghininga lamang siya. Doon din sa hospital na ‘yon nagtatarabaho ang asawa niya. “Puwede naman kaming maghintay sa inyo sa labas ng hospital kahit hindi na kami sumama pa sa loob,” ani Hersey. “Kung magmamatigas kayo ay iiwan ko rin sa inyo si Red,” utas ko. “It’s up to you then,” pagsuko nilang dalawa. “Tawagan mo lang kami kapag may nangyaring hindi maganda,” ani Xena. I nodded my head. “Okay,” tipid na sagot ko lamang sa kanila. Maingat kong isinakay si Meriah sa kotse at pinaupo ko na lang siya sa lap ko habang nayakap din siya sa akin. Hawak niya ang paborito niyang baby doll na nakasuot pa ng doctor’s robe. Kahit hindi naman ‘yon para sa doll niya ay sinubukan pa rin niyang ipasuot iyon. Tila gusto niya lang na makitang suot-suot mismo ng laruan niya ang puting kasuotan na ito. Ayoko lang mag-isip na baka dahil ito sa daddy niyang doctor. Kung maaari lang ay huwag na silang magkita pa at hayaan na lamang sila ng tadhana na huwag nang paglapitin pa sa isa’t isa. Okay na ang buhay ng anak ko kahit wala na siyang kinikilalang ama. Kaya kong ibigay ang lahat para sa kanya. Huwag niya lang hilingin sa akin na makilala niya ang Daddy niya. Dahil iyon ang huling bagay na gagawin ko. “Yed...” “What is it, young miss?” tanong ni Red, ‘yon lang talaga ang tawag niya kay Red. Naging ‘Y’ lang ang ‘R’ nito. “Nothing, Yed,” sagot lang ng anak ko at napahalakhak ako. I caressed her hair and kissed her nose. “Tinawag mo lang na ganoon si Red? Just Yed, my Amor?” “Hmm,” tugon niya at marahan na tumango. “Let’s go, Red. Ang dala nating pasalubong para sa mga pasyente?” I asked her. “Handa na ang lahat,” sagot niya lang. *** “MAUNA na kayong pumasok, Miamor. I know you can handle yourself,” she said. “Nasa hospital naman tayo. Walang magtatangka sa buhay ko at huwag mismo ngayon na kasama ko pa ang baby ko,” sabi ko na agad niya akong sinita. Nagkibit-balikat ako. Hindi ako takot na baka may makaaalam tungkol kay Meriah Amor. Ipagmamalaki ko pa siya sa mundo na anak ko siya pero... dahil masunurin ako ngayon at ayoko namang i-disappoint si Dad ay tatahimik muna ako. At sa mga sinabi noon sa akin ni Daddy ay totoong magdudusa lang ang buong sambayanan ng Pilipino kapag nanalo mismo ang kabilang party. Paanong nalaman namin na ganoong klaseng tao pala ang kalaban ko, namin? Of course with the help of Xena’s father. Isa rin siya sa tumututol na manalo ang taong ‘yon. “Momma.” Itinuro ni Meriah ang payong na hawak ko. Gusto niya yata na siya ang humawak no’n. Ang kulit talaga ng baby na ‘to. I guided her to got off from the car at natuwa pa siya nang makita ang tubig sa sementado. Bago pa man siya makaapak no’n ay mabilis ko na siyang binuhat. Napasimangot siya at tumulis ang kanyang labi. Hinalikan ko iyon at natawa na lamang siya sa ginawa ko. “Momma will never let you to do that, honey,” I said. Masyado nga akong maingat when it comes to my daughter. “That’s dirty,” I added and I heard her sighed. Na akala mo naman ay may ginawa ako na hindi niya nagustuhan. May kasama pa rin naman kami sa pagpasok dahil nakasunod na sa amin ang dalawang tauhan ko. Nakilala naman ako ng halos lahat ng staff ng hospital at pati na rin ang mga doctor kaya isa-isa akong nakatanggap nang pagbati sa kanilang lahat. I appreciated that. “Haya...” narinig kong sambit ng baby ko at pabaling-baling na ang kanyang ulo. Humigpit ang yakap niya sa leeg ko. Isa ito sa nalaman ko na pinakaayaw niya sa lugar na maraming tao. Mas gusto niya ang tahimik at wala siyang makasasalamuha na kahit sinong tao. Kaya hindi na siya isinama pa ng Lola niya dahil sa pagiging choosy niya. I understand my daughter, ganito rin naman daw ako noon, ang sabi sa akin ni Mommy. Pero dahil din kay Dad ay nasanay na rin ako sa maraming tao ang nakauusap ko. Ayoko rin namang pilitin ang anak ko na masanay sa kinalakihan ko ngayon kaya ingat na ingat din talaga ako sa kanya. “Good morning, Senator Ferrara. Nandito po kayo ulit!” Hindi ko siya matandaan pero sigurado ako na isa rin siya sa biktima ng sunog. Dahil naka-wheelchair lamang siya at may cast pa ang magkabilang braso niya. Isang nurse rin ang nasa likuran niya para alalayan siya. Sumiksik si Meriah sa leeg ko para lamang itago ang mukha niya sa mga ito. Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. “Magandang araw rin po. Kumusta po kayo?” magalang na tanong ko sa ginang. “Maayos na po ang pakiramdam ko, Senator. Maraming salamat po pala sa grocery na dala niyo kahapon. Napakabuti po ninyo sa amin at pati na rin po ang doctor na umasikaso sa amin. Siya po ang nagbayad ng bills naming lahat. Ang lambing tulong niyo po talaga sa amin,” her statement and I looked at my bodyguard. “Ano’ng ibig niyang sabihin?” mahinang tanong ko. Ang tinutukoy ko ay sinabi ng ginang ngayon. “Ang alam ko rin po, Senator Ferrara. Si Ma’am Red po ang nagbayad ng bills nila kahapon. Nakatanggap din po siya ng receipt,” sagot niya sa akin na ikinakunot ng aking noo. Baka iba lang ang nalaman nila? Kami ang nagbayad ng mga bills nila pero paanong sa ibang tao nila malalaman na iyon nga ang nag-charge sa bills nila? Sino naman ang doctor na ‘yon? “Ganoon po ba? Mabuti po ‘yon, ginang,” sabi ko at binabaliwala ko na lamang ang sinabi niya. Walang kaso sa akin kahit hindi malaman ng lahat na ako ang tumutulong sa kanila. Dahil bukal naman sa kalooban ko ang tulungan ang mga taong na ganito ang kanilang sitwasyon. “Kung hindi lang po namin siya kilala bilang doktor, Senator ay baka iisipin din namin na isa siya sa tatakbo sa pulitika. Ang galing niya rin pong magsalita at kuhang-kuha niya po talaga kami, eh,” pahayag pa niya at may ngiti pa sa labi niya. Base pa lang sa ekspresyon na ipinapakita niya sa akin ay alam kong sobra silang natutuwa sa doctor na ‘yon. “Bakit po?” tanong ko. Nasa boses ko ang curiosity. “Ang dami niya rin pong bigay na grocery para sa amin. Nagbiro pa po siya na siya ang kilalanin naming lahat. Kaya napatanong po kaming lahat sa kanya kung doktor ba siya o tatakbo bilang presidente?” natatawang saad niya at pekeng ngumiti na lamang ako. Interesado akong malaman kung sino nga ba ang doctor na tumutulong sa kanila. Bakit niya kami pinapangunahan? Bakit niya ito ginagawa? Bakit nagsasayang siya ng pera para lang gastusan ang mga taong hindi naman niya kilala? Mas nauna kaya siyang tumulong kaysa sa aming lahat? Binalingan ko naman ang kasama ko at sinenyasan siya. “Mauuna na po kami, Ma’am,” paalam ng isang tauhan ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม