Chapter 15: Meeting the president
“GOOD morning, Senator Ferrara. Nandito po kayo ulit!” Hindi ko siya matandaan pero sigurado ako na isa rin siya sa biktima ng sunog. Dahil naka-wheelchair lamang siya at may cast pa ang magkabilang braso niya. Isang nurse rin ang nasa likuran niya para alalayan siya.
Sumiksik si Meriah sa leeg ko para lamang itago ang mukha niya sa mga ito. Hinagod ko ang likod niya para pakalmahin siya. Pinakaayaw niya talaga ang ganito. Ayay...
“Magandang araw rin po. Kumusta po kayo?” magalang na tanong ko sa ginang at sinulyapan pa niya ang anak ko.
“Maayos na po ang pakiramdam ko, Senator. Maraming salamat po pala sa grocery na dala niyo kahapon. Napakabuti po ninyo sa amin at pati na rin po ang doctor na umasikaso sa amin. Siya po ang nagbayad ng bills naming lahat. Ang lambing tulong niyo po talaga sa amin,” her statement and I looked at my bodyguard.
“Ano’ng ibig niyang sabihin?” mahinang tanong ko. Ang tinutukoy ko ay sinabi ng ginang ngayon.
“Ang alam ko rin po, Senator Ferrara. Si Ma’am Red po ang nagbayad ng bills nila kahapon. Nakatanggap din po siya ng receipt,” sagot niya sa akin na ikinakunot ng aking noo.
Baka iba lang ang nalaman nila? Kami ang nagbayad ng mga bills nila pero paanong sa ibang tao nila malalaman na iyon nga ang nag-charge sa bills nila? Sino naman ang doctor na ‘yon?
“Ganoon po ba? Mabuti po ‘yon, ginang,” sabi ko at binabaliwala ko na lamang ang sinabi niya.
Walang kaso sa akin kahit hindi malaman ng lahat na ako ang tumutulong sa kanila. Dahil bukal naman sa kalooban ko ang tulungan ang mga taong na ganito ang kanilang sitwasyon.
“Kung hindi lang po namin siya kilala bilang doktor, Senator ay baka iisipin din namin na isa siya sa tatakbo sa pulitika. Ang galing niya rin pong magsalita at kuhang-kuha niya po talaga kami, eh,” pahayag pa niya at may ngiti pa sa labi niya. Base pa lang sa ekspresyon na ipinapakita niya sa akin ay alam kong sobra silang natutuwa sa doctor na ‘yon.
“Bakit po?” tanong ko. Nasa boses ko ang curiosity.
“Ang dami niya rin pong bigay na grocery para sa amin. Nagbiro pa po siya na siya ang kilalanin naming lahat. Kaya napatanong po kaming lahat sa kanya kung doktor ba siya o tatakbo bilang presidente?” natatawang saad niya at pekeng ngumiti na lamang ako.
Interesado akong malaman kung sino nga ba ang doctor na tumutulong sa kanila. Bakit niya kami pinapangunahan? Bakit niya ito ginagawa?
Bakit nagsasayang siya ng pera para lang gastusan ang mga taong hindi naman niya kilala? Mas nauna kaya siyang tumulong kaysa sa aming lahat?
Binalingan ko naman ang kasama ko at sinenyasan siya. “Mauuna na po kami, Ma’am,” paalam ng isang tauhan ko.
“BALIKAN niyo si Red at ang iba pa. Kami na ang magtutungo sa ward,” utos ko sa kanilang dalawa. Yumuko pa sila at mabilis naman silang sumunod sa akin.
Ibinaba ko si Meriah at hinawakan ang kamay niya, hindi naman siya bumitaw sa akin. Sumandal siya sa wall ng elevator at tumingin sa pintuan dahil nakikita niya roon ang sarili niya.
“Amoy! Momma dey!” tuwang-tuwang sabi pa niya na mahina ko lang tinawanan. She called her own name na parang sinasabi niya rin na nakita niya ang sarili niya at nandoon din ako.
Napatili pa siya sa gulat nang bumukas ang elevator at may pumasok na dalawang nurse roon. Nanlaki pa ang kanilang mga mata at magalang na binati rin nila ako.
“Ang ganda rin pala ng kapatid ni Senator Ferrara. Kamukha niya ang bata, ‘no? Ang cute.”
“Oo nga. Hindi ko inaasahan na malapit pala ang loob niya sa kanyang kapatid.”
“Isinama pa niya rito. Ang sweet,” narinig kong bulong nila na ikinangiti ko lamang.
“Momma?”
“Hmm?” malambing na tugon ko sa kanya at lumuhod ako para pantayan siya. Hawak-hawak niya ang laylayan ng suot niyang pink jacket. Mukhang naiirita na naman siya o baka naiinitan lang siya.
“Momma, hot.” Sabi ko na nga ba ay naiinitan na siya.
“Okay, sweety.” Binuksan ko lang ang zipper no’n. Narinig ko naman ang pagbukas ng elevator at lumabas din sila.
Napatingin ako sa floor na pupuntahan naming dalawa ni Meriah. Binuhat ko na ang baby ko nang makita ko na malapit na kami sa floor ng ward.
Nang makita naman nila ako ay agad silang napangiti at masaya talaga silang makita ako.
“Magandang umaga po, Senator. Araw-araw niyo po ba kami dadalawin?” naaaliw na tanong nila sa akin. Natatawang tumango naman ako. Binigyan pa nila ako ng upuan.
“Hala po, kasama niyo na ang kapatid niyo! Kahapon lang po namin siyang pinag-usapan at ngayon ay makikita na namin siya sa personal,” tuwang-tuwang sabi nila. I just smiled at them. Tinanggal ko naman ang sumbrero ni Meriah pero hinawakan niya ‘yon na tila ayaw niyang hubarin ko iyon sa kanya.
“Meriah?”
“No, Momma, no,” mariin na sabi niya at umiling pa sa akin. Nagbabanta ang paraan nang pagtingin niya sa akin.
Itinuro pa niya sa akin ang maliit na backpack niya. Kinuha ko naman ‘yon at napapansin ko ang tahimik na panonood nila sa amin.
Pagkabukas ko lang ng zipper ng bag niya ay inabot ng maliit niyang kamay ang isang pack ng facemask niya at ibinigay niya ‘yon sa akin.
“Meriah,” I uttered her name dahil nag-aalanganan ako na gawin ang gusto niya.
“Momma, now,” tila nag-uutos na saad pa niya and she even pointed her nose. She wants me to wear her facemask. Saan ba ‘tong nagmana at marunong na siyang magbanta, ha?
Bumuntonghininga ako at nahihiyang tumingin sa mga pasyente. “Pasensiya na po sa inaasal ng aking kapatid. Hindi po talaga siya sanay sa maraming tao na nakapaligid sa kanya. Mahiyain po siyang bata,” sincere na sabi ko sa kanila.
“Wala pong problema, Senator. Naiintindihan po namin siya.” Mabigat sa loob ko na gawin ito pero ayoko rin namang tanggihan pa ang anak ko kaya kinuha ko ang isa para isuot na ito sa kanya.
Nang magawa ko na rin ‘yon ay sumubsob na naman siya sa dibdib ko. Nagawa pa niyang hilahin ang suot kong coat para lamang takpan ang mukha niya.
Natatawa na lamang sa kanya ang mga pasyente dahil doon nalaman talaga nila na mahiyain nga ito. Na hindi lang talaga siya nandidiri sa paligid niya.
“Senator, nag-aalala na po kami. Baka hindi na po makahinga ang kapatid niyo,” nag-aalalang sabi nilang lahat.
Inayos ko ang pagkakandong kay Meriah at mahigpit talaga ang hawak niya sa coat ko. She doesn’t want to let go.
“She’ll be fine po,” ani ko at pilit kong pinapaharap sa kanila ang baby ko pero ayaw niya talaga. Umuungot siya sa iritasyon.
Dumating naman sina Red at napuno nang kasiyahan nila ang ward dahil sa nakitang pasalubong namin para sa kanilang lahat.
Nang umiyak naman ang batang babae na binuhat ko kahapon ay saka lang bumitaw si Meriah at siya na mismo ang nagkusang nagbaba ang facemask niya sa leeg. Namumula ang ilong niya at pawis na pawis na siya agad. Pinunasan ko ‘yon at tila may hinahanap talaga ang mga mata niya. She was panting too, because she’s out of breath.
Hanggang sa huminto ang tingin niya sa bata na ngayon ay pinapatahan na nito ng kanyang ina. Tiningala niya ako at may ngiti na sa labi niya.
“Baby?” tanong niya na tinanguan ko. “Down, Momma?” Tumango ulit ako at ibinaba ko na rin siya. Hinayaan ko siyang makalapit sa kabilang hospital bed. Natuwa sa kanya ang ina ng batang umiiyak dahil pinipilit niyang silipin ito. “Iyak siya?” inosenteng tanong nito. Napangiti ako.
“Gutom daw siya, young miss,” sabi sa kanya nito at napatango ang aking anak na parang naintindihan nga niya ang sinabi nito sa kanya.
“Miyk na siya,” aniya at itinuro ang dibdib ng babae kaya natawa ito sa kanya. “Amoy miyk Momma,” sabi nito at ako naman ang itinuro niya.
What she means is, nagmi-milk daw si Amor sa Momma niya, which is siya iyon. Mabuti na lamang ay hindi maayos ang pananalita niya at may pagkabulol pa kaya walang makaiintindi sa kanya. Kundi ang Momma niya lang.
“Matalinong bata ka, young miss,” papuri nito sa kanya.
“Yay, miyk na po siya...”
Napatingin naman ako kay Red nang nilapitan niya ako. “Bakit?” I asked her.
“Gusto kang kausapin ng presidente ng doctor.”
“Bakit daw?” curious na tanong ko pa. Ano naman ang dahilan at gusto akong kausapin no’n?
“Dahil ‘yon sa bills kahapon na tinanggihan nila,” she replied.
“Pero ‘di ba ay may natanggap ka na ng receipt na katibayan na tayo ang unang nagbayad ng bills?” naguguluhan kong tanong.
“Yes, pero gusto ka talagang kausapin,” sabi niya and I took a deep breath. Sinulyapan ko ang anak ko, nag-e-enjoy yata siya na kausapin ang bata at ang Mommy nito. Kaya balewala na sa kanya ang pagiging mainitin niya.
“Ikaw muna ang bahala sa anak ko, Red. Magpapasama naman ako sa kanila,” ani ko at pinasunod niya agad sa akin ang isa.
“Nasaan ang office ng president?” I asked one of my staff. She guided me to ride the elevator.
When we reached the exact floor of the president’s office, my staff knocked at the door in three times.
“Come in,” I heard someone uttered. Ako na ang pumihit ng doorknob at binuksan na ‘yon.
Napako agad ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa sofa at may katabi siyang isang babae na doctor din.
“Senator Ferrara, come in.” Inaasahan ko na matanda na talaga ang president ng hospital pero hindi, kasing edad ko lang ito at kilala ko pa.
Kilala ko naman ang owner nito pero nagulat pa ako na siya rin pala ang president dito.
“Good morning,” I greeted him, Dr. Lervin de Cervantes. Dude, he’s the best friend of Jaickel. Ang isa sa nahumaling kay Jillian noon.
Mabuti na lamang ay hindi nasira ang relationship nila ng best friend niya, dahil iisang babae lang ang minahal nila. I’m sure of that.
“Have a sit,” he said at gusto niya akong umupo sa sofa na kaharap ko pa ang dalawang doctor na kasama niya?