CHAPTER 16

2362 คำ
Chapter 16: The confrontation I REMAINED my dark expression as I sat down on the sofa at naramdaman ko agad ang dalawang pares ng mga mata niya na nakatingin agad sa akin pero hindi ko siya pinansin. Ni hindi ako sumulyap sa side nila. Dahil para saan pa? Hindi naman ako interesadong makilala pa sila. Isa lang sa pag-aaksaya ng oras. Umupo sa single-sofa si Dr. Lervin at doon ko itinutok ang atensyon ko sa kanya. Siya lang naman ang gusto akong makausap. Kaya bakit pagbibigyan ko pa ng oras ang dalawa niyang kasama? “What do you want, Dr. de Cervantes?” I asked him. “You still remember me,” he said casually and I glanced at his name on the table. I smirked. “I only read your name there, and you’re Dr. Lervin de Cervantes,” I said factly. He just cleared his throat. I don’t want him na ma-offend sa sinabi ko. Ayoko lang naman na aminin sa kanya na naaalala ko siya dahil ang ibig na sabihin din doon ay pati ang matalik niyang kaibigan ay kilala ko rin. “Anyway, kaya kita pinatawag dito ay para ibalik sa inyo ang pera. No need to pay the bills for the patients, Senator Ferrara, because it’s already settled,” he said at may inabot siyang sobre, inilapag niya iyon sa center table niya. Walang ganang tiningnan ko lamang ‘yon at inilipat ko ang tingin sa kanya. “That’s because may doctor kayo na nagbayad ng mga bills nila? Dr. Lervin, as far as I know ay kami ang naunang nagbayad--” “Ginagawa mo ‘to para makuha ang loob ng mga pasyenteng iyon, ‘di ba? Kaya mo sila sinusuhulan?” Nagpanting naman ang tainga ko sa narinig. Sinusuhulan ba kamo? Walang emosyon na tiningnan ko siya. Ang lakas ng loob niyang sabihin iyon sa akin. Sino siya para makialam sa bagay na ‘yon? “Excuse me? And who the hell are you?” malamig na tanong ko at binalingan ko ulit si Dr. Lervin. “I’m just the only one na kauusapin mo, may I right? What we have here, Dr. Lervin?” I asked him coldly. “As you remember this is Dr--” “I don’t,” mariin na sabat ko sa kanya. “I don’t know him, and even his name,” I said. “Okay... He’s Dr. Jaickel and Dra. Lucianne. Sila ang naka-assigned sa ward ng mga pasyente na biktima ng sunog. Sila ang nag-report sa akin nito,” he explained. “What is the reason kung bakit din sila nandito? And what’s report are you talking about?” I asked. Kahit confused pa ako ay hindi ko na ‘yon pinahalata pa sa kanila. “Don’t get me wrong, Senator Ferrara. Ginagawa ko ito hindi dahil isa sila sa doctor ng hospital ko. I did this because I am more concerned with our patients. Hindi nakabubuti sa kanila ang halos araw-araw na dalawin with good reliefs and I know, ginagawa mo rin ‘to dahil sa posisyon mo ngayon,” he said and I shrugged my shoulder. Iyon ba ang sa tingin niya na ginagawa ko kaya ako nandito ngayon sa harapan nilang lahat? “Dr. Lervin, dalawang araw lang akong nakabisita sa hospital niyo. Huwag mong sabihin na almost everyday and besides... Wala kayong pakialam sa katayuan ko ngayon, and also,” I blurted out and stood up from my chair. Hinagod ng aking tingin ang dalawang doctor niya na sa akin naman ang mga atensyon nito. Walang emosyon si Dr. Jaickel at wala rin akong idea kung ano ang tumatakbo ngayon sa utak niya. Isa ito sa kagustuhan niya, alam ko. Ayaw niya lang akong makita kaya pinagbabawal na niya akong puntahan pa ang mga pasyente. Ako rin naman. Ayoko na siyang makita pa. “Believe what do you want to believe but this is all I can say. Hindi kawalan ang hindi niyo pagboto sa akin bilang President’s candidate. But I did this not because sinusuhulan ko lang ang mga tao. Hindi pa naman ako masahol na tao at uhaw sa kapangyarihan,” mariin at may kalamigan na utas ko. “Nasa sa inyo pa rin ang desisyon kung sino ang gusto niyong maging presidente ng bansa,” dagdag pang saad ko. Sinenyasan ko ang aking kasama na kunin ang sobre sa table. “Gusto ko lang malaman kung sino ba ang doctor na tinutukoy nila na tumulong sa kanila na akala mo raw ay tatakbo sa politika,” nanunuyang wika ko, tumaas pa nang bahagya ang sulok ng labi ko. Halos hindi ako kumurap nang titigan ko si Dr. Lervin na pasimple lang tumingin sa kabilang side niya. Sinundan ko iyon nang tingin at napangisi na lamang ako. “Now I know, Dr. Lervin,” casual na sabi ko lang. “Wala akong sinabi na siya ang nagbayad ng bills--” “Wala rin akong sinabi na baka siya rin ang naisip ko na puwedeng magbayad ng bills at ibinalik lang sa akin ang pera ko. Pero kung siya nga.” Matapang na sinalubong ko ang malamig niyang mga mata. “I don’t understand kung bakit ikaw pa ang nagbayad no’n at pinapangunahan mo kami. Maiintindihan ko pa kung ang may-ari ng hospital na ito ang magbabayad, no... Kung libre ba sa mga katulad nila ang bills nila. Pero ikaw?” I laughed with no humor. “You got it wrong, Senator Ferrara. Kaming dalawa ang nagbayad ng bills at ginawa namin ‘yon para tigilan mo na ang mga pasyente--” I cut her off. Hindi naman siya ang kinakausap ko. “I’m not asking you that. Tell me, doctors. May galit ba kayo sa mga katulad ko kaya niyo ‘to ginagawa? Dahil kung mayroon ay baka maging sa presidente ng ating bansa ay ganoon din ang nararamdaman niyo. I’m his daughter,” sabi ko. Hindi ko intensyon na maging mayabang sa harapan nila at magpakilala bilang anak nga ng presidente namin sa bansa pero... “Thank you for this, Dr. Lervin. I’m a busy person and can I go out now?” “Okay, and thank you for spending your time with us,” he said. “Just you. Ikaw lang ang nai-consider ko na kinausap ko ngayon,” I said at lumabas na rin kami from that room. Napangisi na lamang ako sa malaman ko. Siya pa talaga? Ang doctor na ‘yon pa talaga ang nagbayad ng bills ng mga pasyente at mukhang kinakalaban pa niya ako. Mahinang natawa na lamang ako at pinindot ko ang button ng elevator. Bumukas din iyon at saka kami sumakay. Ngunit bago pa man magsara ang pintuan nang may kamay na ang humarang no’n. I rolled my eyes nang makilala ko ang taong iyon. Kahit ganoon pa man ay hindi pa rin ako nagpakita ng ekspresyon sa mukha. Nanatiling blangko pa rin at malamig pa rin ang tingin ko sa kanya. “What do you want?” malamig na tanong ko sa kanya. Itinaas niya ang hawak niyang pamilyar na pink backpack at humakbang ako palapit sa kanya. Kukunin ko na sana iyon mula sa kamay niya nang mabilis niyang iniwas ito mula sa akin. I greeted my teeth. Ano’ng ginagawa niya ngayon at pinaglalaruan niya ako? “Akin na,” matigas na sambit ko and I tried na kunin iyon from him. But dámn him! Bakit ayaw niyang ibigay sa akin?! Mariin na napapikit ako nang maramdaman ko ang pagsarado ng pintuan ng elevator sa likod ko. I crossed my arms and I looked at him with anger. “Ibibigay mo ba ‘yan sa akin o hindi?” naiinis kong tanong sa kanya. Ano ba ang trip niya ngayon? At bakit ko ba nakalimutan ang gamit ni Meriah at siya pa ang nagdala nito sa akin? “Dalawang linggo pa mananatili ang iilan sa kanila. Balak mo bang dalawin sila araw-araw para lamang makuha ang loob at simpatya nila sa ‘yo? Para iboto ka rin nila?” he mocked me. I almost laugh dahil sa sinabi niya. Problema niya ba ‘yon? Bakit nakikisawsaw siya? I pinched the bridge of my nose. “Dr...” Sinadya ko talaga na huwag bigkasin ang pangalan niya dahil binasa ko pa iyon sa nameplate niya. “Dr. Amero... Ano ba ang pakialam ko sa bagay na iyon? Isa ka lang doctor ng hospital na ito at wala kang pakialam sa ano man ang gusto kong gawin. Dahil hindi mo naman ako kaano-ano. Ni hindi tayo magkaibigan at hindi rin natin kilala ang isa’t isa.” “Ginagamit mo lamang ang mga tao para sa pansariling kapakanan mo,” malamig na saad niya. I stepped towards him at taas noong tinitigan ko siya. Inayos ko ang kurbata niya sa leeg at pinagpagan pa ang suot niyang doctor’s robe. Hindi naman siya nag-react sa ginawa ko dahil wala ng impact pa iyon sa kanya. Tss. “This is normal. Hindi ba, para iboto ka ng mga tao ay kailangan mo munang magpakilala sa kanila at gawin ang mga bagay na sa tingin mo ay ikabubuti ng pagpapatakbo mo sa pulitika? At para makilala ka ng lahat, dapat ay matunog ang pangalan mo. Pero kung mananatili ka lamang nakaupo at walang ginagawa. Paano ka mananalo sa labanang ito kung wala ka naman talagang ginagawa? Paano ka iboboto ng lahat kung hindi ka naman nila kilala bilang isang...hero? Dahil sa ‘yo kung bakit bumuti ang mga buhay nila, that’s what I mean about hero. Isa na ito sa gawain ng mga politician, dahil ano ba ang silbi ng rally kung hindi mo ipakikilala ang sarili mo sa kanila?” mahabang saad ko na may himig na pang-iinsulto pa. Hindi siya nakaimik at nanatili rin ang malamig na tingin niya sa akin. Napangisi ako nang makita ko ang paghigpit ng hawak niya sa backpack ng anak ko. Ang lakas ng loob niyang hawakan iyon. Ha! “Dr. Amero, hindi ka nga talaga bagay na maging politician. Dahil mangmang ka sa buhay ng politika. Mas bagay ka rito sa hospital...” ani ko at tumingin pa ako sa paligid. “Ang mahilig na makialam sa buhay ng iba at nagmagandang loob pang magbayad ng bills para lang...labanan ako.” Nakataas ang kilay na saad ko at dahil sa pagiging malapit ko sa kanya ay halos magdikit na ang mga tungki ng aming ilong. “Senator Ferrara and Dr. Jai?” Agad akong dumistansya nang marinig ko ang boses na ‘yon. Binalingan ko ang babae na sobrang tamis ang pagkakangiti niya. Pamilyar siya sa akin pero hindi ko siya matandaan. “Ikaw nga si Senator Ferrara. Hi, I’m a fan! Sure na ang one vote mo sa akin, Senator. Wew, ang ganda mo nga sa personal!” Napaatras pa ako nang hawakan niya ang mukha ko. Nailang ako sa ginawa niya. “Even,” narinig kong sabi ng baritonong boses. I looked at him. Pamilyar na naman siya sa akin. “Bakit kayo magkasama ni Dr. Jai? May namamagitan ba sa inyong dalawa?” curious niyang tanong at napataas ang kilay ko. Pero nang makita iyon ng lalaking ito ay tumikhim lang ako. “Hello. Nice meeting you,” nakangiting sabi ko at naglahad pa ako ng palad. Napangiwi pa ako nang mariin niyang hinawakan iyon. “Hala! I’m so happy na finally na-meet din kita! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataon na ito, right Taki?” “Even, stop it,” pagpipigil niya sa doctora. So, first name basis? Even ang tawag niya rito. Hindi kaya... Pero ano naman niya ang Dr. Lucianne na iyon? Bakit silang dalawa raw ang nagbayad ng bills? Ano naman ang status nila? At bakit ko tinatanong iyon? Ano naman ang pakialam ko sa kanila? Naalala ko na ikinasal pala sila ni Jillian, may asawa na siya. “It’s my honor...” I just said. “I’m Dra. Evenna Baudelaire and this is Dr. Taki O. Cheng, kilala mo naman si Dr. Jai. Pero... curious ako kung ano ba ang status niyong dalawa?” That’s my question, actually. “Nothing?” hindi siguradong sagot ko sa kanya. “Nothing lang? Nakita ko na may pinag-aagawan kayo kanina. Kung hindi ko lang kayo kilalang dalawa ay baka iisipin ko na mag-asawa kayo na may LQ lang. Kasi pinag-aagawan niyo nga ang pink na backpack ng anak niyo. Hala, ang cute naman! Kanino bang backpack ito?” Mariin na napikit ako at bayolenteng bumuntonghininga. “Even, halika na nga rito. Bakit ba nanggugulo ka sa kanila?” inis na tanong ng lalaki sa kanya at hinila siya sa braso. “Even, isa...” “Wait kang naman, Taki. Gusto kong titigan nang mabuti ang mukha niya. Ang magandang mukha nito ang nagpabaliw sa kaibigan natin,” makahulugang sabi niya na hindi ko masyadong naintindihan. “Evenna...” “Maganda nga talaga siya. Parang artista...o baka dinaig pa niya ang mga artista,” namamanghang sabi niya. “Senator Ferrara, I’m sorry for her behaviour,” Dr. Taki said. “That’s okay, Dr. Taki,” sabi ko at umiling. “Para sabihin ko po sa ‘yo, Senator Ferrara. Bagay na bagay kang maging isang presidente ng ating bansa. Kung mangyayari ‘yon ay isa ka sa pinakabatang president.” “Thank you,” nakangiting sabi ko at nagawa ko nang hablutin ang backpack ng anak ko pero hindi yata maayos ang zipper niya dahil nahulog sa sahig ang laman no’n. Halos magpadyak ako sa sobrang inis. Gusto ko nang umalis dito. Fvcking shet! Baka hinahanap na ako ni Meriah at makita pa siya ng lalaking ito! “Ay hala!” bulalas ng doctora at lumuhod ako para makuha ko ang mga gamit ng baby ko. May baby bottles din iyon, her baby powder at iba pang mga laruan niya. “May anak ka na pala, Senator?” Akala ko ba ay fan lang siya? Kaya bakit wala siyang alam? Dahil sa hindi ko pagsagot ay napatingin sa akin si Jaickel na ngayon ay nakaluhod na rin. “May anak ka na?” tanong niya sa akin dahilan na lumakas ang tambol sa dibdib ko.
อ่านฟรีสำหรับผู้ใช้งานใหม่
สแกนเพื่อดาวน์โหลดแอป
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    ผู้เขียน
  • chap_listสารบัญ
  • likeเพิ่ม