Tinitigan ko muna ang bangkay ng matagal, bakas sa muka niya ang gulat at takot bago mamatay. Muli kong naalala ang bangkay ng dalawa ko ding pinatay kaninang umaga. It took me minutes bago mag sink in sa utak ko kung anong ginawa ko maghapon.
"Gusto mong maging normal Nicky? Sino bang niloloko mo, ni hindi mo nga mapanindigan ang mga salita mo." Napangiti nalang ako ng mapait habang tinitignan ang malamig na katawan ng lalaking nasa harapan ko ngayon.
Hindi na ako nagtagal at muling bumalik kung saan namin iniwan sila Blaire. As for sa katawan ay iniwan ko nalang doon since I am confident na walang makikitang ebidensya ang mga pulis laban saakin sa oras na makita nila ang katawan.
Dahan dahan kong siniksik ang katawan ko sa isang sulok di kalayuan sa Scorpion gang na hanggang ngayon ay nakikipag basag ulo pa din.
"Pre tangina anong problema mo humiga ka nalang diyan kung hindi mo na kaya! Bakit ba pinipilit mo pa sarili mo, gusto mo na bang mamatay?" Balalas ni Ace habang paulit ulit na sinusuntok sa katawan ang lalaking animo'y walang nararamdaman na sakit. Kahit ilang beses siyang patumbahin ay paulit ulit pa din itong bumabangon na parang wala lang sakanya ang mga galos na natanggap.
Naalala kong muli ang sinabi ng lalaki saakin kanina, sinong mag aakala na aabot sa ganito kalala ang mga pinag gagawa ng pekeng Widowed Rose. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa kanya and I can't believe she is used my name and made deallings with big time drug trafficking. If she's someone who knew me, she should have known by now about my rules.
I have five absolute rules in the organization that even I the maker will be severely punished if not followed:
[1] The organization's insignia tattoo cannot be removed until the bearer's death.
[2] Never be involved in drugs trafficking, human trafficking, slavery, pornography, and other things not involved in our main goal- assassination.
[3] Real Names cannot be spoken inside a mission.
[4] Traitors found will be executed immediately;
[5] And those who mention my name should be ready to die.
"Nicky!"
"Hoy Nicky!"
"Nicky Pasamonte!!!"
I snapped ng marinig ko ang pagtawag nila saakin. Tapos na ang bangayan nila. Sinilip ko ang mga kalaban nila sa likod at hindi ko mapigilang matulala ng makita ang ginawa nila sa kanila.
"Sorry Nicky, after experiencing something like this two times in a row must be very shocking for you." Tinulungan akong makatayo ni Bernard mula sa pagkakasiksik ko sa sulok.
Yumuko ako at sinubukang pakalmahin ang sarili. My urge to kill someone is getting stronger. I tried to smile at them pero hindi ko mapigilang mag ngitngit sa galit.
"This is so you Nicky, ikaw lang ang tanging babaeng nakakangiti sa kabila ng lahat ng nakita mo ngayon." Pinagpag naman ni Ace ang mga alikabok na kumapit sa mga braso at hita ko.
Hindi ko sila binigyang pansin at nilapitan ang mga lalaking sama-samang itinali nila Ace. This would have been the best remedy to keep them on getting back on their feet and fight again if only they didn't f*****g use my pajamas as a rope! These Scorpion motherfuckers naghirap akong mag shopping para lang idamay nila sa laban at sirain.
"Hey by the way, how can you remain so calm kanina Nicky? You made everyone believe na you only care about the clothes but the truth, we know that you were buying us time to recover and get our own weapon." Nag thumbs up saakin si Ace, Miky at Bernard.
"You're welcome." Nagtitigan kami ni Blaire. He sneered at me pero nag iwas lang ako ng tingin at napakamot sa tuktok ng ilong ko. Although it was never my intention to save them, all I care was the things that I shopped.
Walang natirang matino sa mga pinamili ko bukod sa uniform na nabili ko kanina which is nailagay ko pa sa sasakyan ko bago nila ako dalhin dito.
"Nasaan si Fowler?" Malamig na sabi ni Blaire at hinablot ako sa braso. It was forceful at medyo nasaktan ako dahil ito yung side na may tahi ako.
Gumamit ako ng pwersa kaninang umaga ng lumaban ako sa dalawa, idagdag din ang ginawa ko sa leader ng mga kalaban kanina at malakas na pag hila saakin ni Blaire, tuluyan nang bumukas ang tahi ng balikat ko.
Naramdaman ko ang pagbuka ng sugat ko kaya napahawak ako sa balikat.
"Who the f**k is Fowler?" I answered back with a smile.
He is not convinced with my answer at hinila pa niya ako sa tabi at kinorner sa pader.
"I'm done with your bullshit Nicky, you kept on rubbing me in the wrong side. Hinayaan lang kita sa mga kalokong ginagawa mo sa university pero wag mong isipin na walang hangganan ang pasensya ko." Gigil niyang sabi.
"Blaire chill ka lang pre babae yang kausa-"
"Say another word Ace and you'll be sorry."
Muli niyang ibinaling ang tingin saakin, "Nakita kitang nakikipag usap kay Fowler kanina anong pinag usapan niyo? Nasaan na siya?"
"Hindi ko alam now, let me go." Sunubukan kong alisin ang mahigpit na kapit niya sa braso ko pero matigas ang ulo niya at nakipagmatigasan pa saakin.
"Wag mong subukin ang pasensya ko Nicky, nasaan si Fowler?"
"I told you hindi ko alam!" What is wrong with him? Naalog na ba ang ulo niya kakalaban kanina at nasiraan na ng bait? Lagi siyang masungit saakin pero hindi siya ganito ka agresibo to the point na wala na siyang pake kung nasasaktan ako.
"Where it Fowler?"
"I said where is Fowler?!" Hinawakan na niya ako sa magkabilang balikat at inalog ng malakas.
Ramdam ko na ang pag agos ng dugo sa sugat ko. Hmm this is quite intriguing no? Anong gusto niya kay Fowler? If I tell him that he is dead ano kayang magiging reaksyon niya? Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa kakaibang ugaling ipinapakita ngayon saakin ni Blaire.
Nabaling namang ang tingin ko sa kamay ko dahil may tumutulong mainit na likido sa dulo ng mga daliri ko. Sumama din ang tingin ni Blaire sa kamay ko at nakita ko medyo natauhan siya sa mga pinag gagagawa niya.
"Blaire I think you need some air." Inilayo ni Miky si Blaire saakin.
"Okay ka lang ba?" Nilapitan naman ako ni Ace at Bernard pero sinenyasan ko siyang wag lalapit muna saakin.
Iwinagsik ko ang kamay ko para matanggal ang dugong namumuo na sa kamay ko at pumulot ng damit na pwede kong pag punasan. This is nothing, hindi naman siya ganun kasakit.
"Gusto mo ba dahil ka nalang namin sa hospital? Mukang bumukas ule yung sugat mo kahapon." Naalalang sabi ni Ace, halata ang guilt sa mga muka nila.
"Wag kang mag alala hindi naman talaga ganun si Blaire. Its just, kailangan ni kasi si Fowler."
Tumalikod na ako dahil wala akong pake kung ano mang sasabihin nila. Ayaw kong maki alam sa mga problema nila, I have a lot of problems already ayaw ko ng madagdagan pa ito.
"Si Blaire, hinahanap niya si Widowed Rose."
Ilang metro na ang layo ko sa kanila pero natigilan ako sa paglalakad ng marinig ko ang pangalan ko. Oh? Why what does he want from me?
Naglakad ako pabalik sa kanila, "And?"
"I am not supposed to tell you this pero since member ka na namin I will tell you." Gusto kong magtaas ng kilay dahil sa sinabi ni Ace. Who the hell told you na member ako ng petty gang nila?
"Matagal na naming sinusubaybayan ang grupo nila Fowler, nalaman namin na naka transaction na niya si Widowed Rose. Kaya nandito kami ngayon dahil alam naming nandito din sila."
"So alam niyong I can be in danger pero sinama niyo pa din ako? Wow you guys are really selfish."
"But you're okay."
"And what if I am not?" Natahimik silang dalawa.
Napabuntong hinanga nalang ako dahil sa inasal nila. These guys, I knew it hindi ako magiging normal hangga't kasama ko sila.
"Who the f**k is Widowed Rose? Anong kailangan ni Blaire sakanya?" Muli kong tanong sa kanila.
"A-about that Nicky, I think if you want to know pwede mong tanungin kay Blaire. I don't think it would be right for us to tell you about that-"
Pinutol ko na ang sasabihin ni Ace dahil alam ko na kung saan ito patungo.
"Nevermind I don't want to know. I'm telling you this scorpions boys tandaan niyo, you involved me into your mess two times already. Make sure this is the last time."
Hmm now you got my curiosity Blaire Osven, what do you want from me?
Bumalik ako sa parking lot at nag pahinga sa loob ng sasakyan ko. Hindi na ako nag abalang linisan ang sugat ko dahil alam kong hindi rin yan titigil sa pag durugo. Uuwi nalang ang let my doctors do their job.