Masayang nakipaglaro si Chester sa ibang mga bata sa kiddie party ng pangalawang anak ni Drew. Ipinagdiwang ito sa isang fast food chain, sa pangalawang palapag nito para lang sa mga parties na kini-cater. Nakamasid ang dalaga sa kanyang anak habang kausap ang asawa ni Drew at si Sarita. Samantalang magkatumpok naman ang iba nilang mga kasamahan sa opisina at ilang mga kapamilya nina Drew at ng asawa nitong si Ana. The latter was petite, pretty, and fair-skinned. Matagal na ring kakilala niya. “Buti dumalo si Trevor ngayon at mukhang ang regalo niya ang pinakamahal na nakikita ko so far,” anang Ana habang kumakain ng cake. Napatingin siya rito. Napasulyap naman sa kanya si Sarita nang palihim. “Hindi ba siya uma-attend ng mga party?” tanong niya. “Ow? Kilala mo ang best friend ng asawa

