Hindi akalain ni Jesse na mag-e-enjoy siyang kasama si Trevor. Habang kausap ito ay parang mas lalo niya itong nakikilala. She discovered he had a good sense of humor. Matino ring kausap. Sa tingin niya ay hindi naman ito katulad ng kanyang unang impression na medyo mahangin ang dating. Kahit pa nga na todo ang hingi nito ng despensa noon sa gitna ng pedestrian lane. Ewan niya kung bakit iyon ang impression niya sa lalaki. Sumang-ayon naman siyang ihatid nitong pauwi sa bahay nang magdesisyon na siyang umuwi na sila. Pero hindi na ito tumuloy nang imbitahan niya sa loob. “It’s already late. I don’t want to impose. Maybe some other time?” anitong tila may nahihiyang ngiti nang tumanggi ito sabay kamot sa batok. Nakatitig naman ito sa kanya habang nakatayo sa may tabi niya dahil pinagbuksa

