Isang araw nalang bago ang kabilugan ng buwan kung saan tatapusin na ni Hale ang pinagsimulan ng pagkakahiwalay nila ni Samara sa loob ng anim na taon pero sa mga oras na ito walang ibang gagawin si Hale kundi ang alagaan at hindi iwan ang tabi ni Samara. Alam nyang mahirap para dito ang sitwasyon na walang maalala na kahit ano na kahit ang sariling katauhan ay hindi kilala pero tinulungan ni Hale na makilala ni Samara ang kanyang sarili. Tinutulungan din sya ng kanyang in ana ikinapagpapa-salamat ni Hale sa ina dahil kahit papaano ay gumagaan ang paligid ni Samara at unti-unting nawawala ang hiya na nararamdaman nito ng ipakilala nyang muli ang pamilya nya. Nasa garden sila ng mansion nila upang makapag-pahangin si Samara, kailangan pa nito ng pahinga upang tuluyan ng maging maayos an

