“I won’t let you kill me; I won’t let you touch me like how you killed my family. So, don’t come near to me!” Hindi nakalagaw si Hale sa mga sinabi ni Samara sa kanya, sa nakikita nya dito ay pinaglaruan na naman ni Maric ang isipan nito at kung ano-ano ang sinabing kasinungalingan tungkol sa kaniya. Parang tinatarak ng matulis na bagay ang puso ni Hale dahil sa nakikita nya sa mga mata ni Samara. Mas lalong nagliyab ang galit nya kay Maric na sa tingin nya ay tuwang-tuwa sa paglalaro nito sa kanila. “Mukhang siniraan ka sa magandang babae na ‘yan Santileces, mukhang babarilin ka talaga pag-lumapit ka sa kanya.” Kumentong pahayag ni Maki na hindi pinakinggan ni Hale dahil ang atensyon nya lang ay na kay Samara. “Ang mawala ka nga sa akin hindi ko na kaya eh ang patayin ka pa ka

