"Get the f*ck out in this tree, who the both are you?" tanong ng lalaking may hawak na armalite na nakatutok sa likuran ni Hale. Ngising itinaas ni Hale ang dalawa nyang kamay bago dahan-dahang nilingon ang mga nakahuli sa kanila na hindi inaalis ang pagkakatutok ng mga baril sa kanila ni Nile. Kung tutuusin ang kaya nilang magkapatid na patumbahin ang limang lalaki na nakahuli sa kanila kaya lang alam nya na parehas sila ng iniisip ni Nile nap ag-nakarinig ng ingay ang iba nilang mga kasama baka matunugan ni Maric na narito na sila at may mangyari pa kay Samara. Sa ngayon kailangan nilang maging ma-ingat. Nilingon ni Hale ang apat na kasamahan ng lalaking nasa harapan nya na nakatutok lahat kay Nile ang mga hawak nilang mga baril na hindi nya nagustuhan. “Oi, don’t point all y

