Kahit kailan ay hindi naging maganda ang pakiramdam ko sa mga ganitong klase ng babae. Nakasuot ito ng white long sleeve at nakatuck-in naman ang skirt niyang sobrang ikli. Nakasandal pa ng sobrang taas ng heels. Kung gaano kakapal ang mukha niyang pumunta dito ay ganun din kakapal ng make up niya. Kasing kapal ng semento pinantatapal sa mga pader para kuminis. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at inismiran ako. "Takot?" pagmamataas niya. Malawak na ngumisi ito. Sinara ko ang pinto at hinarap ko siya. "Bakit naman ako matatakot sayo kung sa una palang ikaw itong laging habol ng habol sakanya. Understood naman na siguro sayo na wala na ngang gusto ang tao sayo, pinagsisiksikan mo pa ang sarili? Hindi ba mas nakakabahala iyon?" biglang nagseryoso ang mukha niya. "Anong ikakabahala

