Carmella POV "Nasa Manila din po ba ang mama ko ate?" Napalingon ako kay Kiko ng marinig ang tanong niya sa akin. Noong isang araw ay dumalaw sila Sir Bryan dito sa bahay kasama ang kaibigan niyang Aljo daw ang pangalan. Pinakay nila si Kiko at sinabi sa akin na kilala at kaibigan nila ang ina at ama ni Kiko at tanging ang ina nalang ang nabubuhay ngayon. May kapatid din daw itong babae at dalawang taon ang agwat nila. Hindi na nagulat si Kiko sa nalaman dahil pagkatapos palang ng nangyari kay Attorney ay sinabi ko na dahil alam kong dadagsa ang katanungan sa isip niya. Malugod niyang tinanggap iyon pero hindi parin nawala ang takot niyang ibigay ko siya sa tunay niyang magulang. Gusto ko rin na huwag siyang ibigay pero naisip ko rin ang galak nilang makita si Kiko lalo na at alam nil

