I can feel his intense gaze towards me so I acted as if I am alone. Tahimik kong sinisimsim ang kapeng inorder ko at hindi siya tinitingnan.
"Eroina," tawag nito sa pangalan ko. Tiningnan ko siya saglit at umiwas din kaagad ng tiningin. "Are you avoiding me? Don't you want me around?" tanong nito sa akin kaya nagulat ako. Paano niya nahalatang hindi ako komportable sa presensya niya?
Mygad, Eroina. Parang kagabi lang ini-stalk ko siya tapos ngayon nandito na siya sa harapan ko. You are waiting for this moment, right? Tapos ngayon mag-iinarte ka?
"H-Hindi ah. Naninibago lang siguro ako kasi ang tagal na noong huli tayong hindi nagkita." naiilang na sagot ko sa kanya. Marahan itong tumango at ngumiti sa akin.
Tangina, ang lakas naman ng loob mo na ngumiti sa akin! Huwag ganyan, marupok ako.
"Kamusta ka na?" tanong nito sa akin. I shrugged my shoulders before giving him a small smile.
Kamusta na nga ba ako? For a long time, hindi ko na rin alam kung okay lang ba ako o kung masaya ba ako. What I know was that I am living and surviving everyday.
"I'm fine," simpleng sagot ko sa kanya. "How about you? I've heard about your veterinary clinic last month." nakangiting sabi ko sa kanya. Mabilis namang gumuhit ang isang ngiti sa labi nito at tumango.
That was his dream for a long time. Alam kong kahit hindi 'yon ang pinu-pursue niya noong college kami ay talagang tinupad niya ang pangarap niyang magkaroon ng sariling vet clinic.
"Well, i'm so happy that finally I made something that I really want." masayang sagot nito sa akin. His eyes even sparkled while telling me those.
Sana kaya ko ring ngumiti ng ganyan.
"That's good. I know you really want it." sagot ko sa kanya bago kumain ng piraso ng cake na inorder ko. "Oh s**t!" mahinang singhal ko nang mahulog sa suot kong bestida ang cake na dapat ay isusubo ko.
"Pfft. Still the clumsy, Eroina." tumatawang sabi ni Niall habang nakatingin ito sa akin. Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya pinigil niya ang tawa niya. "f**k, i'm sorry. I just still remember that day." nakangiti na lamang ito habang sinasabi niya iyon sa akin.
Nag-iwas ako ng tingin dito dahil sa sinabi niya. Tama bang ungkatin pa iyon? Inabala ko na lamang ang sarili sa pagpupunas ng bestida ko.
"Kaasar naman eh, ayaw na matanggal." nakangusong bulong ko bago nangalumbaba. Doon ay nakita kong nakatitig pa rin sa akin si Niall.
Bakit ba ang hilig tumitig nito?
"Stop pouting. You're not a kiddo anymore, let's go." naiiling na sabi nito bago ako hinawakan sa pulsuhan.
"Saan tayo pupunta? Dumi ng damit ko oh." nakakunot-noong tanong ko sa kanya. Nagkibit-balikat lamang ito at hinawakan ang kamay ko.
"Basta," nakangising sagot nito sa akin bago ako tuluyang hinila patayo.
NAGLALAKAD kami sa loob ng Forever 21 at kanina pa siya tinutunaw sa tingin ng saleslady na nakasunod sa amin. Kanina pa ako naiirita rito pero alangang mag-inarte ako. Like duh?
Ate, hindi kami magnanakaw tsaka tigilan mo kakatitig sa katabi ko.
Ito namang si Niall ay parang walang pakialam. Tingin lang nang tingin sa mga damit na naroon at itatapat sa akin na para bang tinitingnan kung bagay ba sa akin ang kinukuha niya.
"What do you want among these two? I know you're not comfortable with that so let's buy you a new one." sabi nito sa akin habang may hawak na dalawang magkaibang bestida.
On his left hand was a plain sleeveless dress that was color beige and on his right, was a navy blue dress.
"Parehas namang maganda eh." nakangusong sagot ko sa kanya. He looked at me and then at the saleslady beside us.
"Which one will make her the prettiest?" inosenteng tanong nito sa saleslady. Nanlaki naman ang mata ko kaya sinipa ko siya ng mahina sa paa. "What? Oh I forgot, you are already the prettiest. Bilhin na nga lang natin parehas." he chuckled. Nag-init naman ang pisngi ko kaya kinurot ko na siya sa tagiliran niya.
Ano bang pinagsasabi ng isang 'to? I'm not naive kaya alam kong kanina pa may kakaiba sa kinikilos niya. Ang hindi ko lang alam ay bakit?
Agad na dumiretso si Niall sa counter at matapos itong bayaran ay pinagpalit niya na rin ako sa fitting room. I chose to wear the color beige dress because it looks pretty good. I felt relieved after wearing the new dress.
Paglabas ko ng fitting room ay seryosong nagtitipa si Niall sa cellphone niya. Sinundot ko ang noo nitong nakakunot kaya napatingin siya sa akin.
"Let's go home now." sabi ko rito ng hindi siya magsalita. Lalong kumunot ang noo nito sa akin. "What?" naaasar na tanong ko sa kanya.
"Who said we are going home?" tanong nito habang nilalagay sa bulsa ng pantalon niya ang cellphone niya. "We are going to a date, hmm?" nakangising sagot nito sa akin bago ako kinindatan.
WE ARE now watching the remake of If Only in cinema and I can't stop myself from crying. Ilang beses ko na itong napanood ngunit 'yong sakit ng pelikulang ito ay ganoon pa rin.
"Seriously, Yats? Ilang beses na natin napanood ang pelikulang 'yan naiyak ka pa rin?" naiiling na sabi nito sa akin bago ipinunas sa mukha ko ang panyo niya. Siminghot pa ako bago ngumuso.
"Eh sa nakakaiyak kaya. Lagi na lang ganon 'yong mga tao, kung kailan huli na ang lahat tsaka magsisisi." malungkot na sagot ko sa kanya habang patuloy na umiiyak. Tumigil ito sa kanyang ginagawa at malamlam ang mga matang tumitig sa akin.
His eyes were telling me a lot of things that I can't name.
"You're right, and that is hell, Yna." makahulugang sagot nito sa akin. Umayos ako ng upo when his phone starts ringing. Hindi niya ito pinansin at pinatuloy ang pagtitig sa akin.
"Hey, answer that." sabi ko sa kanya dahil nakakaagaw pansin na ang tunog mg cellphone niya. Kinuha niya ito sa bulsa niya at pinatay lamang ito.
"Bakit 'di mo sinagot?" nagtatakang tanong ko sa kanya. Ngumiti lamang ito at ginulo ang buhok ko.
"I'm with you right now," seryosong sagot nito na nagpalakas ng t***k sa puso ko. "No one should interrupt it so..." dagdag nito bago hinawakan ang kamay ko na nasa hita ko.
Damn you, Fossler!