Nang dumating ang alas-sais ng hapon ay napagpasyahan kong pumunta muna sa Café Bellas na malapit sa dati kong paaralan. Bigla ko lang naisipang mag-unwind sa dati naming tambayan since I was in a one week leave from work.
The relaxing music inside the café is the first thing who welcomes me. Sumunod ay ang amoy ng kape na sobrang namiss ko dahil mahigit limang buwan na simula ng bumalik ako rito.
Iniikot ko ang tingin ko sa loob ng café at napansin na maraming estudyante ang gumagawa ng kanilang school works habang nakatambay dito.
I smiled upon seeing such view because I used to do that also.
"Miss Yna! Buti nakabalik po kayo. What's your order po? Ganon pa rin ba?" masayang bati sa akin ni Alice, ang matagal na nilang cashier dito.
"Namiss ko rito sa Bellas eh," masayang sabi ko. "And yes, same pa rin order ko. Please add Yema Cake on my order." nakangiti kong sagot sa tanong nito.
"Sure, ma'am. We will just serve it after ten minutes."
Matapos magbayad ay pumunta ako sa ikalawang palapag ng café at tinungo ang lamesa kung saan kami laging umuupo pag napunta kami rito noon. It was placed on the balcony.
Before I totally opened the glass door, I saw a figure of man drinking his coffee while looking at the sunset. As I looked closer, my heart starts to beat faster which I thought I will never feel again.
Those features of the man were very familiar to me. He was very familiar to my heart that it seems like it was finally home after a long time.
I was about to step back before he saw me but he moves his gaze towards me. And there, I can't take my eyes off him.
TINATAPOS ko ang case study at action research ko ng maisipan kong pumunta sa bagong gawang café sa labas ng university. Hindi ko alam kung bakit kailangang pagsabay-sabayin ng mga professors namin ang mga requirements. Ayaw ata kaming maka-graduate eh.
Gigil nila bangs ko!
"A capucinno and cheesecake for me, thank you." matapos ko magbayad ay humanap ako ng maaliwalas na pwesto at walang gaanong tao upang makapag-isip ako.
Narating ko ang second floor nila at naagaw agad ng pansin ko ang isang lamesa sa labas ng biranda kung saan napapalibutan ito ng mga bulaklak.
"Sunflowers," mahinang usal ko habang palapit doon.
It was so mesmerizing. Pagkaupo ko pa lamang ay kinuha ko na agad ang Canon EOS 6D Mark II sa bag ko na lagi kong dala upang kumuha ng litrato. Photography was one of my hobby and it gives me the satisfaction every time I took photos.
Sobrang ganda ng pwestong ito ng café dahil mula sa pwesto ko ay makikita ang dalawang malaking paaralan ng Xanfield at Morsetell at ang mga maliliit na store beside those two. Sobrang relaxing din ng hangin dahil sa mga bulaklak na nasa veranda.
"Okay, Yna, you can start doing your work now." pag-momotivate ko sa sarili ko bago inumpisahang mag-type sa laptop na kaharap ko.
Mabilis na dumating ang aking order kaya habang ginagawa ang mga dapat kong gawin ay inumpisahan ko ang pagkain nito but unfortunately, sa sobrang clumsy ko nahulog ito sa suot kong uniform.
"s**t! Sobrang clumsy, Eroina. May klase ka pa mamaya!" naiinis na singhal ko sa sarili ko habang pinupunasan ng wet wipes ang palda ko.
"Oh, that's a mess. I don't think that will be removed on your skirt, Miss Ceres. Gusto mo bang ihiram kita ng palda?" I heard someone said. I looked for that person and that certain person was the soccer player from Morsetell.
How the hell did he knew my name?
"Paano mo nalaman ang pangalan ko ha?" tanong ko habang nakaturo sa kanya. "And how will you borrow a skirt from Xanfield ha?" nakataas ang kilay ko ng tanong bago humalukipkip.
"Minamaliit mo kasi ako masyado, Eroina Ceres. I told you I am Nialliv Fossler." maangas na sagot nito sa akin habang tumataas-baba pa ang mga kilay. Yabang!
"Pakialam ko kung sino ka?" nang-aasar na tanong ko sa kanya. Nakita ko naman ang paghawak nito sa kanyang dibdib at umaktong parang nasaktan sa sinabi ko.
Ang gwapo-gwapo tapos parang tanga umasta.
Wait, what the hell am I talking about? Weird.
"Sinasaktan mo talaga nararamdaman ko. Ihihiram na nga kita ng palda sa kaibigan ko eh. Sigurado akong maraming extra palda 'yon." malungkot na sagot nito sa akin. Napataas ang kilay ko dahil sa sinabi niya.
"Ewan ko sa'yo. No, thanks baka kung ano pang hingiin mong kapalit." sagot ko sa kanya at hindi na siya pinansin. At dahil mukhang may lahing makulit ang lalaking 'to umupo siya sa upuang nasa harapan ko at ramdam kong tinititigan niya ako.
"Wala naman akong hihingiing kapalit. Besides, I know you can't come to school with that situation. Isang date lang naman kapalit." nakangiting sabi nito sa akin. Napatitig ako sa mukha niyang 'yon dahil ngayon ko lang naman siya nakitang nakangiti.
Napairap ako sa hangin bago sumagot. Talagang hindi ako papasok kung ganito kadumi ang skirt ko. I won't let anyone see me like this, so dirty!
"Fine, just help me on this one." napipilitang sagot ko sa kanya. Napapalakpak naman ito at tumango.
Mas lalong naging kaaya-aya ang itsura niya ng ngumiti siya lalo. I shrugged my shoulders from that thought. Masyado ko nang pinupuri ang lalaking ito.
"So, let's go to my friend." aya nito sa akin bago tumayo. Inayos ko naman ang mga gamit ko at sumunod na sa kanya.
Ang isang date na sinabi ni Niall ay nasundan pa ng ilang beses dahil sa kakulitan niya.
BAGO pa makatayo si Niall at lumapit sa akin ay dali-dali ko na siyang tinalikuran at naglakad palayo sa kanya.
"Eroina, wait." Dinig kong tawag niya sa akin kaya binilisan ko lalo ang paglalakad. "Yats, please..."
Doon ay napatigil ako sa paglalakad ko. That endearment still has the power over me. It can still make my heart crazy hearing it coming from his lips.
Dahan-dahan ko siyang nilingon at ngumiti.
"Hi, Niall."