Kanina pa nag-i-scan ng mga aplikante si Justine sa pribado niyang opisina sa isang malaking tower sa Diliman, Quezon City. Maraming kabataan ang gustong maging modelo. Natutuwa naman sya dahil nakakatulong siya sa mga kabataan na ang gusto ay makatulong sa pamilya gamit ang magandang mukha at katawan. Ilang modelo na rin ang gumanda ang buhay dahil sa tulong niya. Isa ang kompanya niya sa mga sikat na modeling agency sa Pilipinas na minana niya sa dating kasosyo sa negosyo na si Mr. Thadeo. Naghiwalay na sila ng dating business partner at ngayon ay nasa Germany na ulit ito. Anim na buwan na siyang namamahala mag-isa sa kompanya na ngayon ay solo niya na ring pag-aari.
Sumandal siya sa malambot na executive chair saka inanalisa ang isang partikular na application form. Kalakip ng envelope ang ilang anggulo ng studio pictures nito.
The man is only twenty-two. Moreno ang balat pero hindi maitatanggi ang malakas nitong dating. Misteryoso ito kung tumingin, matipuno na ang katawan sa kabila ng murang edad, at sa larawang iyon ay lantad ang umbok nitong hinaharap. Hindi niya alam kung may palaman iyon para sadyang gumanda ang dating ng larawan. Naghahanap kasi sila ng modelo para sa ila-launch na men's underwear. Ang gusto ng kliyente nila ay bagong mukha. Iyong bukod sa hindi pa pinagsasawaan ng mata ng tao, mababa rin kung maningil dahil wala pang napapatunayan.
This man suits for the new brand. Pero kailangan pa rin niyang masiguro na totoo ang umbok ng hinaharap nito. Kung sa mukha at katawan ay sigurado siyang aaprobahan ito ni Mr. White. Magaling siyang pumili kaya madalas ay siya na ang nagdedesisyon kung sino ang ibibigay na modelo. Sigurado siya ngayon dito.
Inilapag niya ang application form nito at larawan sa mesa. Hindi niya pwedeng titigan iyon ng isang oras dahil makakadagdag lang iyon sa pag-iinit ng katawan niya. He hasn't tasted s*x for months. Ilang beses na rin niyang nagawang pigilan ang sarili kapag may lalaking nagugustuhan. Hindi puwedeng mabulgar ang totoo niyang katauhan dahil masisira ang imahe niya sa publiko.
Isa siyang dating heartthrob. Marami nang nakapilang proyekto sa kanya sa telebisyon noon nang kuhanin siyang modelo at artista ni Mr. Thadeo. Pero ipinareha siya sa isang kaedad niya ring artista para maging isang loveteam. Hindi niya masikmura ang makipaghalikan sa isang babae kahit pa onscreen lang. May mga bedscene pang kasama sa pelikula na inaalok sa kanya. Kalaunan ay nagretiro siya sa showbiz at modeling. Mas pinili niya ang maging assistant ni Mr. Thadeo dito sa modeling agency.
Tumunog ang intercom niya na galing sa sekretarya ang tawag. Bumilis ang t***k ng dibdib niya bagama't kinalma niya ulit ang sarili. Hindi siya puwedeng magpakita ng excitement. Sa tuwina ay pormal ang pakikipag-usap at pakikitungo niya kaninuman kapag nandito siya sa opisina niya. Lahat ng empleyado ay iginagalang siya.
"Yes, Marian?"
"Nandito na ho ang aplikante para sa Pheonix Men's Wear. Papapasukin ko na ho ba?"
"Give me five minutes. Make sure he has his resume and other requirements," pormal naman niyang utos sa sekretarya. Mabilis din niyang ibinaba ang telepono.
Isang malalim na buntunghininga ang pinakawalan niya. Gusto niya na sanang magbagong buhay. May nakapukaw na sana ng interes niya nang makilala niya si Georgia Montano. Sa katunayan ay sinasanay niya na ang sarili na ito ang laging kasama. Pero dumating naman ang isang ito ngayon na ipinapaalala kung ano siyang talaga. Sa dinami-dami ng lalaking modelong dumaan sa opisina niya ay ngayon lang nagrebulosyon ang dibdib niya nang ganito.
Nang makalma niya ang sarili ay tinawagan niya ulit ang sekretarya para papasukin na sa opisina niya ang aplikante. Siguro naman ay magagawa niya ulit labanan ang tukso ngayon. Katulad lang iyon ng mga tuksong dumaan sa buhay niya nitong nakaraang mga buwan. Magagawa niyang ituwid ang sarili at matupad ang kagustuhan ng Nanay niya na magkaroon ng sariling pamilya.
Si Georgia ang aalukin niya ng kasal.
Kumatok, pagakatapos ay pumasok na ang lalaki sa pinto. Nakasulat na sa application form nito na 5'8" ang height nito. Halos kasingtaas niya. Pero ang makita ang tindig nitong puno ng kompyansa sa sarili ay iba pa rin ang dating sa kanya. Pakiramdam niya'y mas matangkad pa ito sa inaasahan niya.
"Pangalan?" tanong niya nang hindi ito pinaupo. Nakatayo lang ito sa gitna ng silid hawak ang backpack na tila doon kinukuha ang lakas ng loob. At kung sa larawan ay inaakot na siya ng mga mata nito, lalo pa pala sa personal.
"Hudson Mercado ho, sir..."
Parang gustong manlambot ng mga tuhod niya sa baritonong boses pa lang nito. At kaunti na lang ang natitirang pagtitimpi niya. Sinuri niya ang kabuuan nito na napadako nang matagal sa pagitan ng hita nito.
"Alam mo bang para sa men's underwear ang produktong ina-apply-an mo?"
"Yes, sir."
"Are you willing to show your skin?" Naka-polo shirt ito at fitted jeans na nagpapakita ng hubog ng matipunong katawan. Pero hindi niya tiyak kung hanggang saan ang kaya nitong ipakita.
"I am willing, sir," buong kompyansa ulit nitong sagot. Hindi niya alam kung bakit sa kanilang dalawa, siya pa yata ang walang self-confidence ngayon. Siguro ay dahil may lihim siyang paghanga sa bagong aplikante na hindi dapat malaman ng kaharap.
"Hindi ka dapat naglalagay ng palaman riyan sa underwear mo para makuha kang modelo."
"Hindi ho ako naglalagay ng twalya o anuman kung iyon ang gusto niyong malaman, sir."
Sandali siyang napipilan. Ayaw niyang lumabas ang excitement sa tinig niya.
"Justine. Justine Arevalo," wika niya na ibinaling ang mata sa application paper nito sa mesa niya.
"Justine," banggit naman nito sa pangalan niya na tila awit sa pandinig niya. "Kaya ko hong patunayan sa inyo ngayon na totoo ang lahat ng nakikita niyo sa mga pictures na ipinadala ko."
Pakiramdam niya'y nag-init ang mukha niya sa umaandar niyang imahinasyon. Hinubad nito ang polo shirt sa pagkabigla niya. Tumambad sa paningin niya ang matipuno nitong katawan. Napalunok siya dahil sa panunuyo ng lalamunan. Nagtama ang kanilang paningin na lalo niyang hindi naiwasan. Tumayo siya at tinungo ang maliit na mesa sa sulok ng silid kung saan naroon ang alak at kopita na iniinom niya kanina.
"I will call you if we don't find another model---"
"Nakikiusap ho ako. Kailangang-kailangan ko ang proyektong ito ngayon para maoperahan ang Nanay ko." Hindi na siya pinatapos pa ng lalaki. Nang lumingon siya ay nasa likod niya na pala ito.
"Mr. Mercado---"
"Gagawin ko ho lahat ng gusto niyo. Maghubad? Kaya kong maghubad kahit anong oras. Ano ho ba ang gusto ng client niyo?"
"You don't understand." Pinilit pa rin niyang kalmahin ang dibdib dahil sa paglalapit nilang dalawa. Naamoy niya ang hindi nito kamahalang pabango pero nakakadagdag pa rin sa appeal nito kahit paano. "May mga proseso kang kailangang pagdaanan. At hindi ako ang magdedesisyon kung sino ang kukuhanin kung hindi ang kliyente ko."
Tila hindi naman nito pinakinggan ang mga sinabi niya. Dumako ang kamay nito sa pantalon at hinubad iyon. Ang kuryusidad niya na makita kung totoo ngang walang palaman ang suot nitong cotton underwear ay nagpakawala sa lahat ng pagtitimpi niya.
At sinamantala iyon ni Hudson para akitin siya. Para makuha ang gusto nitong maging modelo ng Phoenix Men's Underwear.
Kinuha ito ang isang kamay niya at ipinasok sa loob ng suot nitong saplot. Tuluyan nang nawala ang paninindigan niya na sinunggaban ng halik ang kausap na mapusok din namang gumanti. Ito pa ang nag-alis ng coat at tie niya hanggang sa sinturon ng mamahalin niyang pantalon.
Ang sumunod na namalayan niya ay binibigyan niya nang laya ang sarili sa paninikis sa loob ng ilang buwan. Si Hudson na ang nakaupo sa executive chair niya habang nakaluhod siya at tila sinasamba ito. Nakalimutan niya ang lahat ng tungkol kay Georgia. Sa ngayon ay sarili muna niya ang gusto niyang isipin.
Matapos ang kalahating oras na napagbigyan niya ang init ng katawan ay nakaupo pa rin si Hudson sa ibabaw ng executive chair niya. Siya ay nasa ibabaw ng table niya. Nagkakaintindihan naman sila na walang dapat makaalam sa mga nangyari.
"Ako na ba ang kukunin mong modelo para sa Pheonix?" mapang-akit nitong tanong na pinaglalandas ang kamay sa hita niya.
"Just make sure you don't ruin my reputation, Hudson."
"Hindi ako makakarating sa tagumpay kung sisirain kita. Malaki ang tatanawin kong utang na loob sa 'yo kapag naipagamot mo si Nanay. Hindi naman ako masamang tao." Nangako kasi siya kanina na ipagagamot ang Nanay nitong may sakit sa baga. Pumilas na siya ng tseke sa checkbook para bigyan ito ng kalahating milyon. Nasa ospital na kasi ang Nanay nito na ipinakausap pa sa kanya para maniwala siya. Mula sa background ay naririnig niya ang pag-uusap ng doktor at nurse. Nagsasabi nga ito ng totoo.
"Bumalik ka sa susunod na linggo para sa contract signing. Ihahanda lang ng sekretarya ang mga kailangan natin bago magsimula ang proyekto." Tumayo siya at lumayo nang bahagya para umiwas na sa panunukso ni Hudson.
"Bakit sa susunod na linggo pa tayo pwedeng magkita? Hindi ba puwede bukas?"
"Hindi ganoon kadali ang preparasyon ng kontrata---"
"Hindi naman kontrata ang ibig kong sabihin..." Sumunod ito sa kanya at niyakap siya sa magkabilang baywang. Nilagok niya ang lahat ng laman ng baso na hawak niya.
"Mahahalata ng mga empleyado ko kapag palagi kang pupunta rito."
"O sige. Pwede naman siguro tayong kumain sa labas? Gusto ko lang magpasalamat sa pagtanggap mo sa akin. Maniwala ka, hindi ka magsisisi. Ituturing kitang pinakamahalagang tao sa buhay ko."
"Tatawagan na lang kita." Hindi niya gustong magbigay ng sagot. Bumaba naman ang kamay ni Hudson payakap at inilapat ang labi sa leeg niya.
"Ayaw mong makipagkita sa akin pagkatapos? Sige... Sulitin ko na ang oras ko ngayon kung sa susunod na linggo pa tayo ulit magtatagpo..." pang-aakit pa nito. Ipinasok nitong muli ang kamay sa ilalim ng pantalon niya nang makalas nitong muli ang sinturon niya.
"Fine..." Pinigilan niya ito sa tangkang paghuhubad sa kanya. "Pumunta ka sa isa kong condo." Kumuha siya ng papel at ballpen at isinulat doon ang room number. Ngumiti naman si Hudson saka inayos na ang sarili.
"Dadaan lang ako kay Nanay sa ospital tapos kukuha ako ng gamit sa bahay. Puwede ba doon matulog sa condo mo?"
Isang irap ang pinakawalan niya bagama't naroon ang excitement na hindi niya gustong ipahalata.
"Sumabay ka kaya sa akin sa ospital para makilala mo na rin si Nanay?" tanong pa nito.
"God, Hudson, we just met..." tila angal niya. Mas agresibo pa yata sa kanya ang isang ito. Akala niya ay ganoon lang ang magkaroon ng relasyon ng lalaki sa lalaki. Ilang beses niyang ikinahiya ang sarili niya kahit noon. Nakapagtataka na si Hudson ay hindi yata siya ikakahiya.
"Espesyal ka na sa 'kin dahil ikaw ang nagdungtong ng buhay ng Nanay ko. Sige, pupuntahan na lang kita mamaya sa condo mo." Kumindat ito nang matamis bago lumapit muli at sinunggaban siya ng halik. Mabilis din itong tumalikod at lumabas ng silid niya pagkatapos.
Napaupo siya sa malambot na sofa habang inaalala kung paanong nangyari ang ganoon kabilis. Naalala niya na mamaya ay may usapan din sila ni Georgia na pupuntahan siya nito dito sa opisina.
Mabilis niyang tinawagan si Georgia para ikansela ang meeting. Kailangan niyang puntahan nang lihim ang ospital na sinabi ni Hudson kung saan naka-confine ang Nanay nito bago pa siya puntahan nito sa condo niya. Kapag nagsasabi ito ng totoo ay tuloy na ang kontrata nito sa Phoenix tulad ng ipinangako niya kanina.
At tuloy na rin kung ano man ang namagitan sa kanila kanina.