PINAGMASDANG mabuti ni Dolly ang buong kwarto ng VIP room A. Maliliit na parang mga bituin ang mga ilaw sa itaas. Mayroon din sa lower corner ng mga kagamitan. Naglalaban ang pula at asul na kulay sa kabuuan ng kwarto. Sa dulong bahagi ay sumasakop ang clear na salamin kung saan malayang nakapanonood ang mga VIP customer sa mga performer sa ibaba. Mayroon ding malaking LED television sa itapat ng sofa kung saan nakaupo ang lalaki na halatang nasa kwarenta na ang edad. May baso ng alak sa ibabaw ng mesa na nasa tapat ng inuupuan nito. Siguro sanay na siya sa amoy ng alak sa kabuuan ng bar kaya parang balewala lang sa kanya ang matapang na amoy sa kwarto na iyon. Ilang bote kasi ng alak ang nasa kabilang bahagi kung saan naroon ang counter ng bartender. Isang Filipino-Chinese businessman

