NAGKAROON pa ng tiyansa si Dolly at Jerome na magka-kwentuhan matapos ang ilang araw na pagpunta roon ng lalaki. Mas palagay na rin ang loob niya dito matapos ang ilan pa nilang mga engkwentro. Natapos ang araw ng suspensyon ni Mona at ang pagbabalik nito sa bar kaya inaasahan niya ito sa gabi na iyon ngunit hindi ito pumasok. Narinig na lang niya mula sa usapan ni Osang at Britney ang dahilan habang naroon din siya sa dressing room. “Anong nangyari do’n, Ses?” tanong ni Osang kay Britney na parehas na kaibigan nito. Ngumuso ito at saka sinabi kung ano ang talagang dahilan. “Ewan ko don, Ses. Na-megamind ‘yung jutak niya sa parusa. Ewan ko kung ano ang gusto ng isang iyon.” Ibig sabihin nito ay lumaki ang ulo ni Mona at masama ang loob nito sa ibinigay na parusa ni Xander. Lumabas

