NAKAKUNOT ang noo ni Jerome nang makilala siya nito. “Mona?” Nilingon nito ang bodyguard na nag-aabang na para bang nais itong pagalitan ang lalaki dahil hinayaan siyang gumawa ng ingay at eskandalo. “What are you doing here? Hindi ka man lang nagsabi na pupunta ka pala dito.” Kita niya na hindi napalagay ang mata ni Jerome. Para bang umiiwas ito sa kanya. “Jerome, let’s talk inside,” hiling niya. Hindi tuminag ang lalaki na ikinabigla niya. Nanatili lang ito sa pintuan at hindi kumikilos. Halatang ayaw siya nitong papasukin. Sinundan niya na lang ang direksyon ng tingin nito at nakita si Dolly na naglalakad sa hallway. Sumama ang mukha niya. Ito ba ang dahilan? Bisita ba ito ng lalaki kaya ayaw siya nitong tanggapin? Matalim ang tingin na ipinukol niya kay Dolly. Halata na nabigla r

