Nakatanaw si Sahara sa malawak na hardin ng Del Rio Mansion pero wala doon ang isip niya. Alas dyes na ng umaga. Tiyak niyang kanina pa nabasa ni Matteo ang kapirasong papel na iniwan niya. "Akala ko ba'y isang linggo kang mawawala?" Napalingon siya sa tinig ng ina na nakatayo sa gilid ng kama. Lumapit siya at yumakap, saka umiyak sandali. Bawat haplos nito sa likod niya'y nagdudulot ng magaang pakiramdam. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naging bahagi ang Mommy niya sa pinagdadaanan niya. "Kumusta sina Matteo at Bernard?" "They're alright..." mahina niyang sagot. "Nasaan si Matteo?" Umiling siya saka iniiwas ang mukha sa ina dahil sa nagbabadyang luha. Hindi niya kayang itago ang sakit, pero alam niyang maghihilom rin iyon. Sa takdang panahon. "I broke up with him. The

