Pagdating ni Matteo at Bianca at kalmado na si Sahara. Tinanggap niya nang maluwag sa dibdib na hindi siya ang babaeng nararapat sa kasintahan. "Sa Mayor na tayo ikakasal, love..." Yumakap sa kanya si Matteo habang nasa balkonahe siya at nagpapahangin. "Sinamahan ako ni Bianca na humingi ng schedule." Humarap siya sa binata at ipinaikot ang dalawang braso sa baywang nito. She has few days to savour each moment with him. Pagkatapos ay magiging isang magandang alaala na lang ang lahat. Babaunin niya ang pagmamahal nito para maging matatag. "Hmmm... Sigurado ka bang ako na ang gusto mong mapangasawa? Tulad ng sabi mo, I was pampered my whole life." "Yan lang ba ang inaalala mo?" nakangiti nitong wika. "I promise to pamper you more everyday. Magsawa ka sa pagsisilbi ko." Gust

