"Hi, Matt!" bati sa kanya ni Suzette na pumasok sa opisina niya. Abala siya para sa mga iiwanang trabaho sa mga tauhan at sa Tito Eman niya. Isang linggo silang magbabakasyon ng Papa niya sa binili niyang bahay sa Masbate na malapit sa dagat. "Hi," tamad niyang bati. "Wala kang lakad?" "May kliyente akong ka-meeting maya maya. Hindi ka umuwi sa inyo kagabi." "May nilakad ako kahapon at sa hotel na lang ako natulog. Sa bahay ka ba kagabi natulog?" Ilang linggo na itong madalas na namamalagi sa bahay niya kaya't sa penthouse na siya natutulog. Kung may naitutulong man ang pamamalagi ng dating kasintahan sa bahay niya ay ang kaisipang may kausap madalas ang Tita Menchie niya para malibang ito. "Yes. At ang aga ng bisita ni Tita Menchie ha!" Naningkit ang mga mata niya. Wala

