SKY “Are you okay?” agaw pansin sa akin ni Tita Clara. “Po?” tanong ko na nagtataka. She sighed and sat down on my side. “Ano ang pinag-iisip mo at parang wala akong kausap kanina pa? Akala ko ba training natin ngayon, bakit ka tulala riyan?” Doon lang ako nagising sa sinabi niya. Naalala ko naman ang ginawa ni Mistress kagabi, na dapat ko ng kalimutan. Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil sa guilt pero wala naman akong ginawang masama. Nagtatalo ang puso at isip ko sa nangyari. Pero dahil nga training ko, kailangan kong mag-focus. “Wa-wala po.” Umiling pa ako. “Naalala ko lang po ang pamilya ko, Tita. Sorry po. Pero hayaan ninyo, aayusin ko na po ngayon ang training ko para makauwi na ako.” Pagdadahilan ko. “Okay. Iyon ang isipin mo. Ang training na ito ay para makauwi ka. Kail

