“You should be careful next time. Buti na lang naiwang bukas ang pinto ng unit mo,” sabi niya saka marahang inalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Pinahid ko ang mga luha sa pisngi ko saka mas ibinalot sa sarili ko ang coat niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napaiwas ng tingin sa kanya. “Loreng!” Agad akong napalingon kay Darcie nang pumasok ito sa unit ko. Agad ako nitong niyakap ng mahigpit, kahit nanghihina ang mga braso ko, gumanti pa rin ako ng yakap sa kanya. “Gun, ako na ang bahala kay Loreng. Intindihin mo ang lalaki na 'yan,” sabi ni Darcie habang hinahplos ang likod ko na tila pinapakalma ako. Tumango na lang si Gun at lumapit sa lalaki sa kinaladkad ito palabas ng unit ko. “Narinig namin na may nasigaw mula rito bago kami pumasok ng unit, ayaw pa ngang puntahan ni

