"Ha? B-buhay yung ex-girlfriend ni Gun?" tila hindi makapaniwalang tanong ko. "Imposible naman 'yon, I mean, patay na 'yon eh," sabi ni Kionn na tila naguguluhan din habang nagmamaneho. Nakagat ko ang kuko ko. "H-hindi kaya may kakambal si Leisha?" tanong ko. Umiling naman siya. "Walang kakambal si Leisha, kaya nga nagtataka ako eh. Kamukhang kamukha talaga niya si Leisha, paano nangyari 'yon?" Mukhang pati siya naguguluhan din. "Pina-imbestigahan mo ba siya?" "Hindi pa, nagpahanap lang ako ng picture ni Leisha kay Lion. Tangina, gulat na gulat talaga ako, kamukhang kamukha eh, walang tapon." Binasa ko ang ibabang labi ko saka napatingin sa bintana. Posible bang buhay pa si Leisha? Pero paano naman mangyayari 'yon? "Okay ka lang Lorraine?" tanong ni Kionn. Mapait na ngumiti na lan

