“Miss Torres? Ok lang po ba kayo?” tanong ng lalaking nurse kay Yani nang tila napatulala ang babae sa pagtitig dito. Sa reaksyon ni Deyanira ay parang nakakita ito ng multo. Although napag-alaman na hindi iyon ang kasintahan, umasa siya na sana buhay ang lalaki nang tila lumukso ang kanyang puso nang marinig ang boses nito. Malayo man ang mukha nito sa kasintahan ay para bang may kakaibang naramdaman siya towards that guy. “Yani, gusto mo na ba magpahinga?” tanong ni Patrick nang mapansin ang reaksyon ng babae. Sa isip nito ay baka pagod na si Yani at kailangan muna nitong makapag-isa. Nasapo niya ang ulo nang makaramdam ng konting pananakit doon. Sinabayan niya iyon ng paghugot ng malalim na buntong hininga. “May masakit ho ba sa inyo? Kailangan po ba nating tawagin ang doctor?” t

