Palibhasa ay abala sa ginagawa at maingay sa paligid dahil sa mga nagpa-panic na mga tao sa loob ng establisyementong iyon ay walang kaalam alam si Mang Bert pati na ang kasama nito na may nakapasok na ng ibang tao sa loob ng kuwarto. Pumwesto si Deyanira sa likuran ni Mang Bert at buong lakas na ipinalo ang magkahawak na kamay sa likuran ng lalaki. Nasaktan ang lalaki ngunit hindi naman natinag sa pagkakatayo. Mabilis na dinampot nito ang baril sa harapan na nakalagay lang sa ibabaw ng lamesa pero dahil maliksi ay agad na naagaw iyon ni Yani. Hinapit niya ito papalapit sa katawan at agad na inangkla ang kaliwang braso sa leeg nito at itinutok ng kanang kamay ang naagaw na baril sa sintido nito. Naalarma ang isang lalaki kung kaya kinuha rin nito ang sarilig baril at itinutok sa dalaga.

