“Namumuro na talaga ang babaeng ‘yan!” Walang kaimik imik si Copper habang nakikinig lang sa mga sentimiyento ni Mr. X. Kanina pa mainit ang ulo nito sa nangyaring raid sa bodega. Hindi kasi nito akalain na pati iyon ay matutunton ng mga pulis. Kasalukuyan sila noong nagbibyahe papuntang Maynila para i-secure ang iba pang drogang nabawi nila. “Ilan pa ang natira?” tanong ulit nito sa mga tauhan na kasama sa loob ng sasakyan. “Konti na lang ho boss. Marami ho silang nakuha. Nalagasan din ho tayo ng mga tauhan. Pati si Mang Bert at ang kasamahan niya namatay rin. Pati mga bihag natin nakuha nila.” Nagtagis ang bagang ng matanda kasabay ng mahigpit na paghawak nito sa gilid ng upuan. Si Mang Bert ang pinakamalakas magbenta ng shabu sa mga tauhan nito kung kaya hindi nito pinabayaan ang

