"Target spotted, Lord," wika ng driver ng sasakyang lulan si Copper na siyang nakasakay sa likurang bahagi nito. Nakakubli ng bahagya ang sasakyan nila sa madilim na parte ng kalsada. Inaabangan ang pagdaan doon ng tinatarget na tao. "Harangan n'yo," utos agad ni Copper sa dalawang lalaking nakaupo sa unahang bahagi ng sasakyan. Nagmaniobra ang driver upang humarang sa harapan ng motorsiklong paparating ngunit tila natimbrihan iyon ng driver ng motorsiklo kaya nauna nang pinatakbo nito ng mabilis ang minamanehong motor. Nakalampas si Deyanira at kasabay ng mabilis na pagpapatakbo ng sasakyan ay kinuha ang baril na isinukbit sa tagiliran ng suot na pantalon. Mukhang mapapalaban siya ngayon. May takot man na nararamdaman sa dibdib ay nilakasan niya ang loob at naghintay ng pagkakataon

